Bakit nawalan ako ng lakas ng loob?
Na labanan ang sigaw ng damdaming puno ng poot…
Bakit muli kitang pinapasok?
Sa akin pinto… sa aking puso at sa bawat nitong
sulok.
At muli ito ka…
nagsasabing ako’y mahal mo pa
nangangakong ako’y di na muling iiwan
dahil sa piling ko, sabi mo naroon ang kaligayahan
Ayaw kitang paniwalaan…
ni ayaw kong ikaw ay pakinggan
subalit yakap na kita muli ng kay higpit
labi ko ay siil na nang iyong mga halik
Muli sa parihaba kong mundo ikaw ay nagbabalik
kasinungalingang sabihing ako sayo’y di nasabik
dahil walang araw na di ko man lang ninais…
ang sandaling ito… ang makapiling ka… yakap ng
iyong bisig
Ngunit sa pagkakataong ito ay ayaw kong umasa…
dahil ayaw kong masaktang muli ng sobra…
sapagkat di ko kakayaning muling magdamdam ng
dahil sayo
at ng pag-ibig mong… ang nagmamay-ari ay di
lang ako!
- "Mahal mo pa ba ako?"
- "Walang sandaling hindi kita Minahal!"
- "Mahal mo pa ba ako?"
- "Walang sandaling hindi kita Minahal!"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento