Linggo, Oktubre 21, 2012

Lunes ng Gabi...

Maaga akong gumising tulad ng dati, tuwing Martes ng umaga…

Marahan akong tumayo mula sa kama… dahil ayaw kong maistorbo ang iyong pagtulog, dahil alam kong pagod ka at ito lamang ang tanging araw ng iyong pahinga.
Nagluto ako ng almusal, pati narin ng iyong pananghalian… dahil maiiwan kang mag-isa, ngayong araw sa aking flat…

Matapos kong magluto ay pinuntahan kita sa silid… upang gisingin at yayaing kumain ng almusal…

Subalit malakas na sampal ng katotohanan ang sumalubong sa akin… muli ay lumuha ako!

Niyakap ko ang mga naiwan mong damit… ang iyong unan… ang iyong kumot… ang iyong mga ALA-ALA!

Dahil di ka na nga pala muli pang dadalaw tuwing LUNES ng GABI!

Photo courtasy of an FB Friend 


Ba’t hindi nasanay ang aking puso
na di na nya mararamdaman ang iyong pagsuyo
ba’t nga ba tuluyan ng lumayo
ang ikaw sa mundo ko… sa aking pagkatao?

Ilang Lunes ng gabi pa ba?
ang dapat kung maranasan wala ka
para mapaintindi sa damdamin, sa isip na…
wala ka na… at dina muling darating pa.

at ilang Martes ng umaga ko pa…
mararanasan ang lumuha?
Dahil nga ikaw ay wala…
Wala sa aking silid… sa aking kama.

Sana’y mapagud na akong maghintay ng lagi sayo
Upang maturuan ko na itong aking puso
Na di na muli pang maghintay sa tulad mo
Na ang pinili… ang minahal ay di ako!


Ilang Lunes na gabi paba akong maghihintay?

Ilang Martes ng umaga paba akong aasa?