Linggo, Pebrero 2, 2014

BeerDei 7



January , 2010 ng dumating ako sa UAE, para makipagsapalaran sa ibang bansa bilang IT instructor… nag resign ako sa dati kong trabaho para narin makapiling ang lalaking labis kong minahal, kahit pa may asawa’t anak na s’ya.

Alam kong mali ang kung ano mang meron sa amin ni Ryan, subalit sadya yatang ganoon pag nagmamahal ka. Naging maayos naman ang pagsasama namin ni Ryan sa UAE… nag sama kami sa iisang flat bilangmag-partner, mag asawa?

Mas lalo pa s’yang napamahal sa akin… hindi din n’ya kinakalimutan ang kanyang obligasyon sa kanyang asawa’t anak sa Pilipinas. Magkatuwang naming inalalayan ang kanyang mag-ina, wala akong hinihinging kapalit ano man mula sa kanya. Kahit ilang ulit nyang sinabing makikipaghiwalay na lang s’ya sa kanyang asawa’y hindi ako pumayad, dahil sa aking palagay ay mas tamang lumaki ang kanyang anak na may kinikilala ama. Masakit man, lalo na sa t’wing tatawag ang kanyang asawa… sa t’wing tuwang-tuwa s’yang nakikita ang kanyang anak, pero sino ba ako… ano nga ba ako sa buhay n’ya para ipagdamot ang nararapat lamang para sa kanya.

Dalawang taon… dalawang mahahabang taon kaming nalunod sa galak na dulot ang lihim naming pag-ibig, na halos nalimutan kong ako pala ang s’ya itong nanghihiram lamang ng pagmamahal mula sa iba.



November 2011

Nakatakdang mag bakasyon sa Pilipinas ni Ryan… kahit naging akin s’ya ng halos dalawang taon, ay parang may kurot parin sa aking puso dahil nga uuwi s’ya sa tunay nya’ng asawa. Pero hinanda ko naman ang aking sarili sa mga ganitong pagkakataon. Dahil alam ko darating ang panahong kakailanganin s’ya ng kanyang mag-ina.

At naganap nga ang lahat…


December  19, 2011

Ito dapat ang petsa ng pagbabalik sa UAE ni Ryan, subalit isang tawag ang natanggap ko mula sa kanya. Hindi na daw muna sya makakabalik dahil gusto n’ya pa daw makapiling ang kanyang anak, at gusto naman daw yang maranasan muli ang pasko sa Pilipinas. Masakit, dahil nakaplano na ako… kami... na kami muli sa araw ng pasko, at dahil pamilya nya ang dahilan… wala naman akong magagawa kundi ang magpalaya…


December 23, 2011

Isa muling tawag na tuluyang nag-paguho sa aking mundo:

“Bings, I’m so sorry… di na ako makakabalik sa UAE… alam na ni Rachel ang tungkol sa atin, kailangan ako ng pamilya ko… ng anak ko… sorry talaga!”

Mga huling salitang aking narinig mula sa kabilang linyang ng cp… isang sampal na paalam mula kay Ryan. Ang tita ni Ryan ang nagsabi ng lahat kay Rachel, ang tungkol sa pagsasama naming sa UAE ang lahat… ilang larawan na lihim naming ikinubli sa lahat ng aming mga kakilala’t kaibigan ang s’yang magiging patunay ng aming pagsisinungaling at kataksilan.

Ayaw daw n’yang mawala sa kanya ang kanyang anak… wala naakong magagawa pa… ako ang kalaguyo akin ang pagdurusa.

Alam kong minahal ako ni Ryan, subalit hanggang doon nalang talaga siguro ang aming pag-ibig.

Sinubukan ko syang kalimutan… subalit sadyang di madali.






-itutuloy-

1 komento:

  1. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    TumugonBurahin