ang larawan ay may pahintulot ni Harold Anderson ng FB
Ang PUSO…
Paano kita malilimutan? Pangkaraniwang tanong ng pusong minsan ay dumanas ng pighati, kalungkutan at pag-babaliwala. Bakit nga ba kasi kay hirap lumimot sa taong minsan nating minahal, o baka naman laging minamahal?
Ang puso kasi ay di agad nakakalimot at di rin agad nag-aalis ng isang damdamin na kanyang nasumpungan, na kahit alam nyang di na siya mahal ng taong mahal nya ay patuloy parin s’yang aasa na balang araw… may magbabalik… at may muling kakatok sa kanyang puso… ang taong pinaglaanan nya ng kanyang pag-ibig. Kahit pa ang taong ito ay ang mismong taong sumugat sa kanya.
Lagi na, nasasabi ng ganito sa puso ang mga salitang: Baliw… Hibang… Bulag… Manhid… Martir… ah ano paba… Tanga… minsan kahit na gustohin man ng puso na kumawala sa nakaraan patuloy parin syang nakikipaglaban para sa isang pag-ibig… na minsan ay napasakanya!
At habang na sa ganoong sitwasyon ang puso, may bagong pag-ibig na dumarating. Ngunit mapapansin nga ba? Minsan kasi, ayaw ng puso na muling mag-mahal dahil sa mas nais pa nito ang dating pag-ibig. Kahit pa hindi naman ito nagdulot ng tuwa, bagkus ay pait. Dahil marahil naroroon parin ang minsan isang pagtinging iniukol sa kapwa nya puso.
Sa tagpong ito sino ang pipiliin? Ang dating umaakupa sa puso o ang nangangako ng bagong pagmamahal. Ang nakakatakot sa ganitong pangyayari iyong dating pag-ibig pa ang nagtatagumpay. Bakit nga ba kasi ang puso ay tila mas nais pang-manatiling nasasaktan? kaysa umasa sa isa na naman pangako. Dahil marahil nadadala ang puso, pero hindi sya marunong lumimot ng agad. At ilang pasakit nga ba ang kailangan upang masabi ng puso ang mga katagang: tama na… sobra na… ayaw ko na… Pero minsan magulo parin, ayaw ng mag-mahal ng iba. Dahil mahal parin ang nauna, na sa piling niya ngayon ay wala!
Kung minsan naman iba ang nagaganap, meron pang minamahal pero nagagawa pa ring mag-mahal ng iba. Ung tipong “Sana dalawa ang puso ko”… sa ganitong sitwasyon naman paano ba namimili ang puso? Ang bagong pag-ibig o ang dating pagsinta? Hindi nga kasi natin natatagpuan ang lahat ng katangiang gusto natin sa iisang tao lang. Kung kaya minsan akala natin mahal na natin, iyon pala may iba pa… “kung naghintay ka lang sana puso”… Ano nga ba talaga ang nararapat para sa pusong nagmamahal? Isang kapwa puso na umiibig, nagpapaligaya o ung nakakapag dulot ng pag-asa.
May mga puso namang kung bansagan ay mapaglaro… dahil sa dinami-dami ng kanyang minahal, ni isa walang tumagal… mapag-hanap… kung minsan tuloy kay raming nasasaktan. Ngunit gusto nga kaya ito ng puso? O sadyang di lang talaga nya natatagpuan ang isang kapwa puso na talagang nais nyang pag-alayan ng kanyang kabuohan.
Ang hirap kasi nito, ang puso ay hindi nag bigay ng panuntunan kung ano… sino… at kailan… basta gusto gagawin, pag-ayaw lilisan… Ano’t ano paman, ang tamang kasagutan ay puso lang talaga ang nakakaalam. Dahil ang puso ay di kaylanman nagkamali. Dahil ang tangi niya lamang alam ay magmahal. Naging hindi lang ayon minsan sa kanyang desisyon ang mga kaganapan, kung kaya minsan sya ay nagdurugo… nasasaktan…
Ang batas kasi ng pag-ibig ay magmahal lang ng walang hinihinging kapalit… iyon ang alam ng puso, at wala ng iba pa.
IKAW HANDA KA BANG MAGMAHAL KAHIT MASAKTAN?
O HANDA KA BANG MASAKTAN MAKAPAGMAHAL LANG?
- | - | -
Mula
sa panulat ni Lemmor mula sa filipinowriter.com
http://www.filipinowriter.com/ang-puso
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento