Linggo, Enero 15, 2012

Eididify #6: Jack, Alagad ng Diyos... Alipin ng Pag-ibig.


image courtesy of http://corkstudio.com


Isang halik ang gumising sa akin ng umagang iyon… hindi ko alam subalik nagalak ang aking puso, dahil pagmulat ng aking mga mata ay isang pamilyar na mukha ang ngayon ay na sa aking harapan. Si Jack!

Limang  taon narin ang nakalipas mula ng huli ko siyang namasda… nakasama… hindi ko inaasahan na muli ko pa syang makikita. Subalit mula ng muli kong masilayan ang kanyang mukha, ang kanyang ngiti… muli ay nanumbalik ang lahat ng damdamin… ang pag-ibig sa isang taong una kong minahal.
Mula ng umalis sya sa lugar namin, ay di ko na inalam pa kung ano na ang naganap sa kanya. Ilang ulit narin akong umibig sa iba na nauwi naman saw ala, dahil marahil babalik sya.
Nakatitig lamang ako sa kanyang mukha, walang imik. Nakahiga pa rin ako sa kama habang siya ay nakaupo sa may gilid nito nakatitig parin sa akin.

“kahapon pa ako dumating, wala ka daw… baka gabihin ka daw ng uwi mula Maynila” pagbasag nya sa nakakabinging katahimikan
“a, oo… tuwing sabado lang naman ako nauwi dito sa ngayon”
“tumuloy na ako dito sa kwarto, tulog ka pa daw sabi ng kapatid mo”
“okey lang” akmang tatayo mula sa pagkakahiga
“sorry kung na abala ko ang tulog mo”

Nakaupo na ako katabi ni Jack muli ay nakatitig sa kanyang maamong mukha, tila di makapaniwalang nandito sya ngayon sa aking tabi.

Isang mahigpit na yakap ang ginawad niya sa akin.
“pwede pa ba kitang mayakap ng ganito” ang kanyang tanong
“hinalikan mo na nga ako kanina… yakap pa kaya” gumanti na rin ako ng yakap sa kanyang katawan tila isang musmos na matagal na nawalay sa kanyang magulang… lahat ng pangungulila… lahat ng mga lumipas na araw pinaalpas ko ng sandaling iyon, para sa lalaking batid kong mahal ko pa hanggang sa ngayon.
“bakit ka nandito?”
“ayaw mo ba?”
“hindi sa ganoon, ang ibig kong sabihin…” isang mariin na halik ang iginawad ni jack na tugon, tila muling nanariwa ang lahat-lahat… ang pagkakaibigan… ang pagmamahalan… ang pagiging isa ng aming puso.

Muli lumuha ako sa di maipaliwanag na dahilan, maging si Jack man ay lumuluha na rin ng mga sandaling iyon. Ang bawat luhang umaagos sa aming mga mata ay tila nagaalab, muling pumapaso sa aming mga puso.
Namalayan ko na lamang na katalik ko nang muli ang lalaking unang nagpalasap sa akin ng pag-ibig… kapwa hubo’t hubad na animo’y nagbubuno sa isang paligsahan, armas ay ang kanya-kanyang ari na tila ninanais na maitarak muli sa mga lagusang matagal ng di naarok ng ligaya’t tamis. At muli ilang langgit ang aming naabot… subalit wala pa rin doon ang hinahanap naming dalawa, ang pagtanggap… ang pangunawa… ang katutuhanang… maari pa ba ang pagmamahal namin sa isa’t-isa?
Matapos ay kapwa kami hapong nahiga ni Jack, magkatabi kapwa nakatitig sa kawalan…

“malapit ko ng yakapin ang pagpapari”
“Jack?”
“sa susunod na taon ay nakatakda na akong ordenahan bilang pari”
“bakit nagyari pa ito?”
“dahil hindi ko pa rin maalis sa puso ko na mahal kita!”
“pero hindi na maari Jack…”
“Alagad man ako ng Diyos, ako’y naging alipin naman ng iyong Pag-ibig…”

Parang ayaw ko ng matapos ang sandalin iyon sa aking buhay… kung isang panaginip nga lang sana ang lahat di ko na nanaisin pang gumising, dahil ito ang pinakahihintay kong sandali, sandaling ayaw ko nang matapos… maglaho.
Subalit nakatakda talaga marahil maging pari si Jack, muli siyang bumalik sa seminaryo. Hindi ko ako tumutol ng huli niyang pag-alis… para sa akin tama lang na mas pahalagahan niya ang kanyang bokasyon.
Isang matamis na ala-ala na lamang ang kung ano man ang naganap sa amin.
Sumupa narin ako sa aking sarili na din a muli pang padadarang sa isang pagmamahal na magiging sanhi ng muli niyang pagkakasala kung tuluyan na siyang maging pari.
Masakit ipag-walang bahala ang pag-ibig naming ni Jack sa isa’t-isa… subalit iyon ang nararapat.


Matuling lumipas ang isang taon... ganap ng naging pari si Jack, subalit ako tuluyan kong inilayo ang aking sarili sa kanya... naroroon ako sa kanyang unang misa, subalit di ko magawang lumapit. Batid kong may pag-ibig parin subalit ito na marahil ang tamang dapat gawin ang ipaubaya ang kanyang pag-ibig sa dakilang lumikha.


Isang bulong ng paalam sa isang minamahal...



Tumalikod ako,  humakbang palayo ng simbahan... palayo kay Jack... palayo sa Pag-ibig!






-The End-





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento