Nagsaluno tayo sa malalay at walang siglang pitak ng dalumoy.
Tikom ang aking bibig sa paggitaw ng iyong makalupang katauhan.
Lumalangkap ang aking katawan habang napipinto ang hakbang mo sa
pasinaya ng aking mga rehas.
Humahaginit ang pintig ng dibdib sa pagtatangkang bitbit ng iyong buntong-hininga,
umaasam ng pambihirang ugnayan, pambihirang pagsugpong.
Animo'y
Dahon akong mabilis na itinatangay ng hangin,
sa bawat dagok ng iyong hininga.
sa bawat dagok ng iyong hininga.
Ugat akong palihim na sumusulong sa butil ng palayan,
habang sinisiil ng iyong mga labi ang mga gilid ng aking pagkatao.
habang sinisiil ng iyong mga labi ang mga gilid ng aking pagkatao.
Tubig akong dumadaluyon sa buhawi ng dalampasigan,
noong pinahintulutan mo akong sumuong sa kanlungan ng iyong kaluluwa.
noong pinahintulutan mo akong sumuong sa kanlungan ng iyong kaluluwa.
Bughaw akong pumipinta sa mga sulok ng kalangitan,
kung kailan nagpang-abot ang malalang pagsabog ng magkaibang lagablab.
kung kailan nagpang-abot ang malalang pagsabog ng magkaibang lagablab.
Salaysay akong nasalanta sa pagkaubos ng tanglaw sa himpilan,
nang manatiling malapit ang ating mga katawangtao't kalamnan.
nang manatiling malapit ang ating mga katawangtao't kalamnan.
Sumisilip ang iyong mga mata sa lagusan ng aking paraiso,
hindi mapaglabanan ng pagpikit ang luwalhating lumagom sa anyong nagkahugis.
hindi mapaglabanan ng pagpikit ang luwalhating lumagom sa anyong nagkahugis.
Damang-dama pa rin ang hininga habang ginagalusan ang aking kutis,
habang inililipad ang hibla ng pagnanais.
Mabagsik pa rin ang iyong halimuyak kahit pumapalot ka na sa alapaap,
kahit nagngingitngit ang langit, hindi ka nagpatinag, yumakap ang bakas at kailanma'y hindi naglaho.
Narito ka pa rin…
sa gayak ng mga unan.
sa sutla ng kumot.
sa pagitan ng aking mga daliri.
sa ibabaw ng aking mga labi.
sa durungawan ng aking bintana.
sa pasinaya ng aking pinto.
at sa habag ng aking puso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento