-Kwento sa likod ng Pagliban-
Matapos ang pananghalian inaya ako ni itay sa biranda ng kanilang villa… at doon ay nagka-kwentuhan kami habang abala naman si Tita Flor sa pagliligpit ng hapag kainan at ang dalawang bata ay di magkamayaw sa aking mga pasalubong na laruan.
Tila binalikan naming ang lahat-lahat mula pa lamang ng ako’y pinagbubuntis ng aking ina at kung bakit ako ang napili niyang magdala ng kanyang pangalan… (junior nga pala ako ng aking ama, what a name).
Magpapatawad…
Hanggang nadako ang aming usapan sa pag-buo ng pamilya:
“Wala ka bang ipapakilalang girlfriend sa akin? Aba di ka na bata… naunahan ka pa ni Archie at balita ko magkakaapo na ako sa kanya” tanong ng aking ama, sabay ngiti
Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot… walang nakakaalam sa aming pamilya kung ano ang aking sexual orientation wala akong pinagsabihan… dahil kahit na mayroon akong naging karelasyong lalaki, lalaki parin naman ang kilos ko’t galaw.
“Dad
I’m GAY!” ang tangi ko lamang naging tugon…
At
dahil dito mas matapang ko ng mahaharap ang mundo…
handa
ko ng sabihin sa mundo na Bisexual ako!
Nasabi
ko nga sa tatay ko…
“Felmo,
anak matanong ko lang… natuli ka ba?”
Isang
malakas na tawa ang aking naisagot… sabay sabing
“Opo!”
Thursday
August 16, 2012
Kalalapag
palang ng eroplanong aking sinakyan mula UAE papuntang Kuwait. Atubili na ang
lahat sa kani-kanilang gamit naghahada sa pagbaba mula sa eroplano, subalit ako
tila walang kabalak-balak. Tila namanhid ang buo kung karawan… para akong
iniwan ng aking katinuan, saglit pa’y mas ninais ko ng bumalik sa UAE… pero
narito na lang din lang ako, kung kaya tinanggap ko na lamang sa aking sarili
na ito na marahil ang matagal ko ng dapat ginawa.
Ako
ang huling pasaherong tumayo sa aking upuan at ako rin ang kahulihulihang
lumabas… dahil mas gusto ko pang tumagal kahit na kunti pa ang muli naming
pagkikita ng aking Ama!
“kumusta
ang byahe?” salubong na tanong ng aking itay ng magkita kami sa arrival area ng
airport, sabay akbay at kuha ng isa sa bitbit kong bag.
“okey
naman po…”
“nasa
labas nga pala ang tita Flor mo”
Tinungo
namig ang car park habang naglalakad ay kay dami ng kwento nang aking ama,
subalit tila wala akong naintindihan sa ano mang sinabi nya… parang sirado pa
rin ang aking pangdinig sa kung ano pa mang
sasabihin nya.
Pero
bakit nga ba ako nandito? Diba para narin mabuo ang ang aking pagkatao… at para
narin makaharap at matuldukan na ang matagal-tagal narin galit at tampo ko sa
aking ama.
Habang
bumabyahe kami pabalik sa bahay ni itay, pinagmamasdan ko ang buong paligid…
iilang sasakyan lamang ang makikita sa daan…marahil dahil ala-una ng hapon noon
at di pa rin natatapos ang Ramadan, kung kaya ko nga rin pinili na pumunta ng
Kuwait sa petsang malapit ng mag Eid para naman makapamasyal ng maayos at
makakain sa oras na gustuhin ko.
Narating
namin ang bahay, sinalubong ako ng dalawang bata… niyakap… tinawag na kuya… mga
kapatid ko sila sa ama. Di nalalayo ang mga mukha nila sa dalawa kung
nakakabatang kapatid noong mga bata pa sila. Magiliw ko naman silang kinausap…
lukso ng dugo baga.
Naghain
agad ng makakin ang Tita Flor, ako naman ay abala sa pakikipag-usap sa dalawang
bata si Danica 3 yrs old at Dave 7 yrs old na kahawig na kahawig ni Archie,
nakakabata kong kapatid. Bibo ang mga bata at marami ding kwento… English kung
English ang usapan… pero wala namang nose bleed na naganap.
Isang
masayang tanghalian ang naganap, naranasan ko muling magkaroon ng pamilya…
dahil mayroon akong ama may inang matatawag at dalawang bibong kapatid.
Matapos ang pananghalian inaya ako ni itay sa biranda ng kanilang villa… at doon ay nagka-kwentuhan kami habang abala naman si Tita Flor sa pagliligpit ng hapag kainan at ang dalawang bata ay di magkamayaw sa aking mga pasalubong na laruan.
Isang
masayang kwentuhan…
Ama
sa anak…
Tila binalikan naming ang lahat-lahat mula pa lamang ng ako’y pinagbubuntis ng aking ina at kung bakit ako ang napili niyang magdala ng kanyang pangalan… (junior nga pala ako ng aking ama, what a name).
Hanggang
sa mga pangyayaring kapwa naman naming di ninais na maganap.
Minsang
tatawa…
Maluluha…
Hihingi
ng tawad…
Magpapatawad…
Hanggang nadako ang aming usapan sa pag-buo ng pamilya:
“Wala ka bang ipapakilalang girlfriend sa akin? Aba di ka na bata… naunahan ka pa ni Archie at balita ko magkakaapo na ako sa kanya” tanong ng aking ama, sabay ngiti
Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot… walang nakakaalam sa aming pamilya kung ano ang aking sexual orientation wala akong pinagsabihan… dahil kahit na mayroon akong naging karelasyong lalaki, lalaki parin naman ang kilos ko’t galaw.
Tila
nabigla ang aking ama sa aking sinabi… matagal siyang napatitig sa akin, walang
kaimik-imik. Katahimikan…
Tumayo
sya at bigla akong niyakap ng kayhigpit… alam ko mula sa sandaling iyon
tinatanggap nya ako bilang ako ay ako.
Nababakas
man sa kanyang mukha ang panghihinayang subalit alam ko ring hindi nya ako
hinusgahan sa kung ano ako… nagbilin lamang sya na ingatan ko ang aking sarili
lalo na’t nasa Middle East din ako nagtratrabaho.
Pinaliwanag
ko naman sa kanya ang aking damdamin, ang aking nararamdaman maging ang aking
kilos. Pati narin ang aking kasalukuyang relasyon kay Bryan.
At
noon ko lang napatunayang mahalaga pa rin ako lalo na sa aking ama kahit ano pa
ang pagkatao ko.
At
muli bumalik ako sa sandaling kinailangan ko ng ama sa aking tabi upang sabihin
sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin… upang ako ay gabayan… upang ako ay
turuan ng dapat…
Marahil
ay di na maibabalik pa ang mga lumipas na sandali… subalit maari pala itong
punan ng ngayon… ng pagmamahal…
Sunday September 9, 2012 5:30PM Oman Time:
Kausap
ko lang sa phone ang tatay ko… gamit ang viber…
Bigla
nalang akong magulat at natawa sa isa nyang tanong…
Ang
sarap talaga ng may ama!
Hahaha buti di ka napatambling sa tanong nun about tuli. Hindi ba niya nalaman un dati?
TumugonBurahinPero im glad masaya ka at nakapag out ka na sa dad mo. I salute you :-)
Good Day Mac!
TumugonBurahinBata pa kasi ako nag-aabroad na kasi ang tatay ko... baka di nya alam :(
naloka lang ako kasi ang sabi nya baka kaya daw ako naging bi dahil di ako agad natuli... sabi ko "Dad sabay kaming tinuli ni kuya sya hinimatay ako pasipul-sipol lang!"
yes masaya... and Thanks!