January , 2010 ng dumating ako sa UAE, para
makipagsapalaran sa ibang bansa bilang IT instructor… nag resign ako sa dati
kong trabaho para narin makapiling ang lalaking labis kong minahal, kahit pa
may asawa’t anak na s’ya.
Alam kong mali ang kung ano mang meron sa
amin ni Ryan, subalit sadya yatang ganoon pag nagmamahal ka. Naging maayos
naman ang pagsasama namin ni Ryan sa UAE… nag sama kami sa iisang flat
bilangmag-partner, mag asawa?
Mas lalo pa s’yang napamahal sa akin… hindi
din n’ya kinakalimutan ang kanyang obligasyon sa kanyang asawa’t anak sa
Pilipinas. Magkatuwang naming inalalayan ang kanyang mag-ina, wala akong
hinihinging kapalit ano man mula sa kanya. Kahit ilang ulit nyang sinabing
makikipaghiwalay na lang s’ya sa kanyang asawa’y hindi ako pumayad, dahil sa
aking palagay ay mas tamang lumaki ang kanyang anak na may kinikilala ama.
Masakit man, lalo na sa t’wing tatawag ang kanyang asawa… sa t’wing tuwang-tuwa
s’yang nakikita ang kanyang anak, pero sino ba ako… ano nga ba ako sa buhay
n’ya para ipagdamot ang nararapat lamang para sa kanya.
Dalawang taon… dalawang mahahabang taon
kaming nalunod sa galak na dulot ang lihim naming pag-ibig, na halos nalimutan
kong ako pala ang s’ya itong nanghihiram lamang ng pagmamahal mula sa iba.
November 2011
Nakatakdang mag bakasyon sa Pilipinas ni
Ryan… kahit naging akin s’ya ng halos dalawang taon, ay parang may kurot parin
sa aking puso dahil nga uuwi s’ya sa tunay nya’ng asawa. Pero hinanda ko naman
ang aking sarili sa mga ganitong pagkakataon. Dahil alam ko darating ang
panahong kakailanganin s’ya ng kanyang mag-ina.
At naganap nga ang lahat…
December 19, 2011
Ito dapat ang petsa ng pagbabalik sa UAE ni
Ryan, subalit isang tawag ang natanggap ko mula sa kanya. Hindi na daw muna sya
makakabalik dahil gusto n’ya pa daw makapiling ang kanyang anak, at gusto naman
daw yang maranasan muli ang pasko sa Pilipinas. Masakit, dahil nakaplano na
ako… kami... na kami muli sa araw ng pasko, at dahil pamilya nya ang dahilan…
wala naman akong magagawa kundi ang magpalaya…
December 23, 2011
Isa muling tawag na tuluyang nag-paguho sa
aking mundo:
“Bings, I’m so sorry… di na ako makakabalik
sa UAE… alam na ni Rachel ang tungkol sa atin, kailangan ako ng pamilya ko… ng
anak ko… sorry talaga!”
Mga huling salitang aking narinig mula sa
kabilang linyang ng cp… isang sampal na paalam mula kay Ryan. Ang tita ni Ryan
ang nagsabi ng lahat kay Rachel, ang tungkol sa pagsasama naming sa UAE ang
lahat… ilang larawan na lihim naming ikinubli sa lahat ng aming mga kakilala’t
kaibigan ang s’yang magiging patunay ng aming pagsisinungaling at kataksilan.
Ayaw daw n’yang mawala sa kanya ang kanyang
anak… wala naakong magagawa pa… ako ang kalaguyo akin ang pagdurusa.
Alam kong minahal ako ni Ryan, subalit hanggang
doon nalang talaga siguro ang aming pag-ibig.
Sinubukan ko syang kalimutan… subalit sadyang
di madali.
-itutuloy-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento