Photo courtesy of http://fotomartinez.deviantart.com/
Makailang
ulit kong ninanis na itanong sayo
ang mga
agam-agam sa aking puso
inililok
ko na nga sa aking isipan ang bawat kataga
upang sa
ating muling pagkikita ako’y handa
sa aking
bawat sasabihin….
sa aking
bawat katanungan nais kong iyong sagutin
Subalit
pipi akong humarap…
sa
nakakabinging katahimikan
Bulag
akong yumakap…
sa taong akin
pinanabikan
ang kanyang pagiging ama, haligi ng tahanan
Humakbang
akong pabalik sa aking kamusmusan
doon
hinanap ang mga dahilan
upang
aking matanggap yaring aking inasal
sa harap ng
nilalang na inilaan nang may-kapal
upang
aking maging magulang…
Ano nga ba
ang iyong naging pagkukulang?
Inakay mo muli
akong pabalik sa ngayon
upang
aking mabatid ang noon…
noong wala
ka
kung bakit
kung paano
kung gaano
katagal
at sa haba
ng panahon ng iyong pagliban
ngayon ko
lang lubos na nalaman
wala ka
man, di napatid ang iyong pagmamahal!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento