June 6, 2009 3:30 PM
Nasa gilid ng harapang bahagi ako ng altar ng
simbahan… pinagmamasdan ang babaing naglalakad papalapit sa aking kinaruruonan,
tila napakabagal ng oras. Nabibingi ako sa katahimikan, tanging ang tunog ng
takong mula suot na sapatos ng babaing naglalakad ang maririnig kasabay ng
awiting pangkasal. Ramdam ko ang galak ng paligid, subalit ako lumuluha ng
lihim para sa aking nadudurog na puso. Ilang ulit kong hiniling na sana ay
maglahu na lamang ako sa aking kinatatayuan ng mga sandalin iyon.
At ng ganap ng nasa aking harapan ang babaing
kanina lamang ay nag lalakad, gumuho na ng tuluyan ang aking mundo. Iniabot ng
lalaking aking katabi ang kamay ng babae… at tuluyan na silang naglakad sa
harap ng altar, ako? Ako’y naiwan sa aking kinatatayuan, na ang tangi na lamang
kapiling ay ang aking sugatang puso… damdaming umasa… pag-ibig na nawala.
June 5, 2009 10:30 PM
Kaalis lamang ng mga bisita sa aking bahay,
para sa isang pagsasalo-salo. Bukas kasi ay ikakasal na si Ryan at nataon naman
parihu naming kaarawan. Masaya ang handaan iyon, kasama ang ilang malalapit na
kaibigan ni Ryan, kamag-anak at kaklase sa high school at college. Sa bahay ko
ginawa ang stag party ni Ryan dahil malapit lang naman ang aking bahay sa
kanilang bahay at naroon din kasi sa bahay nila ang kanyang mapapangasawa, si
Rachel. Dahil sa pamahiin at dahil narin sa pakiusap ng magulang ni Ryan kung
kaya ako napapayag na sa bahay ko ganapin ang pagtitipun para sa huling sandali
ng pagiging binata ni Ryan. Bali bukas dito na rin s’ya manggagaling pa
simbahan.
Ang kanina lamang na maingay na bahay at muling
nanahimik, dahil wala na ang mga bisita at tanging kami na lamang ni Ryan ang
natira sa bahay. Nakaupo siya sa sofa at nakaidlip dahil sa naparami ang nainum
na alak. Pinagmasdan ko s’ya ng matagal… tila sinisipat ko ang bawat angulo ng
kanyang pagkatao, pinagsawa ko ang aking mga mata sa kanyang maamong mukha
dahil baka ito na rin ang huling sandaling maari ko s’yang masolo, dahil nga
bukas ay may iba ng aakin sa aking MAHAL!
Napako ako sa aking kinatatayuan habang
nakatitig sa kanya ng bigla siyang magising, papatingin s’ya sa akin at nagtama
ang aming paningin. Hindi ko namalayan ay bigla na lamang tumulo ang luha sa
aking mga mata… hindi ko pala kakayaning mawala s’ya sa akin. Tumayo si Ryan at
lumapit sa akin, pinahid nya ang mga butil ng luha sa aking pisngi, subalit
maging s’ya ay lumuluha din. Niyakap n’ya ako ng kay higpit, subalit ako’y tila
natuod sa aking kinalalagyan.
“Mag salita ka naman Bings, kahit ano… please”
ang kanyang pagsusumamo.
Subalit walang tinig na lumabas sa aking bibig,
kundi ang mga impit na iyak… para sa nalalapit na pagkawala ng taong batid kong
umibig sa akin.
Isang mariing halik ang iginawad sa akin ni
Ryan, maalab…
At muli naganap ang pagsasalo para sa isang
pag-ibig na malapit ng hadlangan ng isang kasal!
Kapwa hubad ang aming katawan na animo’y kusang
sumasabay sa bawa’t pag galaw ng oras… kada bulusok n’ya sa aking likuran ay
pagpatak ng aking luha ang kapalit, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa
agam-agam ng puso… dahil matapos ang gabing ito, ay paano na ang ako? Paano na
kami?
Hindi mabilang na ungol at daing ng ligaya ang
bumalot sa apat na sulok ng aking bahay… na nasa nalalapit na sandali’y
magiging ala-ala na lamang.
Nais kong sanang hilingin sa may-kapal na wag
na matapos ang gabing ito… upang maging akin na lamang ang pag-ibig, ang puso
at ang taong may tangan nito. Subalit sadya yatang hindi kami ang nararapat
para sa isa’t-isa.
Matapos ang makailang ulit na pakikipagtalik…
sa pagod at dala na rin marahil ng alak ay nakatulog si Ryan, na sa kwarto
kami’t nakahiga sa kama… nakaunan sya sa aking braso at ako naman ay
nakatagilid na pinagmamasdan lamang ang kanyang mukha… alas-dose na ng gabi…
isang taon na ang nakakalipas… ng unang may naganap sa amin. June 6 na rin,
kaarawan na rin naming dalawa… muli ito kami sa aming parihabang mundo, na
hindi ko alam at ni ayaw kong alamin kung muli pa bang mapupunan nang s’ya at
ako.
Isang mainit na dampi ng sinag ng araw na
nagmumula sa bintana ang nag pagising sa akin, umaga na pala. Sinipat ko ang
wall clock sa gawing ulunan ng aking kama, alas-syete na pala ng umaga. Wala si
Ryan sa aking tabi, dali-dali akong bumangon… sa pagkabahala, mamayang hapon pa
naman ang kasal at dito naman s’ya sa bahay manggagalin… bakit wala na s’ya.
Nagtapis na lamang ako ng tuwalya’t nanaog sa
baba ng bahay, isang nakangiting Ryan ang sumalubong sa akin, may hawak na
bungkos ng bulaklak at isang kahon ng regalo…
“Happy Birthday Bings!”
“akala ko wala ka na…” muli pagluha
“hindi naman ako mawawala sayo…”
“kaya pala ikakasal ka na mamaya”
“gusto mo bang hindi ko siputin ang kasal?”
June 6, 2009 4:30 PM
“You may kiss the bride!” kasabay ng isang
malakas na palakpakan.
Tumulo ang natitira ko pang luha sa aking mata…
dahil natuldukan na ang isang pagmamahalan, pagmamahalan namin ni Ryan.
Lumingon s'ya sa akin, matapos nyang halikan ang kanyang asawa... tumalikod ako, humatbang palayo... palabas ng simbahan... palayo sa pag-ibig.
"Ikakasal lang ako, di pa ako mawawala..." -Ryan-
-itutuloy-
Lumingon s'ya sa akin, matapos nyang halikan ang kanyang asawa... tumalikod ako, humatbang palayo... palabas ng simbahan... palayo sa pag-ibig.
"Ikakasal lang ako, di pa ako mawawala..." -Ryan-
-itutuloy-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento