Image
courtesy of http://corkstudio.com
Isa-isang
umalpas sa isip ang bawat mong ala-ala
pinilit kong
hinabol ang pirapirasong gunita
subalit
tumatagos
lamang sa aking mga palad
nag lalahu na
tila bula.
Humatbang
akong patalikod
nag sumikap
na lumundag upang aking maabot
ang mga natitira
pang pinagsamahan
na aking
natatanaw
Ngunit
di ko man
lang nayakap.
At sa
pagnanais kong bumaba
di ko na
maabot ang lupa
buong akala
ko narito ka parin
na syang
hahablot sa akin…
upang
muli kong
maibalik ang aking kaluluwa
sa aking katawang lupa.
Ngunit wala,
wala ang ikaw
na sa akin ay
pumupukaw sa t’wing
aking
pinagsasamantalahan ang aking puso’t utak
at
pinapaasang sa pagmulat ng mata ay narito ka
sa aking
tabi,
sa aking mundong binu-o ng ikaw at ako.
Unti-unti ng
naglalaho ang usok, ang ulap
na kanina
lang ay aking kapiling
sa
paghihintay na humupa
ang bawat
hapding nadarama
na binigyang
lunas ng palara’t gabundok na puting alikabok
na aking
tinipon upang makasama ka
kahit saglit…
kahit ngayon lang!
Dumidilim na,
habang papasikat ang araw
ako pa rin
ba’y maghihintay?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento