Naging
masaya naman ang muli naming pagsasama ni Ryan… hindi na nga lang kami mag
kasama sa iisang flat. Dumadalaw na lamang s’ya sa akin t’wing Lunes ng gabi at
Martes na ng hapon ang kanyang uwi… dahil iyon ang kanyang day-off.
Nag paalam
narin ako kay Jhomma, at natanggap naman n’ya dahil sa simula pa naman ay alam
n’yang mahal ko pa rin si Ryan.
Maayos na sana
ang lahat, ang kami ni Ryan… subalit tunay ngang walang lihim na di nabubunyag…
Isang umaga sa
school kung saan ako nagtuturo ay dumalaw ang ang tita ni Ryan, gulat ma’y
hinarap ko s’ya ng maayos.
Nakiusap s’ya
sa akin na tigilan ko na daw si Ryan at kalimutan… dahil pamilyado itong tao.
Umiwas na lamang daw ako kay Ryan lalo na’t buntis ang asawa nito sa ikalawa
nilang anak… nag banta pa ang kanyang tita na kungdi ko ititigil ang relasyon
ko kay Ryan ay irereport n’ya ako sa management ng school… ang aking relasyon
sa kapwa ko lalaki.
Hindi ko na
inalam kung saan at paano nalaman ng tita ni Ryan ang muli naming relasyon…
pero marahil nga ay tama s’ya… pero paano ang aking pag-ibig?
Kinausap ko si
Ryan isang Lunes ng gabi ng dumalaw s’ya sa akin. Pero tumanggi s’yang
talikuran ang aming relasyon. Pero sinabi kong tama na… dahil naaawa ako sa
kanyang asawa at naaawa narin ako sa aking sarili… sa aking sarili na lagi na
lamang nakikiamot sa pagmamahal.
Inamin kong
mahal ko s’ya at hindi iyon magbabago…
Masama man
kapwa ang aming loob pero iyon na marahil ang nararapat naming gawin noon pa.
ayaw ko rin namang masira ang aking pangalan,maging si Ryan… kaya pinalaya ko
s’ya kahit alam kong masakit ito!
October 16,
2012 6:30 AM
Magising ako
sa tunog ng alam clock na nasa side table ng aking kama… pagbaling ko wala na
sa aking tabi si Ryan. Kagabi lamang ay kasama ko s’ya at kasalu sa isang
maalab na pakikipagtalik… walang ibang iniisip kungdi ang kami lamang… subalit
iyon nga rin pala ang Lunes ng gabi ng paalam. Dahil napagkasunduan naming
tuldukan na ang aming pagsasama… kung maari ang aming pagmamahal. Hindi madali
pero sa pahanong iyon, iyon lamang siguro ang tama… ang dapat.
Isang sulat na
nakapatong sa aking laptop ang aking nabasa, ito'y mula kay Ryan... isang video
message ang pinatungkulan nito... dali-dali kong binuksan ang laptop at doon ay
pinanuod ang iyong video message... ang iyong pagpapaalam!
Tanging luha
ang aking naging sukli sa bawat pag-alala ng ating nakaraan, lalo ng iyong
balikan sa iyong minsahe ang lahat... mula ng una tayong mag kakilala at
humatong sa isang pagpapaalam...
"Hindi
natin hinagad na umibig sa isa't -isa... hindi natin hiniling ang ikaw at ako,
pero nagmahalan tayo... isang pagmamahal na babaunin ko habang buhay...
PINAKAMAMAHAL KITA BINGS... PAALAM!" - Ryan –
Lunes
ng Gabi...
Maaga akong
gumising tulad ng dati, tuwing Martes ng umaga…
Marahan akongtumayo
mula sa kama… dahil ayaw kong maistorbo ang iyong pagtulog, dahil alam kong
pagod ka at ito lamang ang tanging araw ng iyong pahinga.
Nagluto ako
ngalmusal, pati narin ng iyong pananghalian… dahil maiiwan kang mag-isa,
ngayong araw sa aking flat…
Matapos kong
magluto ay pinuntahan kita sa silid… upang gisingin at yayaing kumain ng
almusal…
Subalit malakas na sampal ng katotohanan ang sumalubong sa akin… muli ay lumuha ako!
Niyakap ko ang mga naiwan mong damit… ang iyong unan… ang iyong kumot… ang iyong mga ALA-ALA!
Dahil di ka nanga pala muli pang dadalaw tuwing LUNES ng GABI!
Subalit malakas na sampal ng katotohanan ang sumalubong sa akin… muli ay lumuha ako!
Niyakap ko ang mga naiwan mong damit… ang iyong unan… ang iyong kumot… ang iyong mga ALA-ALA!
Dahil di ka nanga pala muli pang dadalaw tuwing LUNES ng GABI!
Ba’t hindi
nasanay ang aking puso
na di na n'ya
mararamdaman ang iyong pagsuyo
ba’t nga ba tuluyan ng lumayo
ang ikaw sa mundo ko… sa aking pagkatao?
ba’t nga ba tuluyan ng lumayo
ang ikaw sa mundo ko… sa aking pagkatao?
Ilang Lunes
nggabi pa ba?
ang dapat kung
maranasan wala ka
paramapa intindi sa damdamin, sa isip na…
wala ka na… at di na muling darating pa.
paramapa intindi sa damdamin, sa isip na…
wala ka na… at di na muling darating pa.
at ilang
Martes ng umaga ko pa…
mararanasan
ang lumuha?
Dahil nga ikaw ay wala…
Wala sa aking silid… sa aking kama.
Dahil nga ikaw ay wala…
Wala sa aking silid… sa aking kama.
Sana’y mapagud
na akong maghintay ng lagi sayo
Upang maturuan
ko na itong aking puso
Na di na mulipang maghintay sa tulad mo
Na ang pinili… ang minahal ay di lang ako!
Na di na mulipang maghintay sa tulad mo
Na ang pinili… ang minahal ay di lang ako!
Ilang Lunes na
gabi paba akongmaghihintay?
Ilang Martes
ng umaga paba akong aasa?
Nag resign ako
sa school na pinagtuturuan ko sa UAE at lumipat ng ibang bansa… ngayon ay nasa ibang
Middle Country na ako, nagtuturo sa isang private college.
Ang
pagmamahalan namin ni Ryan ay isa na lamang ala-ala… ISANG MATAMIS NA ALA-ALA.
-The End-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento