Naririto ako dahil may kailangan narito
Dahil kung may krimen, dapat may kriminal
Hindi ko pinili ang maparito
Sa aking kinalalagyan, sa likod ng rehas na bakal
Kahit itanggi’y wala akong magawa
Para sa madaling sulosyon ako ang pinakita
upang may mukha ang isang gawa…
Nang kung sino, ng kung para saan
Pagkakasalang hindi ako ang may gawa
Ang ipinaratang… ang sa akin ay pinapaangkin
Paano ko tatanggapin? gayong ang hatol
ay di para sa akin
Naririto ako dahil may kailangan narito
Para sa dagliang kasagutan ng isang suliranin
Na hindi hinanapan ng katutuhanan…
Bagkus ako ang syang kinasangkapan
Habang buhay ko ang kapalit
Upang maging tama lamang ang mali't maigiit
Ako ngayon ang naririto
Habang ang may sala, sa trono nakaupo
Si Fidel ay isang bodyguard ng anak ng isang Mayor… ipinagtanggol ang amo mula sa isang gulo, nabaril ng amo ang isang kaaway… si Fidel ang syang ikinulong dahil siya daw ang may kasalanan, saya ang bumaril, siya ang may kagagawan. Hanggang sa kasalukuyan nasa kulungan parin si Fidel… Samantalang Mayo ng taong 2010 ang anak ng Mayor... Alkalde na rin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento