For me Christmas is not worth celebrating…
December 24, 2002 11:30PM
Abala ako noon sa paghahanda ng noche buena, para sa nalalapit na pagsapit ng pasko… iniayos ko ang mga pagkaing aking iniluto para sa isang masyang salo-salo na pa lagian naming ginagawa tuwing sasapit ang pasko. Apat kaming magkakapatid, tatlong lalake at isang babae. Anim na plato ang aking inihanda sa lamesa para sa aming magkakapatid at magulang.
Pag sapit ng hating gabi ay tinawag ko na nag lahat para kumain… magiliw silang pumunta sa hapagkainan at naupo sa kanya-kanyang bangko. Sinimulan namin ang Noche Buena ng isang dalangin at matapos ay isa-isa ko silang pinagsilbihan ng makakain sa kani-kanilang mga plato.
Nang mabigyan na ang lahat ay naupo muli ako sa masayang humarap sa kanilang lahat at bumati ng “Maligayang Pasko” mula sa tagpong iyon ay unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata… kasabay nang panglalabo ng aking paningin dahil sa namuong luha, ay dahan-dahan... isa-isang naglaho ang aking pamilya.
Namulat na lamang ako sa katutuhanan na ako lang naman talagang mag-isa ang nasa hapag kainan… ako lang, nag-iisa nang paskong iyon.
December 15, 2002 8:45AM
Masaya akong ginising ng isang tawag mula sa ibang bansa, ang aking itay ang tumawag… uuwi daw siya ng December 20, masaya ako ng mga sandaling iyon dahil nga bibihira naman umuwi ang aking itay ng December… nasa Saudi s’ya tuwing ikalawang taon lamang siya umuuwi sa Pilipinas, isang buwang mamalagi sa amin at muli babalik sa Saudi. Ganoon ang nakalakihan kong sitwasyon sa aming pamilya.
Masaya na sana ang lahat dahil uuwi nga sya, subalit tulad ng dati hindi rin mabubuo ang pamilya namin ngayong pasko… dahil wala si inay.
November 21, 2002 4:00PM
Kagagaling ko lang sa school, 4th year student ako noon edad labing anim. Nandoon ang panganay naming kapatid, bibihira lang naman siyang nasa bahay minsan dalawang beses sa isang buwan lamang syang umuuwi at hindi pa naman Biyernes. Sa Maynila siya nag-aaral at nagbo-board doon, sa pagtataka ay natanong ko sya kung bakit siya napaluwas.
Nagulat ako sa kanyang sinabi… ang aming inay ay umalis na ng bahay, natuklasan ng aming tiya (kapatid ng aking itay) na may kinahuhumalingang lalaki ang aking ina. Kaya sa hiya ay umalis na lamang siya sa bahay.
Agad kong tinungo ang silid ni inay, wala na ang mga damit niya sa aparador… kaninang umaga lamang ay kausap ko sya, wala siyang nabanggit na ano man lang. nagbilin lamang na pagbutihin ang aking pag-aaral at lagging aalagaan ang mga nakakabata kong kapatid. Hindi ko binigyan ng ibang kahulugan ang kanyang sinabi ng umagang iyon dahil lagi naman siyang nagbibilin ng ganoon sa akin.
December 22, 2002 7:00PM
Dalawang araw mula ng dumating ang aking itay, nasa kusina kami at kumakain ng hapunan kaming apat na magkakapatid kasama si itay. Nagbilin siya sa amin ni kuya na magluto sa noche buena, iimbitahin daw niya ang kanyang mga kapatid para doon na lamang sa bahay mag diwang ng pasko.
December 24, 2002 12:00PM
Habang nag-tatanghalian ay sinabi ni itay na sa bahay na lamang ng aming lola kami magpapasko… hindi naman kalayuan ang bahay nag lola ko sa amin. Pumayad ang aking mga kapatid, ako tumutol sabi ko’y may ilan akong kaibigan sa simbahan na pupunta sa bahay kaya maghahanda na lamang din ako. Nakapamili na lang din lang ng panghanda kung kaya nagpasya na lang akong magluto. Sabi ko nalang na susunod nalang ako sa bahay ng aking lola pag-alis ng mga bisita. Sumang-ayon naman ang aking itay.
December 25, 2002 12:30AM
Nasalabas ako ng bahay… pinagmamasdan ang buong paligid, maingay ang ilang kapit-bahay, masaya sa pagsapit ng pasko… samantalang ako nag-iisa…
December 25, 2011 1:00AM
Nasa balcony ako ng aking flat dito sa UAE… pinagmamasdan ang malikot na galaw ng ilaw sa may lansangan… parang isang ordinaryong araw lamang ang nagdaan… hindi ko parin malimutan ang nagdaang pasko, halos sampung taon na ang nakakalipas
Dapat masaya na ako, may sarili ng pamilya ang aking ina… si itay ay may kinakasama na rin sa ibang bansa… may asawa na ang nakakatanda kong kapatid, samantalang ako binata pa rin? Ang sumunod sa akin ay ikinasal na noong nakaraang tao, ang bunso na lang namin ang nagaaral sa ngayon.
Subalit mula ng paskong iyon parang di kona pinag-aksayang ipagdiwang ang pasko... dahil sadyang iba parin kapang kasama mo ang pamilya mo sa araw na ito...
Subalit ang paskong ito ay kakaiba dahil nagdiwang din ako kanina… ngayong pasko…
Kasama si Arthur:
Wala bang kapatid o pinsan si Arthur? Hahaha! Chos! :)
TumugonBurahinI also wasn't with my family nung christmas and nung birthday ko (december 17) kaya i have the same resentments. cheers to a happy new year! first time here -elijah :)
TumugonBurahin@ Ms. Chuni, just back from a week vacation... with Art... may pinsan pero walang kapatid na lalaki. Thanks!
TumugonBurahin@ Elay, Happy Birthday (belated) Happy 2012! me i move on... buti nalang may umakay...