Martes, Hunyo 11, 2013

BeerDei 6




January 15, 2010 4:00PM

Naiinip ako’t walang magawa… binuksan ko ang FB, ilang buwan ko rin itong di nabuksan mula ng mag-resign ako sa aking pinapasukang school. Nag resign ako hindi dahil sa ayaw ko ng magturo, kungdi dahil sa mga ala-ala ng paaralan kung saan ko nakilala si Ryan.

Nakalog-on na ako’t sinubukan kong I turn-on ang chat… nang biglang may na receive akong chat message:

“musta po pareng sir?”

Matagal kong tinitigan ang monitor ng laptop, nagdadalawang isip kong sasagutin ko ba ang nag-message o hindi, kung mag lalog-off naman ako baka makahalatang iniiwasan ko sya.

“buti naman…” ang akin nalang naging sagot

“naku sir, pumunta po kami ng inaanak mo nung December sa scul… sabi kasi ni Ryan dalawin ka namin ni baby para kamustahin… pero resign ka na pala” 

“ah, eh… oo”

“nasa Cebu branch ka daw lipat… layo ah, laki na pala ni baby… gumagapang na po…”

“okie… parang kalian lang karga ko sya noong bininyagan”

“si Ryan po pala nasa Dubai na noong November pa po… kinuha ng tita nya para doon na lang po work”
“ganun ba?”

“opo… kaya nasa Batangas po ako ngayon sa bahay namin, dito po muna kami ni baby… para matulungan din ako ni nanay sa pag-aalaga ng bata”

“okie…”

“Hindi na po naka pag-paalam si Ryan sa inyo… tinatawagan po naming kayo pero iba na po ata number nyo”

“oo eh… nagpalit na rin kasi ako ng number… nasira kasi ang phone ko’t sim… balak ko nga rin sana dumalaw sa inyo pero biglaan kasi ang lipat ko”

“ganun po ba? eh pareng sir, kayo po ba may asawa na :)

“ako? Ha… wala pa, walang magkamali…”

“hahahaha… darating din po yan…”

“sana… :)

“sasabihin ko po kay Ryan na nagkausap po tayo… buti naman po naka pag-online kayo…”

“busy… kaya bihira lang… kamusta mo rin ako sa kanya…”

“okie po… hintay ko nga po s’yang mag-online… usually ganitong oras po kami chat… pero naka tulog ata”

“okie… 

“kalian po kayo dalaw sa Manila?, baka po March na sa bahay muna ako nila Ryan… gusto po daw kasing makita nang lola Caroll nya si baby”

“ganun ba… kung makakaluwas ako dadalaw ako…”

“sige pareng sir… para makita mo ulit si baby… Ryan na Ryan po ang mukha… hahahah”

“sige…”

“tag ko po sayo mga pic ni baby…”

“okie, thanks!”

 ------------

Bumukas ang pinto ng flat, na nagpahinto sa aking ginagawa…

“Bings… meryenda na tayo, bumili ako ng shawarma at labna…”

 ------------

“pareng sir na tag na po kita…”

“Rachel, gtg na may gagawin lang ako… thanks sa tag”

“K po! Ingatz…”

At nag log-out na ako sa FB’t pinatay na rin ang laptop.


 ------------


“Bings…”

“Bongs sandali,  sunod na ako!”



January 15, 2010 5:00PM


Masaya kaming kumakain ng meryenda ni Ryan… subalit pag naaalala ko si Rachel, hindi ko alam kong ma qui-guilty ba ako o ano. Dahil habang nag-iisa sya sa Pilipinas… eto kami ni Ryan malayang nagagawa ang bawat namin nais dito sa UAE!



"Bakit dito sa Middle East, parang ang lapit ng langit... ang lapit ng mga bituin." -Ryan-


-itutuloy-





Lunes, Hunyo 10, 2013

BeerDei 5




June 6, 2009 3:30 PM

Nasa gilid ng harapang bahagi ako ng altar ng simbahan… pinagmamasdan ang babaing naglalakad papalapit sa aking kinaruruonan, tila napakabagal ng oras. Nabibingi ako sa katahimikan, tanging ang tunog ng takong mula suot na sapatos ng babaing naglalakad ang maririnig kasabay ng awiting pangkasal. Ramdam ko ang galak ng paligid, subalit ako lumuluha ng lihim para sa aking nadudurog na puso. Ilang ulit kong hiniling na sana ay maglahu na lamang ako sa aking kinatatayuan ng mga sandalin iyon.

At ng ganap ng nasa aking harapan ang babaing kanina lamang ay nag lalakad, gumuho na ng tuluyan ang aking mundo. Iniabot ng lalaking aking katabi ang kamay ng babae… at tuluyan na silang naglakad sa harap ng altar, ako? Ako’y naiwan sa aking kinatatayuan, na ang tangi na lamang kapiling ay ang aking sugatang puso… damdaming umasa… pag-ibig na nawala.


June 5, 2009 10:30 PM

Kaalis lamang ng mga bisita sa aking bahay, para sa isang pagsasalo-salo. Bukas kasi ay ikakasal na si Ryan at nataon naman parihu naming kaarawan. Masaya ang handaan iyon, kasama ang ilang malalapit na kaibigan ni Ryan, kamag-anak at kaklase sa high school at college. Sa bahay ko ginawa ang stag party ni Ryan dahil malapit lang naman ang aking bahay sa kanilang bahay at naroon din kasi sa bahay nila ang kanyang mapapangasawa, si Rachel. Dahil sa pamahiin at dahil narin sa pakiusap ng magulang ni Ryan kung kaya ako napapayag na sa bahay ko ganapin ang pagtitipun para sa huling sandali ng pagiging binata ni Ryan. Bali bukas dito na rin s’ya manggagaling pa simbahan.

Ang kanina lamang na maingay na bahay at muling nanahimik, dahil wala na ang mga bisita at tanging kami na lamang ni Ryan ang natira sa bahay. Nakaupo siya sa sofa at nakaidlip dahil sa naparami ang nainum na alak. Pinagmasdan ko s’ya ng matagal… tila sinisipat ko ang bawat angulo ng kanyang pagkatao, pinagsawa ko ang aking mga mata sa kanyang maamong mukha dahil baka ito na rin ang huling sandaling maari ko s’yang masolo, dahil nga bukas ay may iba ng aakin sa aking MAHAL!

Napako ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa kanya ng bigla siyang magising, papatingin s’ya sa akin at nagtama ang aming paningin. Hindi ko namalayan ay bigla na lamang tumulo ang luha sa aking mga mata… hindi ko pala kakayaning mawala s’ya sa akin. Tumayo si Ryan at lumapit sa akin, pinahid nya ang mga butil ng luha sa aking pisngi, subalit maging s’ya ay lumuluha din. Niyakap n’ya ako ng kay higpit, subalit ako’y tila natuod sa aking kinalalagyan.

“Mag salita ka naman Bings, kahit ano… please” ang kanyang pagsusumamo.

Subalit walang tinig na lumabas sa aking bibig, kundi ang mga impit na iyak… para sa nalalapit na pagkawala ng taong batid kong umibig sa akin.

Isang mariing halik ang iginawad sa akin ni Ryan, maalab… 

At muli naganap ang pagsasalo para sa isang pag-ibig na malapit ng hadlangan ng isang kasal!

Kapwa hubad ang aming katawan na animo’y kusang sumasabay sa bawa’t pag galaw ng oras… kada bulusok n’ya sa aking likuran ay pagpatak ng aking luha ang kapalit, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa agam-agam ng puso… dahil matapos ang gabing ito, ay paano na ang ako? Paano na kami?

Hindi mabilang na ungol at daing ng ligaya ang bumalot sa apat na sulok ng aking bahay… na nasa nalalapit na sandali’y magiging ala-ala na lamang.

Nais kong sanang hilingin sa may-kapal na wag na matapos ang gabing ito… upang maging akin na lamang ang pag-ibig, ang puso at ang taong may tangan nito. Subalit sadya yatang hindi kami ang nararapat para sa isa’t-isa.

Matapos ang makailang ulit na pakikipagtalik… sa pagod at dala na rin marahil ng alak ay nakatulog si Ryan, na sa kwarto kami’t nakahiga sa kama… nakaunan sya sa aking braso at ako naman ay nakatagilid na pinagmamasdan lamang ang kanyang mukha… alas-dose na ng gabi… isang taon na ang nakakalipas… ng unang may naganap sa amin. June 6 na rin, kaarawan na rin naming dalawa… muli ito kami sa aming parihabang mundo, na hindi ko alam at ni ayaw kong alamin kung muli pa bang mapupunan nang s’ya at ako.

Isang mainit na dampi ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana ang nag pagising sa akin, umaga na pala. Sinipat ko ang wall clock sa gawing ulunan ng aking kama, alas-syete na pala ng umaga. Wala si Ryan sa aking tabi, dali-dali akong bumangon… sa pagkabahala, mamayang hapon pa naman ang kasal at dito naman s’ya sa bahay manggagalin… bakit wala na s’ya.

Nagtapis na lamang ako ng tuwalya’t nanaog sa baba ng bahay, isang nakangiting Ryan ang sumalubong sa akin, may hawak na bungkos ng bulaklak at isang kahon ng regalo…

“Happy Birthday Bings!”

“akala ko wala ka na…” muli pagluha

“hindi naman ako mawawala sayo…”

“kaya pala ikakasal ka na mamaya”

“gusto mo bang hindi ko siputin ang kasal?”




June 6, 2009 4:30 PM

“You may kiss the bride!” kasabay ng isang malakas na palakpakan.

Tumulo ang natitira ko pang luha sa aking mata… dahil natuldukan na ang isang pagmamahalan, pagmamahalan namin ni Ryan.

Lumingon s'ya sa akin, matapos nyang halikan ang kanyang asawa... tumalikod ako, humatbang palayo... palabas ng simbahan... palayo sa pag-ibig.



"Ikakasal lang ako, di pa ako mawawala..." -Ryan-

-itutuloy-