Miyerkules, Pebrero 8, 2012

ExSpecto





 
May mga umagang ayaw matulog ng gabi…
kahit sa liwanag ng araw masisilayan
ayaw kang iwan… ayaw kang talikuran
kung papanong may ala-alang
patuloy na nakikipagtalik
sa haba ng maghapon…
ng magdamag.

May mga gabing ayaw gumising ng umaga
sa nakaraan nakatarak parin ang bawat gunita…
talang nagpupumilit pa ring mag ning-ning
kahit di bigyang pagkakataon
ng bilog na buwan…
bilog na isipan.

Sa pugad ng pagtataksil
naghihintay parin
kahubdang ikaw ang punyal
sa yungib na pinagkait
sa mga Eba…
pinagkulungan ng isang  Adan.

- | - | -


40days....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento