Sabado, Abril 21, 2012

Ang PUSO...



ang larawan ay may pahintulot ni Harold Anderson ng FB

 

Ang PUSO…

Paano kita malilimutan? Pangkaraniwang tanong ng pusong minsan ay dumanas ng pighati, kalungkutan at pag-babaliwala. Bakit nga ba kasi kay hirap lumimot sa taong minsan nating minahal, o baka naman laging minamahal?

Ang puso kasi ay di agad nakakalimot at di rin agad nag-aalis ng isang damdamin na kanyang nasumpungan, na kahit alam nyang di na siya mahal ng taong mahal nya ay patuloy parin s’yang aasa na balang araw… may magbabalik… at may muling kakatok sa kanyang puso… ang taong pinaglaanan nya ng kanyang pag-ibig. Kahit pa ang taong ito ay ang mismong taong sumugat sa kanya.

Lagi na, nasasabi ng ganito sa puso ang mga salitang: Baliw… Hibang… Bulag… Manhid… Martir… ah ano paba… Tanga… minsan kahit na gustohin man ng puso na kumawala sa nakaraan patuloy parin syang nakikipaglaban para sa isang pag-ibig… na minsan ay napasakanya!

At habang na sa ganoong sitwasyon ang puso, may bagong pag-ibig na dumarating. Ngunit mapapansin nga ba? Minsan kasi, ayaw ng puso na muling mag-mahal dahil sa mas nais pa nito ang dating pag-ibig. Kahit pa hindi naman ito nagdulot ng tuwa, bagkus ay pait. Dahil marahil naroroon parin ang minsan isang pagtinging iniukol sa kapwa nya puso.

Sa tagpong ito sino ang pipiliin? Ang dating umaakupa sa puso o ang nangangako ng bagong pagmamahal. Ang nakakatakot sa ganitong pangyayari iyong dating pag-ibig pa ang nagtatagumpay. Bakit nga ba kasi ang puso ay tila mas nais pang-manatiling nasasaktan? kaysa umasa sa isa na naman pangako. Dahil marahil nadadala ang puso, pero hindi sya marunong lumimot ng agad. At ilang pasakit nga ba ang kailangan upang masabi ng puso ang mga katagang: tama na… sobra na… ayaw ko na… Pero minsan magulo parin, ayaw ng mag-mahal ng iba. Dahil mahal parin ang nauna, na sa piling niya ngayon ay wala!

Kung minsan naman iba ang nagaganap, meron pang minamahal pero nagagawa pa ring mag-mahal ng iba. Ung tipong “Sana dalawa ang puso ko”… sa ganitong sitwasyon naman paano ba namimili ang puso? Ang bagong pag-ibig o ang dating pagsinta? Hindi nga kasi natin natatagpuan ang lahat ng katangiang gusto natin sa iisang tao lang. Kung kaya minsan akala natin mahal na natin, iyon pala may iba pa… “kung naghintay ka lang sana puso”… Ano nga ba talaga ang nararapat para sa pusong nagmamahal? Isang kapwa puso na umiibig, nagpapaligaya o ung nakakapag dulot ng pag-asa.

May mga puso namang kung bansagan ay mapaglaro… dahil sa dinami-dami ng kanyang minahal, ni isa walang tumagal… mapag-hanap… kung minsan tuloy kay raming nasasaktan. Ngunit gusto nga kaya ito ng puso? O sadyang di lang talaga nya natatagpuan ang isang kapwa puso na talagang nais nyang pag-alayan ng kanyang kabuohan.

Ang hirap kasi nito, ang puso ay hindi nag bigay ng panuntunan kung ano… sino… at kailan… basta gusto gagawin, pag-ayaw lilisan… Ano’t ano paman, ang tamang kasagutan ay puso lang talaga ang nakakaalam. Dahil ang puso ay di kaylanman nagkamali. Dahil ang tangi niya lamang alam ay magmahal. Naging hindi lang ayon minsan sa kanyang desisyon ang mga kaganapan, kung kaya minsan sya ay nagdurugo… nasasaktan…

Ang batas kasi ng pag-ibig ay magmahal lang ng walang hinihinging kapalit… iyon ang alam ng puso, at wala ng iba pa.

IKAW HANDA KA BANG MAGMAHAL KAHIT MASAKTAN?

O HANDA KA BANG MASAKTAN MAKAPAGMAHAL LANG?







- | - | -





Mula sa panulat ni Lemmor mula sa filipinowriter.com
http://www.filipinowriter.com/ang-puso 






Lunes, Abril 16, 2012

Reincarnation

Reincarnation:



What?



Wala lang… naisip ko lang… ohhh dibha! Naiisip din ako…



Na naginip kasi ako kagabi… sa panaginip ko may isang taong puting-puti na nagtatanong sa akin, na kung sakali sa kabilang buhay ano daw ang gusto kong maging… as in reincarnation…



Syempre ang sagot ko agad:



Angelina Jolie pwede na… ikaw ng may Brad Pitt… chozi ka pa ba?



Pero pinahihirapan ako ng fairy godmother ko… parang Bb. Pilipinas QnA lang… di daw pwede tao… kung di hayop…


Ayyyyyyyy may ganun? Hayop naman ako ah… hayyyyop sa ganda…


Side, side, wiggle, wiggle… stop look sa sky and pose… (dance step to mala emotional dancer)



Nadagukan tuloy ako… "ano ba serious ang tanong ko" sabi ng nasa panaginip ko…



Ang sakit ah!



Isip na naman ako… dalawang beses na ito ha… at nag-isip talaga…



Hayop as in animal… well pwede naman akong maging…


Aso…


oh dibha... ang cute...  O kaya maging dog…


 Haba lang ng hair....  Puppy kaya…



Or iro… pwede rin pabo on the right o kaya naman ibon on the left... pero ayaw kong nakakulog... sige iro na talaga...

Pero di ko bet maging cat sa ngayon… and please don't ask me why...





After ng mahabang pag-iisip…. Mga 365 and ¼ days lang naman...



Ahhhhhhhhhhh



Pugita kaya…


 Pwede!



At dahil wala pa rin akong napili… sa pagkainip umalis ang fairy godmother… babalik daw after a century…

Ganun… tanda ko na noon ah… isang century plus my age now… mga 116 year old na ako nun… (wala sanang kumontra) ang kumontra magiging ipis sa next life nya… haha (tamang tawa lang….)



Pero sadya talagang mahirap mag decide sometimes…

Lalo na’t it’s a matter of life and death…

Sino ba naman ang nagnanais na iwan ang kanyang katawan-lupa at ipagpalit sa animal…

Like in my case… sino ako para pakawalan ang aking alindog?


Hayyyy! Ang life talaga… sometimes it’s Hard!



Parang ganito lang…



Papipiliin ka kung sino sa kanilla ang gusto mo, as in isa lang… for 2days and 3nights together in a remote island… with complete amenities'  for free!



Baka abutin ako ng leap year kakaisip.... 



Biyernes, Abril 13, 2012

BlogSite2

Pati ba naman ito?









Hindi kaya gusto lang akong pabalikin nang admin namin?

At muling magtampisaw sa batis ng kaligayahan?

remember:




Pwes hindi ako magpapadala sa sandaling ito…

hindi ako magpapayaya sa batis ng kaligayahan…

dapat din akong manindigan

para sa aking mga karapatan…

dapat na akong mamili…

ang aking mga kaphatids… o ang minsang kaligayahan…


Ay…

Ang hirap ah!

parang subject na math lang…

na hindi ko man lang naranasang maka dos…



Pero marupok ako… na nadadarang lamang sa tawag ng laman…

kaya…

Ako naman kaya ang magyayaya this time…

sayang din naman nho!



Bakit kasi may mga restriction pa?

Bakit kasi minsan unfair ang life…

Bakit kung ano ang nagpapaligaya sa iyo

Iyon naman ang ipagkakait sayo…

Oh why…  oh why?



But wait, there’s more… ano pa nga pa ang inaangal ko…

kung ang kapalit naman ng mga ito

ay ito…







Oh diba nag-ahit pa ang admin namin…

Nakikiliti kasi ako…

Kiliting kiliti…

Parang ganito lang:





UU kiliting-kiliti na ako nyan… parang Celena lang

May kamera nho… ang poise!





Mga sisters…

Hope you understand…



Sa work ko lang naman hindi na a-access

Ang blogsite nyo…

Pero sa hauz ko pwede naman… PROMISE!






Martes, Abril 10, 2012

BlogSite...

Kinakati akong magsulat ngayon… di ko lang alam why?

So kahit nasa work open ng mga site na paghuhugutan ng inspirations, at syempre… san pa magsisimula kung di sa blogsite ng mga sisters…

Pero eto na… pag open ko ng kanilang mga site, na pa OMG ako dahil sa screen na ito:



Hindi ko kinaya… at hindi ko kakayanin everrrrrrrrr… BAKIT?

Napaisip ako… kung ang mga peg ko malalaswa ako rin kaya...

Open ko nga ang blogsite ko (kaba mode)…

Ayyyy nag-open naman…



Pero hindi pa ring tamang ma-block ang mga sisters ko…

Kailangan kong ireklamo sa admin namin ang kalapastanganang ito…

Of all site… ang mga site pa ng mga ito!

Paglabag ito sa akin human rights!



Sugod ako sa network room namin to talk sa aming system admin…

Kailangan ipamukha ko sa kanya na mali ang kanilang ginawa…

Kakausapin ko sila… kahit pa nose bleed ang katapat!



Knock 3 times…

Enter d’ dragon ang ang lola sa room…

At nag litanya…



Drama mode:

“Anong kababalaghan ang pinag gagawa n’yo dito… at bakit ang mga blogsite na dinadalaw ko ay kailangang ma block sa system… ito na nga lang ang kaligayahan ko… ito lang"… w/matching lupasay on the floor… mala Nura lang… “I did not kill anybody!” o “Hindi baboy ang kapatid ko, my brother is not a pig!”

Ang mga loko tumingin lang sa akin…

Di ko alam kong nadala sa acting ko o nagandahan sa akin?



May nag tanong?

“What? What’s the matter for you?”

Ano daw?????????? Anong sabe?



Ay mga pana nga pala ang mga ito at nasa ibang country ako… kaya pala mabahu!



Sori na, na carried away lang…

“Where is your admin?” mataray na sinabi… naks! English yan w/European accent…

“Their in the back door” ano ulet… mga kuya ha!



Knock 3 times again…

Enter sa door mala tsunami walk…

Haba lang ng hair…


Repeat performance (drama mode)… in English… sa nakatalikod na admin…

Face to face me… face to face me! (karugtong ng drama mode) oh diba… kaya ba nila yan?

At humarap ang admin… nag hubad ng damit…


At nag ayang magtampisaw sa batis ng kaligayahan…


Upang maibsan ang init ng ulo… ng katawan


At sino ako at ang aking katawang lupa para tumanggi… lalo na’t niyaya niya akong magpahinga sa kanyang tabi…


Huminto ang pag-inog ng mundo… tumigil sa pag-awit ang mga ibon… umihip ang malamyos na hangin… dahan-dahan inaagat ang aking long hair… kasabay ng pagsayaw ng aking gown… gown talaga!



Matapos ang mahabang pagtatampisaw sa ligaya… tinanong nya ako…


“What is the problem about the internet connection?”



“Oh! Internet connection?… it’s nothing… I just come to say… that you have a good network security especially with internet sites… Good Job!”



At nag tatakbo ako papalayo… dahil malapit ng mag-alas dose… at muli ako’y magbabalik sa aking tunay na anyo… sa aking pagmamadali ay naiwan ko ang isa kong sapatos…



Hanapin nya kaya ang abang tulad ko?







Mga sisters… sa flat nalang ako mag ba-browse ng mga site nyo… PROMISE!











Sabado, Abril 7, 2012

Mickey




Sa Disneyland doon kita unang nakita
muli ay bumalik sa aking pagkabata…
niyakap ka ng mahigpit
di bumitaw sa pagkakapit…

Ilang araw din akong naging masaya
bawat lumbay ay di inalintana
dahil nga kapiling kita
sa kaharian mong kay ganda…

Sa aking pag-alis…
luha sa mata’y tumalilis
hindi ko natiis
ang lisanin ka ng kay bilis…



At ngayon muli kitang nakita… namasadan
hindi sa kaharian, kundi sa isang katawan
sa dalampasigan ng aking pag-iisa
muli nagdulot ka sa akin ng ligaya…

Lumapit ako upang mas matunghayan ka
isang ngiti ang ganti ng sayo ngayo’y nagdadala
sa pagkakataon ito bay magiging akin kana?
sa sarili kong mundo’y maiuuwi ba kita?

At di nga ako nabigo
muli umusbong ang isang pagsuyo…
ngayon nga’y masasabi kong akin kana
may bunos pang dala-dala!




I LOVE YOU MICKEY!