Martes, Disyembre 27, 2011

Sa aking higaan


image courtesy of http://corkstudio.com



Tila lumuwag
parihaba kong mundo
kamang kay lambot
sa isang bahagi lang may lundo.
Naisin ko mang narito ka sa tabi ko
alam kong di maari, yan ang totoo.

Ayaw ko sanang dumilat
dahil alam ko namang wala ka,
wala ka dahil nagpaalam kang uuwi…
uuwi sa sariling bansa.
Hindi kita pwedeng pigilan,
ni hindi kita pwedeng angkinin
dahil tulad ng kumot
pag di mo na kailangan, itutupi… liligpitin.

Ilang araw lang naman ang sabi mo,
muli babalik sa piling ko...
Para ano? Muli ay gamitin mo,
pangpainit pag muli’y nilalamig…
ang bawat gabi mo?
Tanggap kong di ka akin,
pero nais ko pa ring ikaw ay makapiling,
kahit sa panandaliang sandali… panandaliang aliw.

Tulad ko’y unan 
na sa halik mo ay nananabik,
madantayan man lang ng iyong binti’t bisig.
Yakapin mo ng kay higpit,
sa kabuohan ko nakapulupot… nagnanais.
Subalit sa ngayon ito’y pangarap lamang…
pangarap muli.

Babangon at hihiga ako sa aking kama ng nag-iisa.
Ipipikit’t at imumulat ang mata ng wala ka…
Bakit di ako masanay?
at di ko matanggap na di tayo talaga.
Dahil habang narito ako sa aking pag-iisa,
Kapiling mo ang tunay mong asawa...

BABAENG ASAWA!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento