Miyerkules, Disyembre 21, 2011

Eididify #3: Jack's song


                      from the movie "Sayaw ng dalawang kaliwang paa"



Matuling lumipas ang isang taon, nasa ikatlong taon na ako sa high school samantalang si Jack ay nasa huling taon nito.

Malungkot isiping malapit ng malayo sa akin si Jack. Pagkatapos nya ng high school ay papasok na siya ng simenaryo, magpapari si Jack. Hindi niya gusto ang pagpapari subalit wala siyang magawa dahil siya ay isang “Alay”. Isinilang si Jack na may malubhang karamdaman, matatawag nga siyang menopause baby, dahil nasa apat na po’t tatlong taon gulang na ang kanyang ina ng siya ay isinilang. Sampung taon siyang hinintay ng kanyang mga magulang bago siya ipinagkaloob sa kanila ng maykapal.

Dahil sa dibotong katoliko ang kanyang mga magulang ay inialay nila si Jack sa Dios at nangakong kung ito ay mabubuhay ay maglilingkod ito sa simbahan bilang pari. Bagamat masasabing may karamdaman parin si Jack sa kasalukuyan, himala nga sigurong matatawag na buhay pa rin siya hanggang sa ngayon... at ilang buwan na nga lang ay matutupad na ang ipinangako ng mga magulang ni Jack sa Lumikha.


February noon, kaya abala ang lahat sa nalalapit na JS Prom ng aming paaralan. At bilang paghahada ay pinakiusapan ako ni Jack na turuan ko daw s'ya sumayaw. Pinaunlakan ko ang kanyang hiling, sa simbahan pagkatapos ng aming mga gawain ay nagpapraktis kami ng sayaw. Ang pagsasayaw kasi ang hindi niya nakahiligan, pero ngayon parang pursigido siyang matuto. Kung tatanungin kong bakit, may isasayaw daw siyang espesyal na tao sa araw na iyon. Kinurot ang puso ko subalit sino ba ako para masaktan. Sa kabila ng mga nangyari sa amin ni Jack, wala kaming napagusapan kung anong meron sa amin. Sa isip-isip ko hindi na nga naman kailangan, dahil bakit pa, pwede bang maging kami? Matatanggap kaya kami ng lipunang aming ginagalawan?

Araw ng JS Prom, sabay kaming pumunta sa school ni Jack sinundo niya ako. May kotse kasi ang tito ni Jack na s'yang maghahatid sa kanya. Ipinangako kasi ni Jack sa akin na isasabay nya ako papuntang school. Hangang-hanga ako kay Jack ng mga sandaling iyon, mas lalo siyang gumawapo sa soot niyang abuhing amerikana.

Masaya ang mga bawat sandali namin sa JS Prom, subalit ng lumalalim na ang gabi ay nag-aya na si Jack na umuwi. Hindi pa noon tapos ang programa. Hindi ko pa sya nakikitang sumayaw man lang, ng aking tanungin ang tugon nya lamang ay “hindi sa lugar na iyon nya gustong makasayaw ang espisyal na tao sa buhay nya”.

Tumuloy kami sa bahay nila Jack. Sabi nya sa akin na wala daw doon ang kanyang mga magulang, nasa Tagaytay, para sa isang class reunion. May munting kaba at saya akong naramdaman ng mga sandaling iyon, bagamat hindi sigurado ninais ko sa aking puso na ako ang espesyal na tao sa buhay ni Jack.

Matapos namin kumain ng hapunan ay niyaya ako ni Jack sa kanyang kwarto. Pag pasok sa loob ay agad niyang isinalang ang cd sa kanyang component. Sabi niya iyon daw ang kanyang paboritong awitin, pumailanlang ang liriko ng awitin sa bawat sulok ng kwarto…

Look into my eyes you will see
What you mean to me
Search your heart search your soul

Lumapit sa akin si Jack. Niyaya niya akong sumayaw titig na titig ako sa kanyang mga mata, nagtatanong, subalit wala akong hinihinging kapalit na kasagutan ng mga sandaling iyon…

And when you find me there you'll search no more
Don't tell me it's not worth tryin' for
You can't tell me it's not worth dyin' for
You know it's true
Everything I do I do it for you

Habang sumasayaw kami ay unti-unti naming hinuhubad ang mga saplot sa aming katawan, hanggang wala ng matira ni isa…

Look into your heart you will find
There's nothin' there to hide
Take me as I am take my life
I would give it all I would sacrifice
Don't tell me it's not worth fightin' for
I can't help it there's nothin' I want more
You know it's true
Everything I do I do it for you

Kapwa namin yakap ang isa’t-isa ng bumuwal kami sa kama….

There's no love like your love
And no other could give more love
There's nowhere unless you're there
All the time all the way

"Hindi ko kayang ipaliwanag subalit nararamdaman kong mahal kita" bulong ni Jack sa akin.
"Mahal kita Jack, pero paano kita maagaw sa kanya?" ang aking tugon.

Oh you can't tell me it's not worth tryin' for
I can't help it there's nothin' I want more
I would fight for you I'd lie for you
Walk the wire for you Ya I'd die for you
You know it's true
Everything I do I do it for you

Pinagsaluhan namin ang bawat sandali ng walang pag-aalinlangan. Makailang ulit pang naulit ang awitin na iyon, tila iyon lamang ang laman ng cd… hindi ko na binilang… hindi ko na rin pinagaksayahang bilagin kung makailang ulit din naming pinaligaya ang bawat isa…

Isang haplos sa pisngi ang gumising sa akin. Umaga na pala.

“Bangon na almusal na tayo” aya ni Jack, nakangiti.

Dali-dali akong nagbihis, humarap sa salamin at inayos ang aking gulong buhok. Masakit ang aking katawan, masakit din ang aking pang likod na lagusan.

“Hintayin na kita sa baba” bilin nya sa akin

“Sige”

Pagbaba ko sa ay naroon si Jack at ang kanyang ina. Alas-dyes na pala ng umaga, nasipat ko sa orasang nakasabit sa sala.

“Magandang umaga po” bati ko sa nanay ni Jack.

“Magandang umaga Elmo, kain na. ipinagluto ko kayo ni Jack ng masarap na almusal.”

“Masarap mag luto si Mommy, kahit puyat at pagod yan at kakauwi lang kaninang umaga ay pinagluto pa rin tayo” tila pag mamalaki ni Jack sa kanyang ina.

“Mukhang napuyat ata kayo kagabi. Sabi nga nito ni Jack madaling araw na daw kayo nakauwi” napatingin na lamang ako kay Jack

Umupo na ako at katapat si Jack sa lamesa.

“Mukhang pagud na pagud kayo kagabi ah. Masaya ba ang experience nyo kagabi?” tanong ng nanay ni Jack.

Nagkatinginan kaming dalawa, nangiti sa isa’t-isa  at sabay na sumagot “Opo”  



Itutuloy...

1 komento:

  1. It's a nice story... simple sarap basahin, hintayin ko ang karugtong.

    Micheal P.

    TumugonBurahin