Linggo, Enero 22, 2012

Dirham




Sa isang sulok nang aking mata ikaw ay nasipat.

Napatitig sayo habang ikaw sa ay papalapit... naglalakad…

maya-maya pa’y nasa tapat.

Sumulyap ka ng saglit, ako’y nilampasan.

Isa ka marahil na tulad nang iba na aking nakita, dumaan.

Pinag-patuloy ko ang pag inom ng kape’t

pagkain ng cake na tsokolate.

Mula sa likod nakarinig ng “how are you”

paglingon ko ikaw ang nakatayo.

“I’m fine” lang ang sagot ko.

Umupo ka sa tapat ko, nagtanong  “do you like me?”

di ako nakakibo, natameme…

Inilabas mo ang iyong pitaka… *Dirham iyong ipinakita

ako naman ay natulala, sa tinuran mo’y napailing… namutla…

Dirham mong tangan iyo pang dinagdagan,

“do you want this?” muli mong katanungan.

Napatingin ako sayo, tinitigan mo ako.

Paano ko ba sasabihing katawan mo ang nais na katalik ko

at di ang salapi mo… maintindihan mo nga kaya ako?

Tumayo ka, lumakad papalayo…


Sa likod mo…





nakasunod ako!





*Dirham: (Arabic: درهم‎) (sign: د.إ; code: AED) is the currency of the United Arab Emirates. The ISO 4217 code (currency abbreviation) for the United Arab Emirates dirham is AED. Unofficial abbreviations include DH or Dhs. The dirham is subdivided into 100 fils (فلس).

2 komento: