Tinanong ako ng friend ko, “Akala ko ba Showtime fan ka, bakit
ka nag popost ng Aldub sa twitter mo?” at napa-isip ako.
Lumaki akong Eat Bulaga ang pinapanood dahil iyon ang
malimit na panourin ng mga magulang ko. Naalala ko pa lalo na’t Sabado pag
walang pasok sa school at nasa bahay din ang itay, kasama namin ang Eat Bulaga
sa pananghalian. Masasabing “Kapuso” ang pamilya namin, dahil halos buong araw
GMA shows ang pinapanood. Unang Hirit, Eat Bulaga at 24 Oras ay ilan sa
palagian kong napapanood noong nasa Pinas pa ako.
Noon mapunta ako dito sa UAE taong 2010, doon ko simulang
napanood ang mga ABS-CBN shows dahil TFC and provider ng Flat na tinitirhan ko
at ang dati kong karelasyon ay isa naman “Kapamilya”. Naging kumportable naman
ako sa mga palabas ng ABS, lalo na’t ang ilang Kapuso start ay nakikita ko
narin sa Channel 2, tulad ni Angel Locsin. Sa UAE ko lang din unang napanood
ang Showtime, mula noon ito na ang lagi ko kung pinapanood. Dahil nasa trabaho
ako maghapon, iyong reply sa hating-gabi ang aking inaabangan. Maganda ang
programa, maayos ang mga segment, masaya. Kahit napupuyat ako, ok lang masaya
naman ako bago matulog.
Naging FAN ako ng Showtime dahil nag bigay ito ng bagong
timpla sa pananghalian ng pinoy, hindi man bago ang mga segment napanood ko na
ang ilan nito sa Eat Bulaga at ang iba naman ay nagawa na rin ng ibang shows local
man o banyaga. Ang naging iba lang ay ang atake. Kung may orihinal man na
masasabing tatak Showtime iyon ay ang “That’s my tomboy” at “I am PoGay”. Pero kahit nanonood ako ng Showtime tuwing Linggo
pag wala akong ginagawa at wala namang Showtime, nanunood ko ang Eat Bulaga
online. Iyong buong week na episode nila ng “Juan for All, All for One” ang
aking pinapanood, iyon lamang ang akin sinusubay-bayan sa Eat Bulaga mula nga
ng magtrabaho ako abroad. May ilang mga pagkakataong na papanood ko rin ang
ilang nilang mga segments kung wala naman akong ibang gagawin.
Masaya akong napapanood ang “Juan for All, All for One”,
dahil nagagawa nitong mabago ang buhay ng ilan nating mga kababayan at ‘yong
tuwa ng dala ng mga host nito na JOWAPAU. Makabuluhan ang segment na ito ng Eat
Bulaga, dahil sa kanilang “Plastic ni Juan” na kung saan ang mga naiipong
plastic ay tinutumbasan ng upuang ibinibigay naman sa mga paaralan. Naging
masaya pa ito ng ipasok ang “Solving Problem” at ng ilunsad nila ang tambalang
ALDUB.
Kung noon ay tuwing weekend ko lang pinapanood ang Eat
Bulaga, ngayon basta may bago ng upload sa internet kahit malabo ang kopya
pinagtyatyagaan ko itong panuorin. Masasabing isa rin akong FAN ng AlDub ng Eat
Bulaga.
Pero kahit na may ALDUB pa, nanonood pa rin ako ng Showtime.
Pero noong nakaraang linggo, sa segment nitong “Sine mo 2” habang naghahanda
ang mga host para sa kanilang gagawing acting battle, nabanggit ni Vice Ganda
sa team 2 ang “KUNG KAILANGANG E-GUEST ANG ALDUB PARA MANALO KAYO, GAWIN NYO!”
nasaktan ako, di dahil sa gagayahin nila ang AlDub kungdi dahil bakit kailangan
sa kanila, sa kanya mismo manggaling ang salitang ALDUB ang kailangan para manalo ang team 2 o hudyat ba ito na gagayahin nila ang "Kalye serye" lilikha sila ng halos tulad nito? Noong una,
pinilit ko ang aking sarili na nagbibiro lamang si Vice sa kanyang nasabi.
Pero nitong linggo lamang ng unang lumabas ang “Ms.
Pastillas” sa Showtime doon ko lubos na naisip na marahil ay talagang GAGAYAHIN
nga ng Showtime ang AlDub. Hinanap ko muli ang episode na kung saan ko unang
narinig kay Vice ang salitang AlDub at pinag aralan ang kanyang
body language doon ko napagtanto. Maaring nasabi iyon ni Vice pero hindi iyon
mula sa kanyang puso, ito ay katagang tumatak sa kanyang isip na ipinilit o
pinapagawa sa kanya, sa kanila ng kung sino man.
Noong Martes ng hating-gabi makalipas ng limang taong
panunood ng Showtime pinatay ko ng maaga ang TV kahit kasisimula pa lamang ng
palabas. Dahil muli si “Ms. Pastillas” na naman ang kanila na lamang palabas at
nakita ko sa kilos ng bawat isa sa mga host na hindi sila tunay na masaya sa
kanilang ginagawa.
Sa loob ng isang linggo, inaabangan ko pa rin ang Showtime
pilit kong pinanood ang inihahain nilang palabas. Sa bawat araw na iyon ay
nasaktan ako, dahil tila isinuko nila ang lahat para lamang matapatan ang Eat
Bulaga, ang AlDub. Nawala ang lahat na segment ng show, ng walang paliwanag ng
walang dahilang ibinahagi sa kanyang manunood. Na miss ko ang Showtime ang
tunay na Showtime na natutunang ko ng panuorin kahit pa Eat Bulaga ang
nakagisnan kong pangtanghaling palabas. Para na rin akong hindi nanood ng
Showtime ng isang buong linggo.
Sana muli kung mapanood ang Showtime, ang Showtime na
dahilan kung ba’t ako tumalikod sa Eat Bulaga ng Panandalian…
“Humahanga tayo sa isang tao, sa isang bagay dahil may
DAHILAN. Pero kung ang bawat dahilan na iyon ay nawala, naglahu na… hahanga ka
pa kaya?”
Maaga akong nagising kaninang umaga, at dahil wala akong
magawa hinalungkat ko ang luma kong photo album at isa sa larawang nandoon ay
isang pamilyang masayang nag tatanghalian habang nanunood ng Eat Bulaga!
At mula sa larawang iyon doon ko nabuo ang sagot sa tanong
sa akin…
“Maaring ako’y naging tagahanga ng Showtime, pero bago pa
man ito mayroon na akong MINAHAL ang Eat Bulaga!”