Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Hubert. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Hubert. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Pebrero 12, 2012

Sa Magkabilang Dulo... (part 2)


Mga ilang linggo na ring may nagaganap sa amin ni Hubert, at mas lalo pa nga kaming nalapit sa isa’t isa. Kung dati ay kada linggo ako umuuwi sa amin ngayon ay minsan na lamang sa isang buwan. Sa mga sandaling kami lang ni Hubert ang nasa kwarto doon namin nilalabas ang init sa amin katawan, naging mas maalab mas mapusok…
Labis ko pang nakilala si Hubert, at isa na roon ang kanyang kinaaanibang relihiyon, unti-unti ay inilapit nya ako sa kanyang paniniwala’t pananampalataya. Isinama nya ako sa ilang pagpapahayag ng kanilang mga aral at makailang linggo ring akong tumunghay sa kanilang araling pang relihiyon ng pagpasyahan kong umanib na sa kanila. Ikinatuwa iyon ni Hubert.
Nang gabing iyon, muli ay pinagsaluhan namin ang isang sekswal na relasyong kami lamang ang nakakaalam…
Linggo noon, muli ay kami lamang dalawa ang nasa dorm. Naliligo ako noon sa banyo, ng kumatok siya’t akin namang pinagbuksan. Pagpasok pa lamang niya ay bigla niya akong niyakap ng kay higpit, hubo’t hubad kaming kapwa nag tampisaw sa tubig na nagmumula sa shower, na bagamat malamig ay tila hindi kinaya ang init na kapwa namin nararamdaman.
Umupo siya sa inidoro at sumandal sa pader habang ako naman ay paharap na umupo sa kanyang harapan at doon nga ay malayang napasok ni Hubert ang aking panglikod na lagusang di sinadyang gawin para sa salitang kantutan... taas baba akong umindayod sa kanyang sandata habang sinasabayan n’ya ng ulos ang bawat kung galaw… kapwa namin nilasap ang tamis ng kapwa naming mga labi... hanggang marating namin ang huwad na langit…

Araw ng Huwebes, madaling-araw pa lamang ay gising na ako, iyong  ang araw ng pagbibinyag sa akin upang tuluyang mayakap ang relihiyong ipinakilala sa akin ni Hubert. Marahan akong kumilos sa loob ng kwarto, nagbihis… matagal kong tinitigan ang mukha ni Hubert na noon ay himbing pa sa pagtulog.
Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na ako ng dorm at nakita ko na lamang ang aking sarili sa loob ng simbahan ng Baclaran, nakaluhod sa unang hilira ng upuan malapit sa altar. Nananalangin at humingi ng tawad sa pagtalikod sa relehiyong aking kinagisnan.
Matapos manalangin ay naglakad-lakad ako sa labas ng simbahan, hanggang napadako ako sa LRT station. Walang paliwanag, subalit umakyat ako sa LRT station bumili ng card at sumakay sa unang treng huminto sa aking harapan… hindi ko alam kung saan ako pupunta, isa lamang ang aking alam “Hindi pa akong handang yakapin ang relihiyong kinabibilangan ni Hubert, hindi pa.”
Kada madaan kong estasyon ng LRT ay bumababa ako ng tren, pinagmamasdan ang bawat paligid nito… at muli ay sasakay sa susunod na tren na darating… hanggang marating ko ang kabilang dulo ng LRT station ang Munumento.
Bumaba ako at lumipat sa kabila at muli sumakay ng tren at gaya ng dati ay bumababa at sumasakay namang muli hanggang marating ang kabilang dulo ng LRT station…
Narating ko ang magkabilang dulo ng LRT, sa isip-isip ko kami pala ni Hubert at parang LRT station lamang na nasa magkabilang dulo. Tulad ng bawat relihiyong aming kinagisnan. Nabagamat iisa ang reles na dinadaanan mas pinili ng bawat isa na sa magkabilang dulo lumagay at ni ayaw magkita sa gitna.
Hindi ako umaasa ng ano man sa pagitan namin ni Hubert, subalit sumagi rin sa akin isip na baka kaya niya malayang ibinigay ang kanyang sarili sa akin ay upang mahatak niya ako sa kung saan dulo siya kabilang…
Natanong ko ng mga sandaling iyon “Ilang Diyos ba ang dapat kong makaribal para sa isang pag-ibig?” noong una si Jack, ang magpaparing si Jack. Ngayon naman ay si Hubert na iba ang pananampalataya.
Maghapon akong gumala, nanood ng sine bagamat hindi ko gusto ang palabas. Maghahating gabi na ng bumalik ako ng dorm. Pagpasok ko sa loob ay gising pa rin si Hubert nakatitig ng masama sa akin. Wala akong imik, yumuko na lamang ako. Tumayo siya at inaya akong lumabas ng dorm, dahil naroon ang dalawa pa naming kasamang kapwa na tulog.
Wala siyang kibo habang naglalakad kami patungo sa parke na malapit sa aming dorm. Pagdating doon at naupo kami sa isang upuan. Siya ang bumasag sa katahimikan.
“Bakit mo ito ginawa, akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Alam mo ba kung anong kahihiyan ang dinulot nito sa akin Elmo?
“Hubert, hindi ko alam… pero hindi ko kayang talikuran ang pananampalataya ko.”
“Pero paano ako? Pinaasa ko ang mga kasama ko na mapapaanib kita sa amin…”
“Hubert ano ba ang mas mahalaga? Ang pananampalataya mo o makaakay ka ng isang kaluluwa papunta sa relihiyon mo?
“Hindi sa ganoon Elmo, ang akin lang ay makasama kita sa iisang paniniwala”
“Kahit ba ang kapalit nito ay ang iyong katawan… ang iyong pagkatao?" Hindi na kumibo pa si Hubert… 


Araw ng linggo ngayon, ito ako nagsisimba sa Baclaran, nakaluhod… muli ay nananalangin.... kasama si HUBERT.


-The End-

Sa Magkabilang Dulo... (part 1)


First year college ako’t kumukuha nga kursong BS Psychology sa isang unibersidad sa Maynila ng makilala ko si Hubert. Dorm mate ko s’ya, magkasama sa iisang kwarto. Apat kami lahat sa kwartong iyon pero si Hubert ang siyang naging kaibigan ko, bagama’t hindi naman kami magkatulad ng course may mga common subjects  naman kami at halos sabay na rin kami kung pumasok at umuwi sa dorm.
Masayang kasama si Hubert, kung baga walang dull moment kung kasama sya. Makwento, masayahin at palabiro, kung kaya sa maikling panahon ay naging malapit kami sa isa’t-isa.
Naging mas malalim pa ang aming naging relasyon ng minsan isang gabi ay kami lamang ang naiwan sa dorm, Sabado noon at dahil sa sama ng panahon kung kaya pinasya kong di muna umuwi sa Cavite. Tulad ng lagi ko namang ginagawa, dahil nga ako ay may gawain sa simbahan tuwing linggo, bilang kasapi ng konseho na tumatalakay sa mga suliraning pang-pamilya na dinudulog sa simbahan.
Bumili ako ng balut at ilang beer in can bago pa man ako umuwi sa dorm, pang-aliw lamang sa sarili’t pangpainit sa maulang gabi at dahil na rin sa pag-aakalang ako lang ang matitira sa kwarto noong araw na iyon. Nasa kwarto ako’t nanonood ng isang pelikula sa laptop ko ng dumating si Hubert, basa ang soot na damit dahil inabutan daw siya ng ulan sa labas pauwi. Binati nya lamang ako’t nagsabing maliligo muna.
Sige lang ako sa panonood ng lumabas mula sa CR si Hubert, nakatapis lamang ng tuwalya at medyo basa pa ang katawan. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya ng mga oras na iyon, humanga ako ng labis sa kanyang matipunong katawan. Unang beses ko pa lamang natitigan ng ganoon katagal si Hubert at doon napansin kong gwapo din palang matatawag ang loko.
Humarap siya sa salamin at pinunasan ang basang buhok ng isa pang tuwalya, doon naman ay nakita ko ang nakaumbok nyang puwet na bakat na bakat sa tuwalyang nakatapis sa kanyang beywang.
“Ang lamig pre ano” tanong nya sa akin na tila nakapagpagising sa munting pagnanasang naglalaro sa aking isip…
“Ah, oo nga eh.” Ganti ko na lamang na sagot
“Buti’t di ka umuwi, may makakasama ako dito sa dorm”
“Masama kasi ang panahon kaya tinamad na akong bumyahe”
“Anong pinapanood mo pre?” tanong nya habang papalapit sa akin
“The Firm, ni Tom Cruise pre”
“The Firm? Parang di ko ata alam na may ganyang pilikula si Tom Cruise” ngayon ay nakaupo ng sya sa tabi ko, sa kama.
“Bata pa sya dito, download ko lang to… nabasa ko kasi ang libro na pinag-kunan ng kweto ng pelikulang ito, kaya ako nagka-interes”
“Panood naman, pre”
“Sige, play ko nalang uli para masimulan mo. Halos kasisimula ko lang naman noong dumating ka.”
“Bihis lang ako”
Tumayo siya’t kumuha ng damit sa kanyang aparador at naupo sa kanyang kama, magkatapat lamang ang aming higaan. Sinuot ang kanyang brief habang nakatapis pa rin ng tuwalya. Ng ganap na nyang nasuot ang brief ay tinanggal na niya ang tuwalya sa kanyang beywang at tumambad sa aking paningin ang kanyang kabuohan na naka-brief lang ng puti at ngayon naman ay ang bukol sa kanyang harapan ang aking napagdiskitahang tingnan.
Hindi ko alam kung napapasin nyang tumitingin ako sa kanya, pero hindi ko narin inalam basta ako pinagsawa ko ang aking mga mata sa aking nakikita. At mula nga sa tagpong iyon ay may kung anong muling nagising sa aking diwa… sa aking pagkatao…
Isinukbit nya ang kanyang tuwalya sa kanyang balikat at tinungo ang ref at kumuha ng tubig para uminum ng kanyang vitamins. Hindi ko alam kong sinasadya nya ba akong akitin o ano, dahil hindi pa sya nag susuot ng short at palakad-lakad na sa sa loob ng kwarto.
“Pre sayo ba tong beer?”
“Oo, bili ko kanina pangpainit lang”
“Pa score ng isa pre”
“Okey lang anim naman iyan tagatlo na tayo”
“Eh, di simulan na natin ang pagpapainit.” Isang makahulugang ngiti ang kanyang pinakawalan… tahimik lamang ako.
Kinuha nya ang beer sa ref, hinila ang isang maliit na lamesa itinabi sa aking kama at inilapag doon ang beer. Kumuha din sya nang mani sa ref lagi kasi syang mero noon, paburito nyang kutkutin. Tumabi siya sa akin’t nag bukas ng isang beer at agad itong inabot sa akin. Kumuha din siya ng isa pa’t binuksan at agad na ininum.
Hindi ako mapakali ng mga oras na iyon, ang halos hubad na si Hubert at katabi ko lamang sa kama at nanonood ng isang pelikula, kainuman, kakwentuhan…
Naubos ko na ang isang beer ng aking kunin ang isa at ng ito ay aking bubuksan ng dahil sa kaba ay dumulas ito sa aking kamay at natapon ang ilang laman sa katawan ni Hubert.
“Naku, sorry pre”, akma ko sanang pupunasan ang tumapong beer sa kanya ng pigilan ako ni Hubert
“Hayaan mo na pre ako na” hawak nya ang aking kamay, tumitig siya sa akin.
Ipinagapang nya ang aking kamay sa kanyang katawan, sa parting nabasa ng beer na animo’y basahan. Mainit ang kanyang katawan, sa bawat pag dampi ng aking kamay sa kanyang balat at walang pag-aalinlangan akong nagpaubaya.. hanggang matumbok noon ang bukol sa kanyang harapan. Kapwa na kami ng init…
Kung kanina ay kamay ko lamang ang humahagod sa kanyang katawan, ngayon ay ang labi’t dila ko na ang syang gumagala sa bawat parte ng kanyang kabuohan. Kung kanina ay di ko sinasadyang mabasa siya ng beer, ngayon ay kusa ko itong dahan-dahang itatapon sa kanyang katawan at himurin ang mga iyon… ganun na rin ang ginawa niya sa akin matapos niyang mahubad ang aking damit.
Kapwa na kami hubo’t hubad, lasing sa kamunduhan, lasing sa pagnanasa na matikman ang isa’t isa… habang lumalalim ang gabi… habang pumapatak ang ulan… Ilang minuto din naming pinagsaluhan ang libog na umalpas sa aming pagkatao… kapwa hapo, kapwa pagud sa naganap… matapos noon ay pahalang siyang nakahiga ng bahagya sa kama nakasandal sa pader, sa unan, habang ako naman ay naunan sa kanyang balakang kapwa kami kumakain ng balut at umiinum ng natira pa naming beer habang nanonood ng pelikula. 



-itutuloy-