Mga ilang linggo na ring may nagaganap sa amin ni Hubert, at mas lalo pa nga kaming nalapit sa isa’t isa. Kung dati ay kada linggo ako umuuwi sa amin ngayon ay minsan na lamang sa isang buwan. Sa mga sandaling kami lang ni Hubert ang nasa kwarto doon namin nilalabas ang init sa amin katawan, naging mas maalab mas mapusok…
Labis ko pang nakilala si Hubert, at isa na roon ang kanyang kinaaanibang relihiyon, unti-unti ay inilapit nya ako sa kanyang paniniwala’t pananampalataya. Isinama nya ako sa ilang pagpapahayag ng kanilang mga aral at makailang linggo ring akong tumunghay sa kanilang araling pang relihiyon ng pagpasyahan kong umanib na sa kanila. Ikinatuwa iyon ni Hubert.
Nang gabing iyon, muli ay pinagsaluhan namin ang isang sekswal na relasyong kami lamang ang nakakaalam…
Linggo noon, muli ay kami lamang dalawa ang nasa dorm. Naliligo ako noon sa banyo, ng kumatok siya’t akin namang pinagbuksan. Pagpasok pa lamang niya ay bigla niya akong niyakap ng kay higpit, hubo’t hubad kaming kapwa nag tampisaw sa tubig na nagmumula sa shower, na bagamat malamig ay tila hindi kinaya ang init na kapwa namin nararamdaman.
Umupo siya sa inidoro at sumandal sa pader habang ako naman ay paharap na umupo sa kanyang harapan at doon nga ay malayang napasok ni Hubert ang aking panglikod na lagusang di sinadyang gawin para sa salitang kantutan... taas baba akong umindayod sa kanyang sandata habang sinasabayan n’ya ng ulos ang bawat kung galaw… kapwa namin nilasap ang tamis ng kapwa naming mga labi... hanggang marating namin ang huwad na langit…
Araw ng Huwebes, madaling-araw pa lamang ay gising na ako, iyong ang araw ng pagbibinyag sa akin upang tuluyang mayakap ang relihiyong ipinakilala sa akin ni Hubert. Marahan akong kumilos sa loob ng kwarto, nagbihis… matagal kong tinitigan ang mukha ni Hubert na noon ay himbing pa sa pagtulog.
Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na ako ng dorm at nakita ko na lamang ang aking sarili sa loob ng simbahan ng Baclaran, nakaluhod sa unang hilira ng upuan malapit sa altar. Nananalangin at humingi ng tawad sa pagtalikod sa relehiyong aking kinagisnan.
Matapos manalangin ay naglakad-lakad ako sa labas ng simbahan, hanggang napadako ako sa LRT station. Walang paliwanag, subalit umakyat ako sa LRT station bumili ng card at sumakay sa unang treng huminto sa aking harapan… hindi ko alam kung saan ako pupunta, isa lamang ang aking alam “Hindi pa akong handang yakapin ang relihiyong kinabibilangan ni Hubert, hindi pa.”
Kada madaan kong estasyon ng LRT ay bumababa ako ng tren, pinagmamasdan ang bawat paligid nito… at muli ay sasakay sa susunod na tren na darating… hanggang marating ko ang kabilang dulo ng LRT station ang Munumento.
Bumaba ako at lumipat sa kabila at muli sumakay ng tren at gaya ng dati ay bumababa at sumasakay namang muli hanggang marating ang kabilang dulo ng LRT station…
Narating ko ang magkabilang dulo ng LRT, sa isip-isip ko kami pala ni Hubert at parang LRT station lamang na nasa magkabilang dulo. Tulad ng bawat relihiyong aming kinagisnan. Nabagamat iisa ang reles na dinadaanan mas pinili ng bawat isa na sa magkabilang dulo lumagay at ni ayaw magkita sa gitna.
Hindi ako umaasa ng ano man sa pagitan namin ni Hubert, subalit sumagi rin sa akin isip na baka kaya niya malayang ibinigay ang kanyang sarili sa akin ay upang mahatak niya ako sa kung saan dulo siya kabilang…
Natanong ko ng mga sandaling iyon “Ilang Diyos ba ang dapat kong makaribal para sa isang pag-ibig?” noong una si Jack, ang magpaparing si Jack. Ngayon naman ay si Hubert na iba ang pananampalataya.
Maghapon akong gumala, nanood ng sine bagamat hindi ko gusto ang palabas. Maghahating gabi na ng bumalik ako ng dorm. Pagpasok ko sa loob ay gising pa rin si Hubert nakatitig ng masama sa akin. Wala akong imik, yumuko na lamang ako. Tumayo siya at inaya akong lumabas ng dorm, dahil naroon ang dalawa pa naming kasamang kapwa na tulog.
Wala siyang kibo habang naglalakad kami patungo sa parke na malapit sa aming dorm. Pagdating doon at naupo kami sa isang upuan. Siya ang bumasag sa katahimikan.
“Bakit mo ito ginawa, akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Alam mo ba kung anong kahihiyan ang dinulot nito sa akin Elmo?
“Hubert, hindi ko alam… pero hindi ko kayang talikuran ang pananampalataya ko.”
“Pero paano ako? Pinaasa ko ang mga kasama ko na mapapaanib kita sa amin…”
“Hubert ano ba ang mas mahalaga? Ang pananampalataya mo o makaakay ka ng isang kaluluwa papunta sa relihiyon mo?
“Hindi sa ganoon Elmo, ang akin lang ay makasama kita sa iisang paniniwala”
“Kahit ba ang kapalit nito ay ang iyong katawan… ang iyong pagkatao?" Hindi na kumibo pa si Hubert…
Araw ng linggo ngayon, ito ako nagsisimba sa Baclaran, nakaluhod… muli ay nananalangin.... kasama si HUBERT.
-The End-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento