Kinakati akong magsulat ngayon… di ko lang alam why?
So kahit nasa work open ng mga site na paghuhugutan ng inspirations, at syempre… san pa magsisimula kung di sa blogsite ng mga sisters…
Pero eto na… pag open ko ng kanilang mga site, na pa OMG ako dahil sa screen na ito:
Hindi ko kinaya… at hindi ko kakayanin everrrrrrrrr… BAKIT?
Napaisip ako… kung ang mga peg ko malalaswa ako rin kaya...
Open ko nga ang blogsite ko (kaba mode)…
Ayyyy nag-open naman…
Pero hindi pa ring tamang ma-block ang mga sisters ko…
Kailangan kong ireklamo sa admin namin ang kalapastanganang ito…
Of all site… ang mga site pa ng mga ito!
Paglabag ito sa akin human rights!
Sugod ako sa network room namin to talk sa aming system admin…
Kailangan ipamukha ko sa kanya na mali ang kanilang ginawa…
Kakausapin ko sila… kahit pa nose bleed ang katapat!
Knock 3 times…
Enter d’ dragon ang ang lola sa room…
At nag litanya…
Drama mode:
“Anong kababalaghan ang pinag gagawa n’yo dito… at bakit ang mga blogsite na dinadalaw ko ay kailangang ma block sa system… ito na nga lang ang kaligayahan ko… ito lang"… w/matching lupasay on the floor… mala Nura lang… “I did not kill anybody!” o “Hindi baboy ang kapatid ko, my brother is not a pig!”
Ang mga loko tumingin lang sa akin…
Di ko alam kong nadala sa acting ko o nagandahan sa akin?
May nag tanong?
“What? What’s the matter for you?”
Ano daw?????????? Anong sabe?
Ay mga pana nga pala ang mga ito at nasa ibang country ako… kaya pala mabahu!
Sori na, na carried away lang…
“Where is your admin?” mataray na sinabi… naks! English yan w/European accent…
“Their in the back door” ano ulet… mga kuya ha!
Knock 3 times again…
Enter sa door mala tsunami walk…
Haba lang ng hair…
Repeat performance (drama mode)… in English… sa nakatalikod na admin…
Face to face me… face to face me! (karugtong ng drama mode) oh diba… kaya ba nila yan?
At humarap ang admin… nag hubad ng damit…
At nag ayang magtampisaw sa batis ng kaligayahan…
Upang maibsan ang init ng ulo… ng katawan
At sino ako at ang aking katawang lupa para tumanggi… lalo na’t niyaya niya akong magpahinga sa kanyang tabi…
Huminto ang pag-inog ng mundo… tumigil sa pag-awit ang mga ibon… umihip ang malamyos na hangin… dahan-dahan inaagat ang aking long hair… kasabay ng pagsayaw ng aking gown… gown talaga!
Matapos ang mahabang pagtatampisaw sa ligaya… tinanong nya ako…
“What is the problem about the internet connection?”
“Oh! Internet connection?… it’s nothing… I just come to say… that you have a good network security especially with internet sites… Good Job!”
At nag tatakbo ako papalayo… dahil malapit ng mag-alas dose… at muli ako’y magbabalik sa aking tunay na anyo… sa aking pagmamadali ay naiwan ko ang isa kong sapatos…
Hanapin nya kaya ang abang tulad ko?
Mga sisters… sa flat nalang ako mag ba-browse ng mga site nyo… PROMISE!
very funny!
TumugonBurahinhad to read it twice.
: )
Thanks Ers... for the comment!
Burahin