Pinilit kong ibaling ang pag-ibig ko sa iba… ilang ulit
kong ipinagsiksikan ang aking sarili sa isang relasyon, upang malimot ang isang
relasyong nagpabago ng aking pananaw sa salitang pagmamahal.
Humanap ako ng pagsuyong aking lang, akin lang sana…
dahil sadyang mahirap ang may kahati sa pagmamahal. Subalit bigo ako, dahil sa
puso at isip ay tanging si Ryan lamang ang naruruon.
Ilang relasyon… ilang pagtatalik man ay wala pa ring
bumura sa damdaming kay Ryan ko lang inilaan.
“Una s’yang naging akin” ang sigaw ng aking puso, pero
hindi s’ya sa akin ng buo… hindi naman s’ya inagaw sa akin… dahil sa kahit
saang angulo tingnan, sa ngayon ako ang nakihati!
Masakit isiping kahit naroon ang pag-ibig n’yo
saisa’t-isa… hindi kayo maaring maging kayo, hindi kayo pwedeng mag-sama… dahi
lbawal, dahil di maari.
Pinutol ko ang ano mang namamagitan sa amin, nag palit
ako ng number, diniactivate kona rin ang aking FB account mula ng makatanggap
ako ng masasakit na messages mula sa asawa ni Ryan. Lumipat na rin ako ng
tirahan dahil nasasakal ako ng mga matatamis na ala-ala naming dalawa. Kasunod
ay paglimot…
Akala ko maari ko na s’yang malimutan dahil nakatagpo na
ako ng taong magmamahal sa akin sa katauhan ni Jhomma, isang lokal (emirati)…
dahil sakabila ng aking pag-amin sa kanya ay nakuha pa rin n’ya akong ibigin.
Subalit nagbalik ka… bakit?
May 17, 2012 5:00PM
“Bings!” isang pamilyar na boses ang aking narinig
natumatawag sa akin, ayaw kong lumingon dahil para sa akin ay wala dito sa UAE
ang taong may tangan na boses na iyon… na s’ya lamang nakakatawag sa akin sa
ganoong pangalan.
“Bings!” muli tawag sa akin, sa pagkakataong ito ako’y
lumingon. Si Ryan ang nakita kong papalapit sa aking kinatatayuan.
“Ryan?... Bo… Bongs?”
“Para ka namang naka kita ng multo”
“Kailan ka dumating?”
“kahapon lang… pumunta ako sa flat mo kanina, pero
lumipat ka na pala”
“ah, oo”
“Kumusta?”
“ito…”
“buti naman dito ka parin madalas, mamasyal… kaya dito
ako pumunta, nagbabakasakaling makita kita dito”
“ikaw… kamusta?”
“ito rin…” kasabay ng mahinang tawa
“dinner tayo…”
Isang masayang hapunan ang sumunod, tila parang walang
naganap na masakit na nakaraan… Sumama s’ya sa bago kong
tinitirhan, dala marahil ng pananabik kung kaya muli ay may naganap sa amin.
Muli nag salo kami sa isang pagtatalik, na puno ng pag-ibig… bagaman’t may
pag-aalinlangan at may ilan pang katanungan sa aking puso ay nag paubaya ako.
Dahil ang katalik ko ay aking minamahal.
Inamin ko kay Ryan ang lahat… pati ang kasalukuyan
kong relasyon kay Jhomma. Subalit sa kabila noon ay naroon pa rin ang kanyang
pag-ibig. Nang tanungin ko s’ya tungkol sa kanyang pamilya sa Pilipinas… sila
parin, pero sa UAE kami. Hindi ko alam kung muli ay susugal ako, pero nilamon
ako ng pagmamahal… pagmamahal ko kay Ryan.
Bakit nawalan ako ng lakas ng loob?
Na labanan ang sigaw ng damdaming puno ng poot…
Bakit muli kitang pinapasok?
Sa akin pinto… sa aking puso at sabawat nitong sulok.
At muli ito ka…
nagsasabing ako’y mahal mo pa
nangangakong ako’y di na muling iiwan
dahil sa piling ko, sabi mo naroonang kaligayahan
Ayaw kitang paniwalaan…
ni ayaw kong ikaw ay pakinggan
subalit yakap na kita muli ng kayhigpit
labi ko ay siil na nang iyong mgahalik
Muli sa parihaba kong mundo ikaw ay nagbabalik
kasinungalingang sabihing ako sayo’y di nasabik
dahil walang araw na di ko man lang ninais…
ang sandaling ito… ang makapilingka… yakap ng iyong bisig
Ngunit sa pagkakataong ito ay ayaw kong labis na umasa…
dahil ayaw kong masaktang muli ng sobra…
sapagkat di ko kakayaning muling magdamdam ng dahil
sayo
at ng pag-ibig mong… ang nagmamay-ari ay di lang ako!
- "Mahal mo pa ba ako?"
- "Walang sandaling hindi kitaMinahal!"
- "Mahal mo pa ba ako?"
- "Walang sandaling hindi kitaMinahal!"
-itutuloy-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento