Sabado, Disyembre 24, 2011

Santong Hubad




Pagsamba sa bayarang panginoon
nakikiamot sa munting pag-ibig kahit bulong
sapat man o hindi katumbas ng halaga
ito’y di alintana…
ang nais lang
Lumigaya!

Ano mang biyaya na hatid
sasairin, walang ititira…
kahit bahid
di dahil sa winaldas na salapi
kung di dahil sa
Paghihiganti!

Luluhod… didipa… tutuwad…
upang puong sinasambay makapasok
sa huwad na langit…
sa huwad na irog…
Na puno ng libog!

at ang rurok ay naabot
sabay ng panlalambot ng tuhod
Wala ng maibubuga
maging bunganga’y laylay na
mga palad na napaso…
nalapnos...
sa init na hatid
ng isang panalangin’t
pananampalatayang
may perang katapat!



- * -

"magkano ba?"
"ikaw na ang bahala..."
"pwede na ba ito?"
"dagdagan mo na lang kahit kunti..."
"O ito"
"kailan uli?"

-nag isip-

"mahaba pa naman ang gabi, bukas ka na lang kaya umuwi"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento