Sabado, Hunyo 23, 2012

Isang Paalam...




June 22, 2012 10:00AM



Naalimpungatan ako mula sa tunog ng aking cellphone na nakalagay sa aking side table… ayaw ko pa sanang bumangon dahil sa puyat kagabi, tinatamad kong inabot ang aking cp upang i-off pero nakita ko ang pamilyar na pangalan ng tumatawag.

Dali-dali akong bumangon at naupo sa gilid ng kama,  atubiling sinagot ang tawag…

“Hallo!”

“Good morning!”

“Where are you?”

Pero imbes na sumagot ka sa aking tanong ay matagal na katahimikan ang iyong isinukli… tanging ang marahang paghinga mo sa kabilang linya ang aking naririnig sa aking cp.

“Is he there?” tanong mula sayo, matapos ang ilang sandali.

Ako naman ang naghagilap ng isasagot…

“no, he is not here now” ang aking nasagot

“can we talk?”

“sure!, where are you?”

“here down”

Dali-dali akong tumayo at dumungaw sa bintana ng aking flat upang tanawin ang isang coffee shop sa ibaba ng katapat na building... kung saan madalas kitang sunduin tuwing dumadalaw ka sa akin dati.

Naroon ka, nakaupo sa may dulong bahagi ng coffee shop sa lugar na lagi nating pinagpupuwestuhan tuwing nagyayaya kang uminom ng chai*…

Hindi ko maipaliwanag subalit nagalak ang aking puso…

“wait for me I’m going down”



Kinakabahan man ay dali-dali akong nagbihis, inayos ng bahagya ang aking sarili at tinungo ang pinto ng aking flat at dumiritso sa corridor, sa may elevator…  ilang ulit ko ng pinipinot ang down arrow pero ayaw umakyat ang lift, isang cleaner ang aking nakita sa corridor na sya kong napagtanungan kung sira ba ang elevator… ang sagot sa akin ay may naglilipat daw kung kaya na ka service ang lift sa kasalukuyan.

Akin na lamang tinungo ang hagdan pababa ng building… nasa ikatlong palapag ako… ilang baytang din ito pababa… ilang hakbang pabalik sa dating pag-ibig…





February 14, 2012 5:00PM: Al Ain Mall, Bowling area



Habang Masaya ang lahat, dahil sa araw ng mga puso ako nag-iisa inuubos ang mag-hapon sa paglalaro ng bowling… habang nakaka-strike ako unti-unting nawawala ang galit… ang puot ng aking puso… pero tulad ng ala-ala ng nakaraan muli at muli itong tatayo at muli ay kailangan mong patumbahin, subalit sadyang kahit anong gawin maari ka ring ma-canal at wala kang magagawa dahil hindi ka iiwan ng gunita… ng sakit… ng pait…

“your good!” akma ko na lamang ititira ang huling tyansa ko upang mapatumbang lahat ng pins ng sa aking likuran ay nag wika ka… napalingon ako at napangiti na lamang, dahil sino ba ang di gaganti ng ngiti sa tulad mo.

“Thank you…”

“I’ll been watching you play for about an hour now… it seems that your alone”

“ah… yes”

“in valentine’s day?”

“why not?”

“okey… sorry to disturb you”

“no it’s okey!”

“can we play a set… if you’re not tired yet”

“okey… game” at itinira ko ang huling pagkakataon… at lahat ng agam-agam ay naitumba ko…

Isang matunog na palakpak ang itinugon mo sa huling tira ko… nagpasalamat ako sayo… agad ka namang nagpakilala…

“by the way I’m Jhomma”

“Felmo” at ang ating unang pagdadaupang palad…



Mula sa paglalaro ng bowling… panunuod ng sine… hanggang sa isang hapunan kasama kita… hanggang sa isang mag-damag ng kaligayahan… isang magdamag ng galak… ng paglimot… ng tuwa… ng paghihiganti…



HINDI ko alam kung minahal kita noon… pero sa paglipas ng panahon tinanggap ka nang aking puso.

At sinong hindi magmamahal sa isang tulad mo? Na bagamat alam na mayroon akong ibang mahal na nang-iwan sa akin dahil sa kanyang sariling pamilya… at bagamat inamin kong sya’y mahal ko pa… hindi ka lumayo, at kahit sinabi kong umaasa pa rin ako sa kanyang pagbabalik… sabi mo kung babalik sya magpapalaya ka.

At minahal na nga kita… subalit nagbalik sya… inamin ko sayong mahal ko pa sya… nagpalaya ka, at sinabing hangad mo ang aking kaligayahan.





SUBALIT ngayon muli ay nandito ka…

Hindi ko nabilang kung ilang hakbang ang aking minadaling lagpasan upang muli kang malapitan. Niyaya mo akong maupo at saluhan ka sa paginom ng chai… pero mas ninais kong sa flat nalamang tayo mag-usap… nag-atubili ka sa pagpayag subalit ito ka ngayon sa aking kwarto, kausap… parang tulad lamang ng dati… tila walang naganap na paalam mula ng muling nagbalik ang dating pag-ibig… wala ni ano mang galit… wala ni ano mang paghihinanakit mula sayo.

Narito ka para lamang magpaalam… upang sabihing matapos ang bakasyon ay di ka na babalik ng Al Ain, at sa ibang lugar mo na napiling tapusin ang iyong pag-aaral… upang tuluyan kang malayo sa akin… upang tuluyan akong malimot.

Niyakap kita ng kayhigpit, tanda ng pagpapasalamat… na ginantihan mo naman ng isa rin mahigpit na yakap… at muli’t nagtama ang ating paningin… at mula doo’y naganap muli ang lahat…

Nagmula sa isang maalab na halik, mula sa iyong mapupulang labi… na pinagapang ko sa iyong leeg… isa-isa kong inalis ang pagkakabotones ng iyong polo ay tuluyan itong mahubad… ang aking labi ay pinagsasawa ko ngayon sa iyong matipunong dib-dib, pababa sa iyong puson… habang akin namang tinatanggal ang sinturon ng iyong pantalon… alisin ang pagkakabotones nito at ganap na maibaba ang zipper nito, tinulungan mo akong maibaba ito ng marahan pati ang puti mong brief at muli natampad sa aking paningin ang iyong pagkalalaki…

Pinaupo kita sa gilid ng kama, habang ako naman ay abalang halikan ang iyong mabibilog na hita… dahan dahan mong hinila pataas ang akin suot na t-shirt… at tuluyan itong naalis… sapo na ng aking bibig ang iyong bayag… nilaro-laro ng aking dila ang mumunting bilog na nagpapabigat dito… ang mahihina mong impit na daing at tila isang musika na nagpapahusay pang lalo sa aking pagindayog papaakyat sa iyong pag-aari… marahan akong ng taas-baba… habang hawak mo ang aking ulo upang ito ay maalalayan patungo sa paghahangad ng pagsambulat ng iyong pagnanasa… hinila mo ako pataas… ganap na tayong nakahiga sa kama… na naging atin lamang minsan…

Ikaw naman ang humahalik sa aking dib-dib habang ibinababa ang aking short at brief… at kapwa na nga tayo hubo’t-hubad… nag sasalo sa isang pagtatalik na puno ng pag-ibig bagamat wala na dapat ito sa ating damdamin…

Muli ay subo ko ang itong alaga… maging ikaw man ay sapu narin ng iyong bibig ang aking kargada… walang hanggang ligaya ang dulot ng muli nating pagniniig….

Nakakubabaw ka na sa aking likod… at mula rito ay marahan mong ipinasok ang iyong ari sa aking panglikod na lagusan… na roon pa rin ang sakit na dulot nito sat’wing ikaw ang papasok sa akin… marahan, maingat… hanggang ang hapdi ay mapalitan ng sarap… at kapwa natin pilit inabot ang magkabilang langit… ramdam ko mula sa aking kaluoban ang pagdaloy ng mainit na likido mula sayo… pinagdiinan mo pa ang pagkakatarak ng iyong alaga sa aking lagusan…

Marahan mong hinugot ang iyong sandata… pinatihaya mo ako hawak mo ang aking alaga na matigas pa rin bagamat nahahapo na ako mula sa iyong ginawa… muli mo itong isinubo… nilaro ng iyong dila… tila pinapahiran mo ng iyong laway… alam kong sasabog na rin ako ano mang sandal subalit huminto ka… nakatitig lamang ako sayo… ng bigla kang kumubabaw sa aking balakan itinutok mo ang iyong panglikod na lagusan sa akin alaga… wala akong nakitang pag-aalinlangan sa iyong mga mata… nais kita pigilan, dahil hindi naman ito natin dating ginagawa… ngumiti ka lamang… at dahan-dahan… naramdaman kong bumabaon ang aking alaga sa iyong lagusan.

Napangiwi ka ng bahagya… alam kong hindi ka sana’y, pero marahang taas-baba na ang iyong ginagawa habang paluhod kang nakaupo sa aking harapan… di ko paipaliwanag ang sarap na aking nararamdaman ng mga sandaling iyon… walang hanggang sarap… na sana’y din a magwakas… subalit kumawala rin ang naipon kong katas… at kapwa tayo hapong nahiga sa kama… matapos ang isang pagtatalik… nakayakap ako sayo… kapwa tayo walang imik…



Ilang sandali rin tayong nakatitig lamang sa isa’t-isa, hanggang ikaw ang unang bumasag sa ating katahimikan…

“I will never forget you!”

Wala parin akong imik… dahil hindi ko pa rin alam kung ano ang aking sasabihin…

Tumayo ka mula sa kama… at marahang isinuot ang iyong damit… nakatingin lamang ako sayo…



Binasag lamang ang ating katahimikan ng isang Adhan* mula sa isang malapit na Mosque… hudyad ng Salah*…

Matapos mong magbihis, lumapit ka sa akin… nakaupo na ako sa gilid ng kama…

Niyakap mo ako ng kayhigpit… at muling nag wika…

“Always remember that I love you and I will never forget you!”

Lumokso muli ang aking puso… subalit alam ko naman hindi pa ito ang tamang panahon para sa atin… kung kalian? Tanging panahon na lamang ang syang makakapagsabi…

“You don’t need to say anything… Felmo, I know… Gooodbye!”



Tumalikod ka papalapit sa pinto…

“Jhomma… thank you for everything!”

Humarap ka sa akin, at muli ay nasilayan ko sa iyong mga labi ang isang ngiti tulad ng dati… ng una tayong nagkakilala…



At tuluyan ka ng lumabas ng pinto… naibulong ko na lamang sa hangin ang kanina pa nais sabihin ng aking puso… na MAHAL KITA… Paalam!







Adhan: Call for prayer in muslim
Salah: Muslim prayer

Chai: tea with milk





           






Lunes, Hunyo 18, 2012

Father's Day!


Father’s Day!



June 17, 2012 9:00AM: Millennium Hotel, Oman



Dahil sa may apat na araw akong bakasyon mula noong June 14-17, 2012 at dahil na rin sa imbitasyon ng isang kaibigan ay nasa bansang Oman ako ngayon.



Habang nakamasid ako sa dalampasigan at naghihintay na magising ang mga kasama ko na marahil ay puyat dahil sa aming night-out, isang tawag ang aking natanggap…. Numero lamang ang rumihistro sa cp ko at hindi pamilyar sa akin ang country code nito…



“Hello…”  ang aking nasambit ng sagutin ang tawag.

“Felmo, anak daddy mo ito…” ang sagot sa kabilang linya.

Kinabahan ako ng sandaling iyon, hindi ko alam ang aking sasabihin… ang aking itay ang tumatawag sa akin na halos tatlong taon ko nang di nakakausap.

“Sandali po hindi ko kayo marinig… lalabas lang ako” ang aking nagging tugon… upang makapag-isip ng aking sasabihin… mula sa balkonahe ng hotel ako ay pumasok sa kwarto at lumabas sa garden, napaso ako sa tindi ng sikat ng araw… ako ay lumakad pa papalapit sa mga puno ng dates upang makisilong sa lilim na likha nito…

“Felmo”

“Dad, kamusta po? Kanino nyo nakuha ang number ko?”

“nakuha ko kay Archei (nakakabata kong kapatid)… nasa UAE ka pala?”

“Opo , 2 years na rin ako dito”

“Kumusta ka naman?”

Tila napako ako sa aking kinatatayuan… kinakamusta ako ng aking ama… ng aking amang halos di ko nakasama sa aking pagkabata, sa dahilang lumaki kaming ang kapiling lamang ay ang aming ina. Nasa Saudi sya habang kami ay lumalaki… kada-dalawang taon lamang kung sya ay umuwi, at isang buwan lamang ang kanyang inilalagi sa amin at aalis namang muli.

Ang tangi ko lamang, ala-ala sa kanya ay ang mga laruang robot at baril-barilang na di ko naman nilalaro at pailan-ilang larawan habang nakabakasyon sya sa Pilipinas… ilang birthday bang wala sya? Ilang pasko? Ilang bagong taon… Minsan nga naisip ko rin na sya marahil ang dahilan kung bakit ako nagkaganito… dahil marahil wala akong father figure na namamalas sa aming tahanan… dahil embis na basketball ay jack-stone ang nakagawian kong laruin… pati narin barbie habang inaalagan ko ang bunso naming kapatid.

At sya rin marahil ang dahilan kung bakit iniwan kami ni inay at sumama sa ibang lalaki… dahil wala syang panahon para sa amin ng pamilya nya… o dahil ganti lamang iyon ni inay sa kanyang pangbababae ng siya ay nasa Saipan pa.



“Felmo anak?”

“Dad sorry po… mahina lang ang signal dito kaya paputol-putol ang linya” ang akin pang alibi

“Kamusta ka na?” muli nyang tanong.

“mabuti naman po… kayo po kamusta na?”

“ito tumatanda na… hahahaha” bagamat tumatawa sya sa kabilang linya ay parang inmpit ito na animo’y pinipigil lamang ang luha… hindi ko namalayan na tumulo na rin ang luha sa aking mga mata

“Dad, miss ko na po kayo” ang tangi kong nasambit.

“anak, buti naman at sinagot mo ang tawag ko… ikaw na lang sa iyong apat na magkakapatid ang di ko nakakausap, buti naman at kinausap mo rin ako…” nabasag na ang kanyang tinig… at batid kong lumuluha sya sa kabilang linya… ako man ay di ko na mapigilan ang ma-iyak…



Hinagilap ko sa aking sarili ang sagot sa katanugang “Galit ba ako sa aking Itay?” pero wala akong nakitang puot… dahil sa kabila ng lahat ay minahal ko sya at ganap na naunawaan lalo nang ako naman ang nag-abroad at nakakilala ng mga simpleng taong nag susumikap at nagtitiis sa ibayong dagat maitaguyod lamang ang mga naiwang pamilya sa pilipinas…

Marahil ay kinapos sya ng panahon para sa amin ng pamilya nya… dahil hindi sapat ang panahon kanyang ginugol sa ibayong dagat upang maitaguyod nya ang aming pag-aaral… ang aming bukas…

…at kung mabibigyan lamang sya ng ibang pagkakataon, marahil ay gagawa sya ng paraan upang mabawi ang lahat nyang pagkukulang…



“Dad… pasensya na po…”

“Wala kang dapat alalahanin… ako nga ang dapat na humingi ng paumanhin sa inyo… at salamat na rin dahil hindi mo pinabayaan ang mga nakakabata mong kapatid…”

“Kamusta na po si Tita Flor (ikalawang asawa ni itay)?”

“Mabuti naman anak… dalawa na pala ang kapatid mo ditto… sabi nga pala ni Archie ay bakasyon mo sa August… sana madalaw ka dito…”

“Po…”

“kung pwede ka lang naman… ako na ang bahala sa plane ticket mo”

“Balak ko po kasing sa December na magbakasyon, kung papayagan po ako ng school… pero kung matuloy po ako sa August sabihan ko po kayo…”

“ok, anak… asahan ko”

“opo”

“Ingat ka palagi dyan anak!”

“salamat po…. Dad!”

Katahinikan…

“Anak?”

 “Happy Father’s day po!”

“Salamat anak!”



Halos 30minutes na ang nakakaraan mula ng huli kaming mag-usap na mag-ama… Masaya ako’t muli ko syang nakausap, na muli ay nagbukas ang kumunikasyon naming dalawa. Marahil nga’y mahirap tanggapin subalit batid kong mahal kami ng aming mga magulang… mahal ako ng aking ama!



Eto ako ngayon naka online magpapabook ng flight papuntang Kuwait sa darating na August!



“Hindi dahil sa hindi na nila MAHAL ang isa’t-isa ay din na rin nila MAHAL ang kanilang ANAK!" -mula ito sa isang english movie na nakalimutan ko na ang pamagat... sinasabi ng isang babae sa isang bata na bagamat naghiwalay ang kanyang mga magulang hindi mawawala ang pagmamahal nila sa kanyang anak... tinagalog ko na to-



Marahil hindi ako magiging ama… pero sapat na ang aking namalas sa tinagal ng aking buhay sa mundong ito upang maintindihan ang aking ama… at ibang pang mga ama!



Happy Father’s Day!