Thanks for the times
That you've given me
The memories are all in my mind
And now that we've come
To the end of our rainbow
There's something
I must say out loud…
Linya sa awit ni Lionel Richie na pinapakinggan ko gamit ang headset na nakakabit sa aking cellphone, habang nakasakay sa bangkang magtatawid sa akin sa bayan mula sa isang isla ng Quezon Province. Tinatanaw ko ang pantalan na kanina lang ay aking kinatatayuan. Naroroon pa rin si Marlo, subalit unti-unti ay lumiliit siya sa aking paningin… hanggang ang mga alon na lamang ang syang kapiling ng aking mga mata…
“Pakinggan mo ang kantang ito mamaya pag nasa bangka ka na”
Bilin ni Marlo sa akin habang naglalakad kami papunta sa bangkang maghahatid sa akin patawin ng isla. Hawak niya noon ang aking cellphone, nasa listahan ng mga awiting nakapaloob sa music menu.
Isang linggo din akong nagbakasyon sa isla, mula na rin sa paanyaya ni Marlo dahil doon na pinili ng kanyang mga magulang na manirahan. Nagpapagaling mula sa isang malubhang karamdaman ang kanyang ama kung kaya mas minarapat ng kanyang ina na doon na lamang mamalagi sa isla. Habang si Marlo naman ang siyang pangsamantalang tutulong sa kanyang mga magulang kaya hindi muna sya mag-aaral sa kolehiyo. Kaklase ko si Marlo sa high school, isang malapit na kaibigan.
Hindi ko pansin noon si Marlo, bagama’t matagal narin kaming magkakilala. Dahil na rin marahil iba naman ang gusto ko. Pero kung may problema ako, siya ang nakakaramay ko, kakwentuhan’t tagapayo. Kung siya naman ang may sulirahain, agad akong naroon para sa kanya. Marahil nga ay magkaibigan lang kami pero nitong huling mga araw na pamamalagi ko sa kanila, doon ko lang napagtanto maari ko rin palang magustuhan si Marlo. Pero nagtatalo ang aking isip, baka naman ngayon lamang ito dahil wala na ang lalaking una kung minahal
Hindi lingid sa kaalaman ni Marlo ang tunay kong pagkatao, halos lahat na ata ng tungkol sa buhay ko alam nya. Subalit hindi ito hadlang para iwasan nya ako’t talikuran, bagkus ay mas napalapit pa sya sa akin.
Dapit hapon noon, nakaupo kaming pareho sa mga malalaking bato sa may dalampasigan. Pinapanood ang mga ibon sa tabing dagat, ang mga along humahampas sa mga bato’t pagtilansik nito sa amin. Sadyang hinihintay namin ang paglubog ng araw ng mga sandaling iyon. Kwentuhan, tawanan at asaran tila inuubos namin ang mga nalalabing oras, dahil kinabukasan noon ay uuwi na ako. Subalit tila sadyang ayaw ata pakita ng araw, makapal ang ulap… nagbabadya ng ulan.
Walang ano-ano’y tinanong ako ni Marlo...
“Ano para sayo ang kalayaan”
“Ano?”
“Kalayaan, freedom ba”
“ah! Kalsada sa Makati”
“Sira! Hindi nga seryoso”
“Ikaw naman dina mabiro… isa lang naman ang ibig sabihin ng kalayaan sa akin, iyong hayaan ako, ang tulad namin sa damdaming amin naramdaman… ‘yon bang hindi kami huhusgahan dahil ganito kami”
"Napaisip siya ng matagal… walang imik.
“bakit mo ba natanong… para sayo ano ba ang kalayaan”
Matagal-tagal ding nag-isip si Marlo, habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya naghihintay ng kanyang sagot.
“Ako simple lang, makaligo lang ako ng hubo’t hubad sa ulan”
Natawa ako sa kanyang nabanggit, na nagpakunot ng kanyang noo. Doon ko lang ganap na napansing mas gwapo pala sya sa ganoong reaksyon.
“O, bakit ka na tawa? May nakita ka na bang naligo ng hubo’t hubad sa ulan, maliban sa mga batang paslit”
“Wala pa” ang agad ko namang sagot, dahil sino nga ba ang maliligo ng hubad sa ulan, lalo na sa edad naming kapwa labing-anim.
“Kaya nga iyon ang gusto ko, parang masaya lang… ung walang makikialam o papansin sayo habang nagtatakbo’t naglulundag ka habang naliligo sa ulan”
“Sana umulan na! para makita kitang hubad” biro ko sa kanya
“Loko mo, hindi naman kailangan umulan pa para makita mo akong hubad… sabihin mo lang pwede naman” ganti nya sa akin, kasunod ng isang makahulugang ngiti…”
Tila namula ako sa kanyang isinagot, para makaiwas ay inaya ko na lamang siyang umuwi dahil hindi na marahil namin masasaksihan ang paglubog ng araw ng hapong iyon.
Pagdating namin sa bahay nila ay naghain na ang kanyang ina ng hapunan, habang naghahapunana ay masaya kaming nagkukwentohan kasama ng kanyang mga magulang.
Matapos kumain ay pumunta na ako ng kwarto at inihanda na ang mga damit ko pauwi kinabukasan. Pumasok na rin si Marlo sa kwarto at habang nag-iimpake ako’y nagkakwentuhan pa uli kami. Malalim na ang gabi ng mapagkasunduan naming matulog, malamig ang gabi, dala na rin ng panaka-nakang ulan… nasa sahig lamang kami kapwa natutulog ni Marlo… magkatabi.
Mga ilang oras na rin siguro akong natutulog ng maalimpungatan ako’t nilamig, na lislis kasi ang aking kumot. Hihilahin ko na lamang ito’t italukbong sa aking katawan ng mapansin kong wala si Marlo sa tabi ko, isip-isip ko’y baka nagbanyo lamang. nang mga sandaling iyon ay makaramdan ako ng pagka-ihi kaya tumayo na rin ako’t pumunta sa banyo, pero wala doon si Marlo.
Napansin kong bukas ang pinto ng kanilang kusina, may daan doon palabas ng kanilang bahay. Bahagya itong nakabukas dahil narin marahil sa hanggin, malakas kasi noon ang ulan. Sa pag-aakalang nalimutan lamang itong isara kanina ay nagpasya akong isirado na lamang ang pinto. Isisira ko na lang ang pinto ng nakita ko si Marlo nagtatatakbo sa labas ng kanilang bahay, naliligo sa ulan… hubo’t hubad!
Napako ang aking tingin sa kanya habang siya’y nagtatatakbo’t naglulundag. Bahagya siyang napalayo sa bahay kung kaya di ko maaninag... ang mga pailan-ilang kidlat na lamang ang syang nagpapanumbalik ng kanyang kabuohan sa aking paningin.
Pinagsawa ko ang aking paningin sa kanyang hubad na katawan, kahit pa kailangan pang mag guhit ng liwanag ang langgit bago ko ito mamasada. Maya-maya pa'y na patingin sa kinatatayuan ko si Marlo ay dahil marahil nakita niya ako ay lumapit sya sa akin, gusto ko man tumalikod ay di ko magawa. Nasa harapan ko na sya at niyayaya akong maligo sa ulan. Walang pagtutul ay dagli kong hinubad ang aking damit at kapwa hubo’t hubad kaming nagtatatakbo na animo’y mga bata sa ulan.
Kung kaylan naman ako nabasa ay doon naman ako nag-init dala na rin marahil ng kahubdan ni Marlo… Hawak kamay naming tinungo ang buhanginan, mga ilang metro lang naman ang layo ng karagatan sa tahanan nila Marlo. Maya-maya pa’y tumigil kaming panandali sa amin pagtakbo, pagtalo’t pagsigaw. Magkaharap kami na tila inaaninag ang mukha ng bawat isa, dahil nga tanging ang pangilan-ngilang kidlat lamang ang nagsisilbi naming tanglaw ng mga oras na iyon.
Hiyakap ako ni Marlo ng kay higpit, na syang lalo pang nagdagdag ng init sa akin. Ang bawat patak ng ulan ay animo'y naging usok sa bawat pagdampi nito sa aming mga katawan.
Inaya ako ni Marlo sa gawing pang-pang, kung saan naroroon ang mga bangkang nakataob sa tukod nitong kawayan upang ito ay maiangat mula sa buhangi. Marami-rami ring bangka ang naroroon dahil na rin marahil sa walang nangahas mangisda ngayong gabi dahil sa sama ng panahon. sumilong kami sa isa sa mga bangkang naroroon, hinila ni Marlo ang luna na nakatakip sa bangka at iyon ang nagsilbing naming sapin sa buhangin.
Habang umuulan doon namin pinaalpas ang mga kimkim na damdamin sa bawat isa. Ang bawat ungol at daing ay tila binabasag naman ng kulog at ng mga along humahampas sa dalampasigan, habang ang bawat pag-guhit ng kidlat ay ang siyang nagpapasilip sa langit ng iba’t ibang posisyon na aming pinaggagawa habang pinagsasaluhan ang kalayaan…
Umaga, maambon pa rin. Gising na ako pero si Marlo ay hinbing pa rin sa pagtulog. Inaya na ako ng nanay ni Marlo na mag-agahan habang siya naman ay ginising na rin ng kanyang ina. Nasa hapagkainan kami’y wala kaming kibo sa isa’t isa. Kapwa lamang kami tahimik na kumakain.
“Utoy, kong sakaling di umaraw ngayon ay bukas ka na lamang umuwi, dilikado kasing bumyahe sa dagat ng maulan” sabi ang nanay ni Marlo.
“Ganoon po ba”
“Okey lang yon, para mas tumagal ka pa dito sa isla” sabat ni Marlon a tila nakahanap ng sasabihin mula sa di pagkibo kanina
“Enrollment na kaya bukas, kaya sana makauwi ako ngayon”
“OO nga pala ano” tugon ni Marlo na bahagyang nalungkot
“Hamo’t hintay hitayin na lamang natin ang pag tila ng ulan, may byahe pa naman ng alas-dyes” pangpalakas na loob na sabi ng nanay ni Marlo
Pero kong ako ang tatanungin, sana di nalang tumigil ang ulan para dito na lamang ako sa isla kasama si Marlo
Alas-nuebe ay tumigil ng tuluyan ang pag-ambon at mula sa bintana ng kwarto ay natanaw ko ang bahag-hari. Kung noon bata ako ay tuwang-tuwa akong nakakakita nito ngayon ay nagdudulot ito ng lungkot sa akin.
Ginayak ko na ang aking sarili, uuwi na ako…
Matapos makapagpaalam sa magulang ni Marlo ay agad naming tinahak ang daan papunta ng pantalan… habang nasa daan ay wala na namang imik si Marlo kaya ako na ang naglakas loob na kausapin sya.
“Paano yan, eh di sa susunod na taon na uli tayo magkikita” sabi ko, pero bahagya lamang siyang tumingin sa akin.
“Marlo, salamat sa pag-iimbita mo sa akin dito… salamat sa lahat”
“Walang ano man ‘yon, ikaw pa…” pilit niyang sagot
“Pwede bang maging tayo?” pahabol nyang tanong sa akin na nagpakaba sa aking dibdib.
“Marlo?”
“Kung pwede lang naman”
“Kung naging babae lamang sana ako Marlo”
“Bakit, noong kayo ba ni Jack babae ka?” hindi ako nakaimik sa tanong na iyon sa akin
“Kung ano ang nararamdaman mo, iyon ka… iyon ang pagkatao mo. Wag mong sabihin hindi ka babae dahil para sa akin mas higit kapa sa isang babae…” pahabol pa niyang pahayag…
You're once, twice
Three times a lady
Yes you're once twice
Three times a lady
And I love you…
Maalon ang dagat subalit para sa akin ay tila isinasayaw ako nito… parang tulad kanina habang pinapakingang ko ang mga huling sinabi sa akin ni Marlo…
“Ilang ulit mo ng pinatunayan sa akin na higit kapa sa isang babae… una, dahil hindi mo ako inabuso kahit ilang ulit kanang nagkaroon ng pagkakataon… ikalawa’y, sa bawat pagdamay mo sa aking suliranin… ang huli, dahil ikaw ay ikaw… Sana bago mawala ang signal ng cellphone mo pag nasa laot ka na’y masabi mo sa akin kong ano ang tugon mo sa aking hiling… na maging tayo”
Napatingin ako sa aking cellphone, one bar nalang ang network signal…
i-titext ko si Marlo…
-The End -
Hindi ang kasarian mo ang siyang mahalaga sa akin, kundi ikaw... ikaw lang!
-Marlo-