Ipinapakita ang mga post na may etiketa na samu't sari. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na samu't sari. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Setyembre 19, 2015

PagMAMAHAL o PagHanga





Tinanong ako ng friend ko, “Akala ko ba Showtime fan ka, bakit ka nag popost ng Aldub sa twitter mo?” at napa-isip ako.

Lumaki akong Eat Bulaga ang pinapanood dahil iyon ang malimit na panourin ng mga magulang ko. Naalala ko pa lalo na’t Sabado pag walang pasok sa school at nasa bahay din ang itay, kasama namin ang Eat Bulaga sa pananghalian. Masasabing “Kapuso” ang pamilya namin, dahil halos buong araw GMA shows ang pinapanood. Unang Hirit, Eat Bulaga at 24 Oras ay ilan sa palagian kong napapanood noong nasa Pinas pa ako.

Noon mapunta ako dito sa UAE taong 2010, doon ko simulang napanood ang mga ABS-CBN shows dahil TFC and provider ng Flat na tinitirhan ko at ang dati kong karelasyon ay isa naman “Kapamilya”. Naging kumportable naman ako sa mga palabas ng ABS, lalo na’t ang ilang Kapuso start ay nakikita ko narin sa Channel 2, tulad ni Angel Locsin. Sa UAE ko lang din unang napanood ang Showtime, mula noon ito na ang lagi ko kung pinapanood. Dahil nasa trabaho ako maghapon, iyong reply sa hating-gabi ang aking inaabangan. Maganda ang programa, maayos ang mga segment, masaya. Kahit napupuyat ako, ok lang masaya naman ako bago matulog.

Naging FAN ako ng Showtime dahil nag bigay ito ng bagong timpla sa pananghalian ng pinoy, hindi man bago ang mga segment napanood ko na ang ilan nito sa Eat Bulaga at ang iba naman ay nagawa na rin ng ibang shows local man o banyaga. Ang naging iba lang ay ang atake. Kung may orihinal man na masasabing tatak Showtime iyon ay ang “That’s my tomboy” at “I am PoGay”.  Pero kahit nanonood ako ng Showtime tuwing Linggo pag wala akong ginagawa at wala namang Showtime, nanunood ko ang Eat Bulaga online. Iyong buong week na episode nila ng “Juan for All, All for One” ang aking pinapanood, iyon lamang ang akin sinusubay-bayan sa Eat Bulaga mula nga ng magtrabaho ako abroad. May ilang mga pagkakataong na papanood ko rin ang ilang nilang mga segments kung wala naman akong ibang gagawin.

Masaya akong napapanood ang “Juan for All, All for One”, dahil nagagawa nitong mabago ang buhay ng ilan nating mga kababayan at ‘yong tuwa ng dala ng mga host nito na JOWAPAU. Makabuluhan ang segment na ito ng Eat Bulaga, dahil sa kanilang “Plastic ni Juan” na kung saan ang mga naiipong plastic ay tinutumbasan ng upuang ibinibigay naman sa mga paaralan. Naging masaya pa ito ng ipasok ang “Solving Problem” at ng ilunsad nila ang tambalang ALDUB.

Kung noon ay tuwing weekend ko lang pinapanood ang Eat Bulaga, ngayon basta may bago ng upload sa internet kahit malabo ang kopya pinagtyatyagaan ko itong panuorin. Masasabing isa rin akong FAN ng AlDub ng Eat Bulaga.

Pero kahit na may ALDUB pa, nanonood pa rin ako ng Showtime. Pero noong nakaraang linggo, sa segment nitong “Sine mo 2” habang naghahanda ang mga host para sa kanilang gagawing acting battle, nabanggit ni Vice Ganda sa team 2 ang “KUNG KAILANGANG E-GUEST ANG ALDUB PARA MANALO KAYO, GAWIN NYO!” nasaktan ako, di dahil sa gagayahin nila ang AlDub kungdi dahil bakit kailangan sa kanila, sa kanya mismo manggaling ang salitang ALDUB ang kailangan para manalo ang team 2 o hudyat ba ito na gagayahin nila ang "Kalye serye" lilikha sila ng halos tulad nito? Noong una, pinilit ko ang aking sarili na nagbibiro lamang si Vice sa kanyang nasabi.

Pero nitong linggo lamang ng unang lumabas ang “Ms. Pastillas” sa Showtime doon ko lubos na naisip na marahil ay talagang GAGAYAHIN nga ng Showtime ang AlDub. Hinanap ko muli ang episode na kung saan ko unang narinig kay Vice ang salitang AlDub at pinag aralan ang kanyang body language doon ko napagtanto. Maaring nasabi iyon ni Vice pero hindi iyon mula sa kanyang puso, ito ay katagang tumatak sa kanyang isip na ipinilit o pinapagawa sa kanya, sa kanila ng kung sino man.

Noong Martes ng hating-gabi makalipas ng limang taong panunood ng Showtime pinatay ko ng maaga ang TV kahit kasisimula pa lamang ng palabas. Dahil muli si “Ms. Pastillas” na naman ang kanila na lamang palabas at nakita ko sa kilos ng bawat isa sa mga host na hindi sila tunay na masaya sa kanilang ginagawa.
Sa loob ng isang linggo, inaabangan ko pa rin ang Showtime pilit kong pinanood ang inihahain nilang palabas. Sa bawat araw na iyon ay nasaktan ako, dahil tila isinuko nila ang lahat para lamang matapatan ang Eat Bulaga, ang AlDub. Nawala ang lahat na segment ng show, ng walang paliwanag ng walang dahilang ibinahagi sa kanyang manunood. Na miss ko ang Showtime ang tunay na Showtime na natutunang ko ng panuorin kahit pa Eat Bulaga ang nakagisnan kong pangtanghaling palabas. Para na rin akong hindi nanood ng Showtime ng isang buong linggo.

Sana muli kung mapanood ang Showtime, ang Showtime na dahilan kung ba’t ako tumalikod sa Eat Bulaga ng Panandalian…


“Humahanga tayo sa isang tao, sa isang bagay dahil may DAHILAN. Pero kung ang bawat dahilan na iyon ay nawala, naglahu na… hahanga ka pa kaya?”


Maaga akong nagising kaninang umaga, at dahil wala akong magawa hinalungkat ko ang luma kong photo album at isa sa larawang nandoon ay isang pamilyang masayang nag tatanghalian habang nanunood ng Eat Bulaga!


At mula sa larawang iyon doon ko nabuo ang sagot sa tanong sa akin…


“Maaring ako’y naging tagahanga ng Showtime, pero bago pa man ito mayroon na akong MINAHAL ang Eat Bulaga!”



Huwebes, Setyembre 3, 2015

LARO


Kanang kamay

pangtakip sa mata

Kaliwang kamay

panggaya sa bilang ng daliri

na iyong ipapahula



Sa bawat sandaling di ka nakikita

di malaman ang gagawin

nilalamon ng kaba,

pag ako’y iyong sinaling

inihahanda ang sarili…

isa

dalawa

tatlo

apat

o

lima

ngayon’y ano na naman kaya?



Hinintay ko ng kay tagal

ang iyong pitik

di nakatiis

sumilip

ikaw ay wala

nasaan?

may ibang kalaro

ibang kasalo



ilang beses na nga ba akong nagkamali

subalit ito akong muli

nakatakit ang mata…

nag-aabang

naghihintay na masaktan

upang muli ay humula



Magbabalik ka pa kaya?






hanggang kailan nga ba dapat umasa?
at ilang sakit pa bago matauhan ang puso...
na ang lahat ay isa lamang laro! 
pitik-bulag... -Felmo-

Lunes, Setyembre 10, 2012

Pag-amin...

-Kwento sa likod ng Pagliban-


 
 
 
Thursday   August 16, 2012

 

Kalalapag palang ng eroplanong aking sinakyan mula UAE papuntang Kuwait. Atubili na ang lahat sa kani-kanilang gamit naghahada sa pagbaba mula sa eroplano, subalit ako tila walang kabalak-balak. Tila namanhid ang buo kung karawan… para akong iniwan ng aking katinuan, saglit pa’y mas ninais ko ng bumalik sa UAE… pero narito na lang din lang ako, kung kaya tinanggap ko na lamang sa aking sarili na ito na marahil ang matagal ko ng dapat ginawa.

Ako ang huling pasaherong tumayo sa aking upuan at ako rin ang kahulihulihang lumabas… dahil mas gusto ko pang tumagal kahit na kunti pa ang muli naming pagkikita ng aking Ama!

“kumusta ang byahe?” salubong na tanong ng aking itay ng magkita kami sa arrival area ng airport, sabay akbay at kuha ng isa sa bitbit kong bag.

“okey naman po…”

“nasa labas nga pala ang tita Flor mo”

Tinungo namig ang car park habang naglalakad ay kay dami ng kwento nang aking ama, subalit tila wala akong naintindihan sa ano mang sinabi nya… parang sirado pa rin ang aking pangdinig sa kung ano pa mang  sasabihin nya.

Pero bakit nga ba ako nandito? Diba para narin mabuo ang ang aking pagkatao… at para narin makaharap at matuldukan na ang matagal-tagal narin galit at tampo ko sa aking ama.

Habang bumabyahe kami pabalik sa bahay ni itay, pinagmamasdan ko ang buong paligid… iilang sasakyan lamang ang makikita sa daan…marahil dahil ala-una ng hapon noon at di pa rin natatapos ang Ramadan, kung kaya ko nga rin pinili na pumunta ng Kuwait sa petsang malapit ng mag Eid para naman makapamasyal ng maayos at makakain sa oras na gustuhin ko.

Narating namin ang bahay, sinalubong ako ng dalawang bata… niyakap… tinawag na kuya… mga kapatid ko sila sa ama. Di nalalayo ang mga mukha nila sa dalawa kung nakakabatang kapatid noong mga bata pa sila. Magiliw ko naman silang kinausap… lukso ng dugo baga.

Naghain agad ng makakin ang Tita Flor, ako naman ay abala sa pakikipag-usap sa dalawang bata si Danica 3 yrs old at Dave 7 yrs old na kahawig na kahawig ni Archie, nakakabata kong kapatid. Bibo ang mga bata at marami ding kwento… English kung English ang usapan… pero wala namang nose bleed na naganap.

Isang masayang tanghalian ang naganap, naranasan ko muling magkaroon ng pamilya… dahil mayroon akong ama may inang matatawag at dalawang bibong kapatid.

Matapos ang pananghalian inaya ako ni itay sa biranda ng kanilang villa… at doon ay nagka-kwentuhan kami habang abala naman si Tita Flor sa pagliligpit ng hapag kainan at ang dalawang bata ay di magkamayaw sa aking mga pasalubong na laruan.

Isang masayang kwentuhan…

Ama sa anak…

Tila binalikan naming ang lahat-lahat mula pa lamang ng ako’y pinagbubuntis ng aking ina at kung bakit ako ang napili niyang magdala ng kanyang pangalan… (junior nga pala ako ng aking ama, what a name).

Hanggang sa mga pangyayaring kapwa naman naming di ninais na maganap.

Minsang tatawa…

Maluluha…

Hihingi ng tawad…

Magpapatawad…

Hanggang nadako ang aming usapan sa pag-buo ng pamilya:

“Wala ka bang ipapakilalang girlfriend sa akin? Aba di ka na bata… naunahan ka pa ni Archie at balita ko magkakaapo na ako sa kanya” tanong ng aking ama, sabay ngiti

Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot… walang nakakaalam sa aming pamilya kung ano ang aking sexual orientation wala akong pinagsabihan… dahil kahit na mayroon akong naging karelasyong lalaki, lalaki parin naman ang kilos ko’t galaw.

 
“Dad I’m GAY!” ang tangi ko lamang naging tugon…

 
Tila nabigla ang aking ama sa aking sinabi… matagal siyang napatitig sa akin, walang kaimik-imik. Katahimikan…

Tumayo sya at bigla akong niyakap ng kayhigpit… alam ko mula sa sandaling iyon tinatanggap nya ako bilang ako ay ako.

Nababakas man sa kanyang mukha ang panghihinayang subalit alam ko ring hindi nya ako hinusgahan sa kung ano ako… nagbilin lamang sya na ingatan ko ang aking sarili lalo na’t nasa Middle East din ako nagtratrabaho.

Pinaliwanag ko naman sa kanya ang aking damdamin, ang aking nararamdaman maging ang aking kilos. Pati narin ang aking kasalukuyang relasyon kay Bryan.

At noon ko lang napatunayang mahalaga pa rin ako lalo na sa aking ama kahit ano pa ang pagkatao ko.

At muli bumalik ako sa sandaling kinailangan ko ng ama sa aking tabi upang sabihin sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin… upang ako ay gabayan… upang ako ay turuan ng dapat…

Marahil ay di na maibabalik pa ang mga lumipas na sandali… subalit maari pala itong punan ng ngayon… ng pagmamahal…

 
At dahil dito mas matapang ko ng mahaharap ang mundo…

 
handa ko ng sabihin sa mundo na Bisexual ako!

 
Nasabi ko nga sa tatay ko…

 

 

Sunday September 9, 2012 5:30PM Oman Time:

 

Kausap ko lang sa phone ang tatay ko… gamit ang viber…

Bigla nalang akong magulat at natawa sa isa nyang tanong…

 “Felmo, anak matanong ko lang… natuli ka ba?”

 Isang malakas na tawa ang aking naisagot… sabay sabing

 
“Opo!”

 

 

Ang sarap talaga ng may ama!

 







 

 

Sabado, Hulyo 7, 2012

Gutom...

Nagugutom ako….


Hindi ko alam kung bakit?


Wala akong stock sa ref...

Mainit lumabas....

at dahil sa walang magawa….

Check na lang ng FB,

at ang tumambad sa akin....


Aba mas nagutom tuloy ako!

At nag-init narin…

Kaya gusto ko sanang maligo…

Pero gusto ko ng privacy…

Kasama sila….



Landi lang!



Pero ang maligong may kwentas at bracelet…

Pwede na rin kung sya lang din lang naman ang kasama…




Saan kaya meron nito?



Buti pa si Justine… meron na….



Lalo tuloy akong nagutom......

pero ano ito?


Ewwwwwwwwwwwww…

Buti nalang di ako laking Alaska…


BearBrand kaya ako…



Nawalan tuloy ako ng gana…



Pero gutom talaga ako…



Kaya bumaba ako ng flat at bibili ng kahit ano sa


Burger King…



Pero bago pa man makarating…



Ito ang sa akin ay inihain!




Hindi na muli akong magugutom!

Lunes, Hunyo 18, 2012

Father's Day!


Father’s Day!



June 17, 2012 9:00AM: Millennium Hotel, Oman



Dahil sa may apat na araw akong bakasyon mula noong June 14-17, 2012 at dahil na rin sa imbitasyon ng isang kaibigan ay nasa bansang Oman ako ngayon.



Habang nakamasid ako sa dalampasigan at naghihintay na magising ang mga kasama ko na marahil ay puyat dahil sa aming night-out, isang tawag ang aking natanggap…. Numero lamang ang rumihistro sa cp ko at hindi pamilyar sa akin ang country code nito…



“Hello…”  ang aking nasambit ng sagutin ang tawag.

“Felmo, anak daddy mo ito…” ang sagot sa kabilang linya.

Kinabahan ako ng sandaling iyon, hindi ko alam ang aking sasabihin… ang aking itay ang tumatawag sa akin na halos tatlong taon ko nang di nakakausap.

“Sandali po hindi ko kayo marinig… lalabas lang ako” ang aking nagging tugon… upang makapag-isip ng aking sasabihin… mula sa balkonahe ng hotel ako ay pumasok sa kwarto at lumabas sa garden, napaso ako sa tindi ng sikat ng araw… ako ay lumakad pa papalapit sa mga puno ng dates upang makisilong sa lilim na likha nito…

“Felmo”

“Dad, kamusta po? Kanino nyo nakuha ang number ko?”

“nakuha ko kay Archei (nakakabata kong kapatid)… nasa UAE ka pala?”

“Opo , 2 years na rin ako dito”

“Kumusta ka naman?”

Tila napako ako sa aking kinatatayuan… kinakamusta ako ng aking ama… ng aking amang halos di ko nakasama sa aking pagkabata, sa dahilang lumaki kaming ang kapiling lamang ay ang aming ina. Nasa Saudi sya habang kami ay lumalaki… kada-dalawang taon lamang kung sya ay umuwi, at isang buwan lamang ang kanyang inilalagi sa amin at aalis namang muli.

Ang tangi ko lamang, ala-ala sa kanya ay ang mga laruang robot at baril-barilang na di ko naman nilalaro at pailan-ilang larawan habang nakabakasyon sya sa Pilipinas… ilang birthday bang wala sya? Ilang pasko? Ilang bagong taon… Minsan nga naisip ko rin na sya marahil ang dahilan kung bakit ako nagkaganito… dahil marahil wala akong father figure na namamalas sa aming tahanan… dahil embis na basketball ay jack-stone ang nakagawian kong laruin… pati narin barbie habang inaalagan ko ang bunso naming kapatid.

At sya rin marahil ang dahilan kung bakit iniwan kami ni inay at sumama sa ibang lalaki… dahil wala syang panahon para sa amin ng pamilya nya… o dahil ganti lamang iyon ni inay sa kanyang pangbababae ng siya ay nasa Saipan pa.



“Felmo anak?”

“Dad sorry po… mahina lang ang signal dito kaya paputol-putol ang linya” ang akin pang alibi

“Kamusta ka na?” muli nyang tanong.

“mabuti naman po… kayo po kamusta na?”

“ito tumatanda na… hahahaha” bagamat tumatawa sya sa kabilang linya ay parang inmpit ito na animo’y pinipigil lamang ang luha… hindi ko namalayan na tumulo na rin ang luha sa aking mga mata

“Dad, miss ko na po kayo” ang tangi kong nasambit.

“anak, buti naman at sinagot mo ang tawag ko… ikaw na lang sa iyong apat na magkakapatid ang di ko nakakausap, buti naman at kinausap mo rin ako…” nabasag na ang kanyang tinig… at batid kong lumuluha sya sa kabilang linya… ako man ay di ko na mapigilan ang ma-iyak…



Hinagilap ko sa aking sarili ang sagot sa katanugang “Galit ba ako sa aking Itay?” pero wala akong nakitang puot… dahil sa kabila ng lahat ay minahal ko sya at ganap na naunawaan lalo nang ako naman ang nag-abroad at nakakilala ng mga simpleng taong nag susumikap at nagtitiis sa ibayong dagat maitaguyod lamang ang mga naiwang pamilya sa pilipinas…

Marahil ay kinapos sya ng panahon para sa amin ng pamilya nya… dahil hindi sapat ang panahon kanyang ginugol sa ibayong dagat upang maitaguyod nya ang aming pag-aaral… ang aming bukas…

…at kung mabibigyan lamang sya ng ibang pagkakataon, marahil ay gagawa sya ng paraan upang mabawi ang lahat nyang pagkukulang…



“Dad… pasensya na po…”

“Wala kang dapat alalahanin… ako nga ang dapat na humingi ng paumanhin sa inyo… at salamat na rin dahil hindi mo pinabayaan ang mga nakakabata mong kapatid…”

“Kamusta na po si Tita Flor (ikalawang asawa ni itay)?”

“Mabuti naman anak… dalawa na pala ang kapatid mo ditto… sabi nga pala ni Archie ay bakasyon mo sa August… sana madalaw ka dito…”

“Po…”

“kung pwede ka lang naman… ako na ang bahala sa plane ticket mo”

“Balak ko po kasing sa December na magbakasyon, kung papayagan po ako ng school… pero kung matuloy po ako sa August sabihan ko po kayo…”

“ok, anak… asahan ko”

“opo”

“Ingat ka palagi dyan anak!”

“salamat po…. Dad!”

Katahinikan…

“Anak?”

 “Happy Father’s day po!”

“Salamat anak!”



Halos 30minutes na ang nakakaraan mula ng huli kaming mag-usap na mag-ama… Masaya ako’t muli ko syang nakausap, na muli ay nagbukas ang kumunikasyon naming dalawa. Marahil nga’y mahirap tanggapin subalit batid kong mahal kami ng aming mga magulang… mahal ako ng aking ama!



Eto ako ngayon naka online magpapabook ng flight papuntang Kuwait sa darating na August!



“Hindi dahil sa hindi na nila MAHAL ang isa’t-isa ay din na rin nila MAHAL ang kanilang ANAK!" -mula ito sa isang english movie na nakalimutan ko na ang pamagat... sinasabi ng isang babae sa isang bata na bagamat naghiwalay ang kanyang mga magulang hindi mawawala ang pagmamahal nila sa kanyang anak... tinagalog ko na to-



Marahil hindi ako magiging ama… pero sapat na ang aking namalas sa tinagal ng aking buhay sa mundong ito upang maintindihan ang aking ama… at ibang pang mga ama!



Happy Father’s Day!




Lunes, Abril 16, 2012

Reincarnation

Reincarnation:



What?



Wala lang… naisip ko lang… ohhh dibha! Naiisip din ako…



Na naginip kasi ako kagabi… sa panaginip ko may isang taong puting-puti na nagtatanong sa akin, na kung sakali sa kabilang buhay ano daw ang gusto kong maging… as in reincarnation…



Syempre ang sagot ko agad:



Angelina Jolie pwede na… ikaw ng may Brad Pitt… chozi ka pa ba?



Pero pinahihirapan ako ng fairy godmother ko… parang Bb. Pilipinas QnA lang… di daw pwede tao… kung di hayop…


Ayyyyyyyy may ganun? Hayop naman ako ah… hayyyyop sa ganda…


Side, side, wiggle, wiggle… stop look sa sky and pose… (dance step to mala emotional dancer)



Nadagukan tuloy ako… "ano ba serious ang tanong ko" sabi ng nasa panaginip ko…



Ang sakit ah!



Isip na naman ako… dalawang beses na ito ha… at nag-isip talaga…



Hayop as in animal… well pwede naman akong maging…


Aso…


oh dibha... ang cute...  O kaya maging dog…


 Haba lang ng hair....  Puppy kaya…



Or iro… pwede rin pabo on the right o kaya naman ibon on the left... pero ayaw kong nakakulog... sige iro na talaga...

Pero di ko bet maging cat sa ngayon… and please don't ask me why...





After ng mahabang pag-iisip…. Mga 365 and ¼ days lang naman...



Ahhhhhhhhhhh



Pugita kaya…


 Pwede!



At dahil wala pa rin akong napili… sa pagkainip umalis ang fairy godmother… babalik daw after a century…

Ganun… tanda ko na noon ah… isang century plus my age now… mga 116 year old na ako nun… (wala sanang kumontra) ang kumontra magiging ipis sa next life nya… haha (tamang tawa lang….)



Pero sadya talagang mahirap mag decide sometimes…

Lalo na’t it’s a matter of life and death…

Sino ba naman ang nagnanais na iwan ang kanyang katawan-lupa at ipagpalit sa animal…

Like in my case… sino ako para pakawalan ang aking alindog?


Hayyyy! Ang life talaga… sometimes it’s Hard!



Parang ganito lang…



Papipiliin ka kung sino sa kanilla ang gusto mo, as in isa lang… for 2days and 3nights together in a remote island… with complete amenities'  for free!



Baka abutin ako ng leap year kakaisip.... 



Biyernes, Abril 13, 2012

BlogSite2

Pati ba naman ito?









Hindi kaya gusto lang akong pabalikin nang admin namin?

At muling magtampisaw sa batis ng kaligayahan?

remember:




Pwes hindi ako magpapadala sa sandaling ito…

hindi ako magpapayaya sa batis ng kaligayahan…

dapat din akong manindigan

para sa aking mga karapatan…

dapat na akong mamili…

ang aking mga kaphatids… o ang minsang kaligayahan…


Ay…

Ang hirap ah!

parang subject na math lang…

na hindi ko man lang naranasang maka dos…



Pero marupok ako… na nadadarang lamang sa tawag ng laman…

kaya…

Ako naman kaya ang magyayaya this time…

sayang din naman nho!



Bakit kasi may mga restriction pa?

Bakit kasi minsan unfair ang life…

Bakit kung ano ang nagpapaligaya sa iyo

Iyon naman ang ipagkakait sayo…

Oh why…  oh why?



But wait, there’s more… ano pa nga pa ang inaangal ko…

kung ang kapalit naman ng mga ito

ay ito…







Oh diba nag-ahit pa ang admin namin…

Nakikiliti kasi ako…

Kiliting kiliti…

Parang ganito lang:





UU kiliting-kiliti na ako nyan… parang Celena lang

May kamera nho… ang poise!





Mga sisters…

Hope you understand…



Sa work ko lang naman hindi na a-access

Ang blogsite nyo…

Pero sa hauz ko pwede naman… PROMISE!






Martes, Abril 10, 2012

BlogSite...

Kinakati akong magsulat ngayon… di ko lang alam why?

So kahit nasa work open ng mga site na paghuhugutan ng inspirations, at syempre… san pa magsisimula kung di sa blogsite ng mga sisters…

Pero eto na… pag open ko ng kanilang mga site, na pa OMG ako dahil sa screen na ito:



Hindi ko kinaya… at hindi ko kakayanin everrrrrrrrr… BAKIT?

Napaisip ako… kung ang mga peg ko malalaswa ako rin kaya...

Open ko nga ang blogsite ko (kaba mode)…

Ayyyy nag-open naman…



Pero hindi pa ring tamang ma-block ang mga sisters ko…

Kailangan kong ireklamo sa admin namin ang kalapastanganang ito…

Of all site… ang mga site pa ng mga ito!

Paglabag ito sa akin human rights!



Sugod ako sa network room namin to talk sa aming system admin…

Kailangan ipamukha ko sa kanya na mali ang kanilang ginawa…

Kakausapin ko sila… kahit pa nose bleed ang katapat!



Knock 3 times…

Enter d’ dragon ang ang lola sa room…

At nag litanya…



Drama mode:

“Anong kababalaghan ang pinag gagawa n’yo dito… at bakit ang mga blogsite na dinadalaw ko ay kailangang ma block sa system… ito na nga lang ang kaligayahan ko… ito lang"… w/matching lupasay on the floor… mala Nura lang… “I did not kill anybody!” o “Hindi baboy ang kapatid ko, my brother is not a pig!”

Ang mga loko tumingin lang sa akin…

Di ko alam kong nadala sa acting ko o nagandahan sa akin?



May nag tanong?

“What? What’s the matter for you?”

Ano daw?????????? Anong sabe?



Ay mga pana nga pala ang mga ito at nasa ibang country ako… kaya pala mabahu!



Sori na, na carried away lang…

“Where is your admin?” mataray na sinabi… naks! English yan w/European accent…

“Their in the back door” ano ulet… mga kuya ha!



Knock 3 times again…

Enter sa door mala tsunami walk…

Haba lang ng hair…


Repeat performance (drama mode)… in English… sa nakatalikod na admin…

Face to face me… face to face me! (karugtong ng drama mode) oh diba… kaya ba nila yan?

At humarap ang admin… nag hubad ng damit…


At nag ayang magtampisaw sa batis ng kaligayahan…


Upang maibsan ang init ng ulo… ng katawan


At sino ako at ang aking katawang lupa para tumanggi… lalo na’t niyaya niya akong magpahinga sa kanyang tabi…


Huminto ang pag-inog ng mundo… tumigil sa pag-awit ang mga ibon… umihip ang malamyos na hangin… dahan-dahan inaagat ang aking long hair… kasabay ng pagsayaw ng aking gown… gown talaga!



Matapos ang mahabang pagtatampisaw sa ligaya… tinanong nya ako…


“What is the problem about the internet connection?”



“Oh! Internet connection?… it’s nothing… I just come to say… that you have a good network security especially with internet sites… Good Job!”



At nag tatakbo ako papalayo… dahil malapit ng mag-alas dose… at muli ako’y magbabalik sa aking tunay na anyo… sa aking pagmamadali ay naiwan ko ang isa kong sapatos…



Hanapin nya kaya ang abang tulad ko?







Mga sisters… sa flat nalang ako mag ba-browse ng mga site nyo… PROMISE!