Miyerkules, Enero 23, 2013

Isang mahabang pag-idlip


image courtesy of an FB friend


Inilapat ko ang aking katawan sa malawak na higaan
upang doon ay ipahinga ang pusong malaon ng pagal
matagal narin pala mula ng mahiga akong mag-isa
subalit kailangan kong masanay…
kailangan kong matutunan, kailangan kong harapin…
dahil kung hindi, muli luluha na naman ako.

Nilalamig ako sa kabila ng mainit na panahon
dahil wala ang mga bawat mong yakap,
ang mga bawat mong halik na pumapawi sa mga agam-agam
ng bawat bukas na darating…
sa bawat oras na ninanais kong nandito ka lang sa aking tabi…
Nasaan ka na?

Sa mga panagip ko na lamang magagawa ang lahat
ibigin ka…
pahalagahan…
alayan ng buhay…
yakapin…
hagkan…
at ibigay ang buo kong pagkatao.

Ayaw ko na sanang gumising subalit kailangan
Dahil hindi ako mabubuhay sa mga ala-ala mo lamang…
gigising din ako,
hinihintay ko lang ang tamang sandali…
ang tamang pagkakataon
na sa aking pagbangon
wala ka nang tuluyan sa aking buhay… sa aking puso!

4 (na) komento:

  1. Mga Tugon
    1. Inshallah... Thanks Mac!

      Gusto ko na rin talagang magising!

      Burahin
  2. this is so painful, it happened to me a lot while I was struggling to move on from my ex. ang ginawa ko, ako mismo sa sarili ko nagdecide na mag move on. kasi kahit anong sabihin ng friends, if you don't want to let go, hindi mo magagawa. it starts with that painful decision to just accept that he's probably happy with someone else. kaya mo yan! there's light at the end of the tunnel :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hoping to see the light soon... Thanks Elay!

      Burahin