Miyerkules, Pebrero 12, 2014

Kaluluwang Ligaw - ang Kwento




January 3, 2014

Bagong taon bagong Flat…

Dahil mas gusto ko ng tahimik na lugar, kung kaya lumipat ako sa ibang flat… total bagong taon na rin naman mas maganda narin sigurong itaon na sa bagong bahay ako uuwi. Medyo malayo sa pinapasukan ko ang kinuha kong Flat, pero okay lang dahil malapit naman ako sa dagat ilang minutong lakaran lang nandun na ako. Ito naman ang gusto ko makalakad sa tabing dagat sa umaga o di kaya sa hapon.

Sa nilipatan kong flat ay may nakilala akong mag-asawa sina Denice at Cedric, bali nasa 2nd floor sila ako naman ay nasa 3rd floor. Kami lang ang Filipinong nakatira sa flat na iyon.
Nakita lang nila akong nagbubuhat ng ilang mga gamit paakyat sa 3rd floor ng nag-alok sila sa akin ng tulong. Mula doon ay nabuo ang isang pagkakaibigan…


Pareho silang Nurse, kakakasal lang nila noong isang taon. Bali si Denice halos tatlong taon na dito sa Middle East ng mag bakasyon s’ya last year ay nagpakasal sila ni Cedric na boyfriend n’ya since college. Last December lang ng sumunod si Cedric kay Denice, upang dito narin mag hanap ng trabaho. Sa ngayon di pa nakakahanap si Cedric ng trabaho kaya sya muna ang taong bahay.

Naging mabait naman sa akin ang mag-asawa, dahil di rin naman nagkakalayo ang aming edad na nasa late 20’s kung kaya siguro hindi gaanong mahirap ang mapalapit sa kanila.



January 19, 2014

Isang katok sa pinto ang bahagyang gumulat sa akin, alas-sais na noon ng gabi at wala naman akong inaasahang bisita. Tinungo ko ang pinto, ng aking buksan ay tumambad sa akin si Cedric naka-ngiti.

“gandang hapon” ang kanyang bati

“oh, na daan ka…”

“eh, baka nainom ka? Yayain sana kita… may nakuha kasi akong isang bote”

“ah okay, tapusin ko lang itong niluluto ko… pasok ka pala. sorry”

“ano palang niluluto mo?”

“ano pa eh di isda…” sabay tawa

“mukhang masarap yan ah, sa bahay ka na rin kain ng hapunan, bago inom para may kasabay ako”

“kasabay? na saan pala si Denice?”

“pumasok, night duty sya ngayon hangang next week”



Nasa sala kaming dalaw ni Cedric, masayang nagkukwentuhan habang umiinom. Napansin ko na makweto s’ya lalo na’t medyo lasing narin dahil naka kakalahati na rin kami ng aming iniinum na alak.

Sa kalagitnaan ng aming usapan tungkol sa pagsasama nilang mag-asawa ay bigla syang tumayo at pumasok sa kwarto nila, paglabas ay may dala-dalang maliliit na karton, karton ng mga condom…

Inilabas ang ilan… at ipinakita sa akin.

“Alam mo ba ito, ito ang bumabalot kay manoy kapag nag se-sex kami, kesyo hindi pa sya pwedeng mabuntis… di naman daw sya pwedeng mag pills dahil may ilang allergies s’ya sa gamot”

Ramdam ko ang kanyang natatagong emosyon sa kanyang asawa, dati akala ko okay sila matagal ng mag kasintahan, bagong kasal, masaya silang kapwa kasama. Pero sa kabila noon ay may ilang pag-aagam agam din pala si Cedric para kay Denice

Papaubos na ang amin iniinum, pulang pula na rin sya at tila inaatok na rin dahil sa dami marahil ng nainum. Nakasandal sya sa sa sofa, nakatutok ang mata sa TV pero parang blangko ang kanyang mga tingin… doon ko lamang s’ya ganap na napagmasdan maging ang hubog ng kanyang katawan. Dahil kani-kanina lamang ay hinubad nya ang kanyang t-shirt dahil naiinitan.

Lumalalim na ang gabi…




Ang gabing iyon ang simula ng bagong pagtuklas sa aking sarili para sa bagong pag-ibig, isang bagong kabanata sa aking buhay…

Pigilan ko man, subalit tila sabik na muli ang aking puso sa isa na namang relasyon, o kung ano mang maari kong matawag doon.



Isang nag-aalab na halik ang dumampi sa aking labi, nag-aapoy na pagnanasa sa isang sexual na ritual na tila hindi pa n’ya naranasan sa kanyang tanang buhay. Kapwa kami hubo’t hubad sa isang huwad na paraisong parisukat na pinili naming maging tabing upang mapa-alpas namin ang mga natatagong init ng aming katawan.

At muli at may malayang nakapasok sa aking pang likod na lagusang na kay tagal ding di nadalaw ng naghuhumindig na sandata ng isang lalaking uhaw sa pakikipagtalik… ang mismong sandata na makailang ulit ng nag lalabas-masok sa aking likuran ay sya rin kanin’y subo ng aking bibig na tila ba naghihintay ng matamis na likidong kay tagal ko na ring di natikman.


Isang pagdiriwang ang kapwa namin pinagsaluhan, dahil tila-baga amin lang ang gabi.

At malayang gumuhit ang malapot na katas na hudyat ng isang pagtataksil.

Isang mahigpit na yakap…

Isang mariing halik…

Isang pag-idlip matapos ang isa na namang pagtatalik.






January 26, 2014


Maaga akong ginising ng aking alarm clock, 4:30 ng umaga. Kahit alas-otso pa ang aking pasok dali-dali akong bumagon at tinungo ang kusina, upang maghanda ng almusal. Naka-kalahating oras palang akong nasa kusina at nagluluto ng mula sa aking likuran ay may yumakap sa akin ng mahigpit, sabay bulong…


“Felmo alis na ako, maya-maya lang ay darating na ang asawa ko!”




Linggo, Pebrero 2, 2014

BeerDei 9



Naging masaya naman ang muli naming pagsasama ni Ryan… hindi na nga lang kami mag kasama sa iisang flat. Dumadalaw na lamang s’ya sa akin t’wing Lunes ng gabi at Martes na ng hapon ang kanyang uwi… dahil iyon ang kanyang day-off.

Nag paalam narin ako kay Jhomma, at natanggap naman n’ya dahil sa simula pa naman ay alam n’yang mahal ko pa rin si Ryan.

Maayos na sana ang lahat, ang kami ni Ryan… subalit tunay ngang walang lihim na di nabubunyag…

Isang umaga sa school kung saan ako nagtuturo ay dumalaw ang ang tita ni Ryan, gulat ma’y hinarap ko s’ya ng maayos.

Nakiusap s’ya sa akin na tigilan ko na daw si Ryan at kalimutan… dahil pamilyado itong tao. Umiwas na lamang daw ako kay Ryan lalo na’t buntis ang asawa nito sa ikalawa nilang anak… nag banta pa ang kanyang tita na kungdi ko ititigil ang relasyon ko kay Ryan ay irereport n’ya ako sa management ng school… ang aking relasyon sa kapwa ko lalaki.

Hindi ko na inalam kung saan at paano nalaman ng tita ni Ryan ang muli naming relasyon… pero marahil nga ay tama s’ya… pero paano ang aking pag-ibig?

Kinausap ko si Ryan isang Lunes ng gabi ng dumalaw s’ya sa akin. Pero tumanggi s’yang talikuran ang aming relasyon. Pero sinabi kong tama na… dahil naaawa ako sa kanyang asawa at naaawa narin ako sa aking sarili… sa aking sarili na lagi na lamang nakikiamot sa pagmamahal.

Inamin kong mahal ko s’ya at hindi iyon magbabago…

Masama man kapwa ang aming loob pero iyon na marahil ang nararapat naming gawin noon pa. ayaw ko rin namang masira ang aking pangalan,maging si Ryan… kaya pinalaya ko s’ya kahit alam kong masakit ito!


October 16, 2012 6:30 AM

Magising ako sa tunog ng alam clock na nasa side table ng aking kama… pagbaling ko wala na sa aking tabi si Ryan. Kagabi lamang ay kasama ko s’ya at kasalu sa isang maalab na pakikipagtalik… walang ibang iniisip kungdi ang kami lamang… subalit iyon nga rin pala ang Lunes ng gabi ng paalam. Dahil napagkasunduan naming tuldukan na ang aming pagsasama… kung maari ang aming pagmamahal. Hindi madali pero sa pahanong iyon, iyon lamang siguro ang tama… ang dapat.

Isang sulat na nakapatong sa aking laptop ang aking nabasa, ito'y mula kay Ryan... isang video message ang pinatungkulan nito... dali-dali kong binuksan ang laptop at doon ay pinanuod ang iyong video message... ang iyong pagpapaalam! 

Tanging luha ang aking naging sukli sa bawat pag-alala ng ating nakaraan, lalo ng iyong balikan sa iyong minsahe ang lahat... mula ng una tayong mag kakilala at humatong sa isang pagpapaalam...

"Hindi natin hinagad na umibig sa isa't -isa... hindi natin hiniling ang ikaw at ako, pero nagmahalan tayo... isang pagmamahal na babaunin ko habang buhay... PINAKAMAMAHAL KITA BINGS... PAALAM!"  - Ryan –



Lunes ng Gabi...

Maaga akong gumising tulad ng dati, tuwing Martes ng umaga…

Marahan akongtumayo mula sa kama… dahil ayaw kong maistorbo ang iyong pagtulog, dahil alam kong pagod ka at ito lamang ang tanging araw ng iyong pahinga.

Nagluto ako ngalmusal, pati narin ng iyong pananghalian… dahil maiiwan kang mag-isa, ngayong araw sa aking flat…

Matapos kong magluto ay pinuntahan kita sa silid… upang gisingin at yayaing kumain ng almusal…

Subalit malakas na sampal ng katotohanan ang sumalubong sa akin… muli ay lumuha ako!

Niyakap ko ang mga naiwan mong damit… ang iyong unan… ang iyong kumot… ang iyong mga ALA-ALA!

Dahil di ka nanga pala muli pang dadalaw tuwing LUNES ng GABI!
Ba’t hindi nasanay ang aking puso
na di na n'ya mararamdaman ang iyong pagsuyo
ba’t nga ba tuluyan ng lumayo
ang ikaw sa mundo ko… sa aking pagkatao?

Ilang Lunes nggabi pa ba?
ang dapat kung maranasan wala ka
paramapa intindi sa damdamin, sa isip na…
wala ka na… at di na muling darating pa.

at ilang Martes ng umaga ko pa…
mararanasan ang lumuha?
Dahil nga ikaw ay wala… 
Wala sa aking silid… sa aking kama.

Sana’y mapagud na akong maghintay ng lagi sayo
Upang maturuan ko na itong aking puso
Na di na mulipang maghintay sa tulad mo
Na ang pinili… ang minahal ay di lang ako!
Ilang Lunes na gabi paba akongmaghihintay?

Ilang Martes ng umaga paba akong aasa?





Nag resign ako sa school na pinagtuturuan ko sa UAE at lumipat ng ibang bansa… ngayon ay nasa ibang Middle Country na ako, nagtuturo sa isang private college.

Ang pagmamahalan namin ni Ryan ay isa na lamang ala-ala… ISANG MATAMIS NA ALA-ALA.



-The End-

BeerDei 8



Pinilit kong ibaling ang pag-ibig ko sa iba… ilang ulit kong ipinagsiksikan ang aking sarili sa isang relasyon, upang malimot ang isang relasyong nagpabago ng aking pananaw sa salitang pagmamahal.

Humanap ako ng pagsuyong aking lang, akin lang sana… dahil sadyang mahirap ang may kahati sa pagmamahal. Subalit bigo ako, dahil sa puso at isip ay tanging si Ryan lamang ang naruruon.

Ilang relasyon… ilang pagtatalik man ay wala pa ring bumura sa damdaming kay Ryan ko lang inilaan.
“Una s’yang naging akin” ang sigaw ng aking puso, pero hindi s’ya sa akin ng buo… hindi naman s’ya inagaw sa akin… dahil sa kahit saang angulo tingnan, sa ngayon ako ang nakihati!

Masakit isiping kahit naroon ang pag-ibig n’yo saisa’t-isa… hindi kayo maaring maging kayo, hindi kayo pwedeng mag-sama… dahi lbawal, dahil di maari.

Pinutol ko ang ano mang namamagitan sa amin, nag palit ako ng number, diniactivate kona rin ang aking FB account mula ng makatanggap ako ng masasakit na messages mula sa asawa ni Ryan. Lumipat na rin ako ng tirahan dahil nasasakal ako ng mga matatamis na ala-ala naming dalawa. Kasunod ay paglimot…


Akala ko maari ko na s’yang malimutan dahil nakatagpo na ako ng taong magmamahal sa akin sa katauhan ni Jhomma, isang lokal (emirati)… dahil sakabila ng aking pag-amin sa kanya ay nakuha pa rin n’ya akong ibigin. Subalit nagbalik ka… bakit?


May 17, 2012 5:00PM

“Bings!” isang pamilyar na boses ang aking narinig natumatawag sa akin, ayaw kong lumingon dahil para sa akin ay wala dito sa UAE ang taong may tangan na boses na iyon… na s’ya lamang nakakatawag sa akin sa ganoong pangalan.

“Bings!” muli tawag sa akin, sa pagkakataong ito ako’y lumingon.  Si Ryan ang nakita kong papalapit sa aking kinatatayuan.

“Ryan?... Bo… Bongs?”

“Para ka namang naka kita ng multo”

“Kailan ka dumating?”

“kahapon lang… pumunta ako sa flat mo kanina, pero lumipat ka na pala”

“ah, oo”

“Kumusta?”

“ito…”

“buti naman dito ka parin madalas, mamasyal… kaya dito ako pumunta, nagbabakasakaling makita kita dito”

“ikaw… kamusta?”

“ito rin…” kasabay ng mahinang tawa

“dinner tayo…”

Isang masayang hapunan ang sumunod, tila parang walang naganap na masakit na nakaraan… Sumama  s’ya sa bago kong  tinitirhan, dala marahil ng pananabik kung kaya muli ay may naganap sa amin. Muli nag salo kami sa isang pagtatalik, na puno ng pag-ibig… bagaman’t may pag-aalinlangan at may ilan pang katanungan sa aking puso ay nag paubaya ako. Dahil ang katalik ko ay aking minamahal.

Inamin ko kay Ryan ang lahat…  pati ang kasalukuyan kong relasyon kay Jhomma. Subalit sa kabila noon ay naroon pa rin ang kanyang pag-ibig. Nang tanungin ko s’ya tungkol sa kanyang pamilya sa Pilipinas… sila parin, pero sa UAE kami. Hindi ko alam kung muli ay susugal ako, pero nilamon ako ng pagmamahal… pagmamahal ko kay Ryan.




Bakit nawalan ako ng lakas ng loob?
Na labanan ang sigaw ng damdaming puno ng poot…
Bakit muli kitang pinapasok?
Sa akin pinto… sa aking puso at sabawat nitong sulok.

At muli ito ka…
nagsasabing ako’y mahal mo pa
nangangakong ako’y di na muling iiwan
dahil sa piling ko, sabi mo naroonang kaligayahan

Ayaw kitang paniwalaan…
ni ayaw kong ikaw ay pakinggan
subalit yakap na kita muli ng kayhigpit
labi ko ay siil na nang iyong mgahalik

Muli sa parihaba kong mundo ikaw ay nagbabalik
kasinungalingang sabihing ako sayo’y di nasabik
dahil walang araw na di ko man lang ninais…
ang sandaling ito… ang makapilingka… yakap ng iyong bisig

Ngunit sa pagkakataong ito ay ayaw kong labis na umasa…
dahil ayaw kong masaktang muli ng sobra…
sapagkat di ko kakayaning muling magdamdam ng dahil sayo
at ng pag-ibig mong… ang nagmamay-ari ay di lang ako!










- "Mahal mo pa ba ako?"

- "Walang sandaling hindi kitaMinahal!"




-itutuloy-

BeerDei 7



January , 2010 ng dumating ako sa UAE, para makipagsapalaran sa ibang bansa bilang IT instructor… nag resign ako sa dati kong trabaho para narin makapiling ang lalaking labis kong minahal, kahit pa may asawa’t anak na s’ya.

Alam kong mali ang kung ano mang meron sa amin ni Ryan, subalit sadya yatang ganoon pag nagmamahal ka. Naging maayos naman ang pagsasama namin ni Ryan sa UAE… nag sama kami sa iisang flat bilangmag-partner, mag asawa?

Mas lalo pa s’yang napamahal sa akin… hindi din n’ya kinakalimutan ang kanyang obligasyon sa kanyang asawa’t anak sa Pilipinas. Magkatuwang naming inalalayan ang kanyang mag-ina, wala akong hinihinging kapalit ano man mula sa kanya. Kahit ilang ulit nyang sinabing makikipaghiwalay na lang s’ya sa kanyang asawa’y hindi ako pumayad, dahil sa aking palagay ay mas tamang lumaki ang kanyang anak na may kinikilala ama. Masakit man, lalo na sa t’wing tatawag ang kanyang asawa… sa t’wing tuwang-tuwa s’yang nakikita ang kanyang anak, pero sino ba ako… ano nga ba ako sa buhay n’ya para ipagdamot ang nararapat lamang para sa kanya.

Dalawang taon… dalawang mahahabang taon kaming nalunod sa galak na dulot ang lihim naming pag-ibig, na halos nalimutan kong ako pala ang s’ya itong nanghihiram lamang ng pagmamahal mula sa iba.



November 2011

Nakatakdang mag bakasyon sa Pilipinas ni Ryan… kahit naging akin s’ya ng halos dalawang taon, ay parang may kurot parin sa aking puso dahil nga uuwi s’ya sa tunay nya’ng asawa. Pero hinanda ko naman ang aking sarili sa mga ganitong pagkakataon. Dahil alam ko darating ang panahong kakailanganin s’ya ng kanyang mag-ina.

At naganap nga ang lahat…


December  19, 2011

Ito dapat ang petsa ng pagbabalik sa UAE ni Ryan, subalit isang tawag ang natanggap ko mula sa kanya. Hindi na daw muna sya makakabalik dahil gusto n’ya pa daw makapiling ang kanyang anak, at gusto naman daw yang maranasan muli ang pasko sa Pilipinas. Masakit, dahil nakaplano na ako… kami... na kami muli sa araw ng pasko, at dahil pamilya nya ang dahilan… wala naman akong magagawa kundi ang magpalaya…


December 23, 2011

Isa muling tawag na tuluyang nag-paguho sa aking mundo:

“Bings, I’m so sorry… di na ako makakabalik sa UAE… alam na ni Rachel ang tungkol sa atin, kailangan ako ng pamilya ko… ng anak ko… sorry talaga!”

Mga huling salitang aking narinig mula sa kabilang linyang ng cp… isang sampal na paalam mula kay Ryan. Ang tita ni Ryan ang nagsabi ng lahat kay Rachel, ang tungkol sa pagsasama naming sa UAE ang lahat… ilang larawan na lihim naming ikinubli sa lahat ng aming mga kakilala’t kaibigan ang s’yang magiging patunay ng aming pagsisinungaling at kataksilan.

Ayaw daw n’yang mawala sa kanya ang kanyang anak… wala naakong magagawa pa… ako ang kalaguyo akin ang pagdurusa.

Alam kong minahal ako ni Ryan, subalit hanggang doon nalang talaga siguro ang aming pag-ibig.

Sinubukan ko syang kalimutan… subalit sadyang di madali.






-itutuloy-