Linggo, Oktubre 21, 2012

Lunes ng Gabi...

Maaga akong gumising tulad ng dati, tuwing Martes ng umaga…

Marahan akong tumayo mula sa kama… dahil ayaw kong maistorbo ang iyong pagtulog, dahil alam kong pagod ka at ito lamang ang tanging araw ng iyong pahinga.
Nagluto ako ng almusal, pati narin ng iyong pananghalian… dahil maiiwan kang mag-isa, ngayong araw sa aking flat…

Matapos kong magluto ay pinuntahan kita sa silid… upang gisingin at yayaing kumain ng almusal…

Subalit malakas na sampal ng katotohanan ang sumalubong sa akin… muli ay lumuha ako!

Niyakap ko ang mga naiwan mong damit… ang iyong unan… ang iyong kumot… ang iyong mga ALA-ALA!

Dahil di ka na nga pala muli pang dadalaw tuwing LUNES ng GABI!

Photo courtasy of an FB Friend 


Ba’t hindi nasanay ang aking puso
na di na nya mararamdaman ang iyong pagsuyo
ba’t nga ba tuluyan ng lumayo
ang ikaw sa mundo ko… sa aking pagkatao?

Ilang Lunes ng gabi pa ba?
ang dapat kung maranasan wala ka
para mapaintindi sa damdamin, sa isip na…
wala ka na… at dina muling darating pa.

at ilang Martes ng umaga ko pa…
mararanasan ang lumuha?
Dahil nga ikaw ay wala…
Wala sa aking silid… sa aking kama.

Sana’y mapagud na akong maghintay ng lagi sayo
Upang maturuan ko na itong aking puso
Na di na muli pang maghintay sa tulad mo
Na ang pinili… ang minahal ay di ako!


Ilang Lunes na gabi paba akong maghihintay?

Ilang Martes ng umaga paba akong aasa?

Lunes, Setyembre 10, 2012

Pag-amin...

-Kwento sa likod ng Pagliban-


 
 
 
Thursday   August 16, 2012

 

Kalalapag palang ng eroplanong aking sinakyan mula UAE papuntang Kuwait. Atubili na ang lahat sa kani-kanilang gamit naghahada sa pagbaba mula sa eroplano, subalit ako tila walang kabalak-balak. Tila namanhid ang buo kung karawan… para akong iniwan ng aking katinuan, saglit pa’y mas ninais ko ng bumalik sa UAE… pero narito na lang din lang ako, kung kaya tinanggap ko na lamang sa aking sarili na ito na marahil ang matagal ko ng dapat ginawa.

Ako ang huling pasaherong tumayo sa aking upuan at ako rin ang kahulihulihang lumabas… dahil mas gusto ko pang tumagal kahit na kunti pa ang muli naming pagkikita ng aking Ama!

“kumusta ang byahe?” salubong na tanong ng aking itay ng magkita kami sa arrival area ng airport, sabay akbay at kuha ng isa sa bitbit kong bag.

“okey naman po…”

“nasa labas nga pala ang tita Flor mo”

Tinungo namig ang car park habang naglalakad ay kay dami ng kwento nang aking ama, subalit tila wala akong naintindihan sa ano mang sinabi nya… parang sirado pa rin ang aking pangdinig sa kung ano pa mang  sasabihin nya.

Pero bakit nga ba ako nandito? Diba para narin mabuo ang ang aking pagkatao… at para narin makaharap at matuldukan na ang matagal-tagal narin galit at tampo ko sa aking ama.

Habang bumabyahe kami pabalik sa bahay ni itay, pinagmamasdan ko ang buong paligid… iilang sasakyan lamang ang makikita sa daan…marahil dahil ala-una ng hapon noon at di pa rin natatapos ang Ramadan, kung kaya ko nga rin pinili na pumunta ng Kuwait sa petsang malapit ng mag Eid para naman makapamasyal ng maayos at makakain sa oras na gustuhin ko.

Narating namin ang bahay, sinalubong ako ng dalawang bata… niyakap… tinawag na kuya… mga kapatid ko sila sa ama. Di nalalayo ang mga mukha nila sa dalawa kung nakakabatang kapatid noong mga bata pa sila. Magiliw ko naman silang kinausap… lukso ng dugo baga.

Naghain agad ng makakin ang Tita Flor, ako naman ay abala sa pakikipag-usap sa dalawang bata si Danica 3 yrs old at Dave 7 yrs old na kahawig na kahawig ni Archie, nakakabata kong kapatid. Bibo ang mga bata at marami ding kwento… English kung English ang usapan… pero wala namang nose bleed na naganap.

Isang masayang tanghalian ang naganap, naranasan ko muling magkaroon ng pamilya… dahil mayroon akong ama may inang matatawag at dalawang bibong kapatid.

Matapos ang pananghalian inaya ako ni itay sa biranda ng kanilang villa… at doon ay nagka-kwentuhan kami habang abala naman si Tita Flor sa pagliligpit ng hapag kainan at ang dalawang bata ay di magkamayaw sa aking mga pasalubong na laruan.

Isang masayang kwentuhan…

Ama sa anak…

Tila binalikan naming ang lahat-lahat mula pa lamang ng ako’y pinagbubuntis ng aking ina at kung bakit ako ang napili niyang magdala ng kanyang pangalan… (junior nga pala ako ng aking ama, what a name).

Hanggang sa mga pangyayaring kapwa naman naming di ninais na maganap.

Minsang tatawa…

Maluluha…

Hihingi ng tawad…

Magpapatawad…

Hanggang nadako ang aming usapan sa pag-buo ng pamilya:

“Wala ka bang ipapakilalang girlfriend sa akin? Aba di ka na bata… naunahan ka pa ni Archie at balita ko magkakaapo na ako sa kanya” tanong ng aking ama, sabay ngiti

Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot… walang nakakaalam sa aming pamilya kung ano ang aking sexual orientation wala akong pinagsabihan… dahil kahit na mayroon akong naging karelasyong lalaki, lalaki parin naman ang kilos ko’t galaw.

 
“Dad I’m GAY!” ang tangi ko lamang naging tugon…

 
Tila nabigla ang aking ama sa aking sinabi… matagal siyang napatitig sa akin, walang kaimik-imik. Katahimikan…

Tumayo sya at bigla akong niyakap ng kayhigpit… alam ko mula sa sandaling iyon tinatanggap nya ako bilang ako ay ako.

Nababakas man sa kanyang mukha ang panghihinayang subalit alam ko ring hindi nya ako hinusgahan sa kung ano ako… nagbilin lamang sya na ingatan ko ang aking sarili lalo na’t nasa Middle East din ako nagtratrabaho.

Pinaliwanag ko naman sa kanya ang aking damdamin, ang aking nararamdaman maging ang aking kilos. Pati narin ang aking kasalukuyang relasyon kay Bryan.

At noon ko lang napatunayang mahalaga pa rin ako lalo na sa aking ama kahit ano pa ang pagkatao ko.

At muli bumalik ako sa sandaling kinailangan ko ng ama sa aking tabi upang sabihin sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin… upang ako ay gabayan… upang ako ay turuan ng dapat…

Marahil ay di na maibabalik pa ang mga lumipas na sandali… subalit maari pala itong punan ng ngayon… ng pagmamahal…

 
At dahil dito mas matapang ko ng mahaharap ang mundo…

 
handa ko ng sabihin sa mundo na Bisexual ako!

 
Nasabi ko nga sa tatay ko…

 

 

Sunday September 9, 2012 5:30PM Oman Time:

 

Kausap ko lang sa phone ang tatay ko… gamit ang viber…

Bigla nalang akong magulat at natawa sa isa nyang tanong…

 “Felmo, anak matanong ko lang… natuli ka ba?”

 Isang malakas na tawa ang aking naisagot… sabay sabing

 
“Opo!”

 

 

Ang sarap talaga ng may ama!

 







 

 

Linggo, Setyembre 2, 2012

Pagliban

 

 
 
 
Makailang ulit kong ninanis na itanong sayo

ang mga agam-agam sa aking puso

inililok ko na nga sa aking isipan ang bawat kataga

upang sa ating muling pagkikita ako’y handa

sa aking bawat sasabihin….

sa aking bawat katanungan nais kong iyong sagutin

 

Subalit pipi akong humarap…

sa nakakabinging katahimikan

Bulag akong yumakap…

sa taong akin pinanabikan

ang  kanyang pagiging ama, haligi ng tahanan

 

Humakbang akong pabalik sa aking kamusmusan

doon hinanap ang mga dahilan

upang aking matanggap yaring aking inasal

sa harap ng nilalang na inilaan nang may-kapal

upang aking maging magulang…

Ano nga ba ang iyong naging pagkukulang?

 

Inakay mo muli akong pabalik sa ngayon

upang aking mabatid ang noon…

noong wala ka

kung bakit

kung paano

kung gaano katagal

at sa haba ng panahon ng iyong pagliban

ngayon ko lang lubos na nalaman

wala ka man, di napatid ang iyong pagmamahal!

Lunes, Hulyo 9, 2012

BeerDei 3


Photo courtesy of Emil Aniban (FB Friend)



Hindi ko na marahil malilimutan sa tanang buhay ko ang petsang June 5-6, 2008…

Matapos na may maganap sa amin ni Ryan ay hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa kanya. Wala kaming naging usapan matapos niyang umalis sa bahay ng umaga ng June 6.

Tila sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari subalit sa kabilang banda ay naroon ang saya… hindi dahil sa isang gabi ng pagniniig kundi sa isang damdaming alam ko sa aking sarili na muli na naman umusbong ng dahil kay Ryan.



ARAW ng klase na ng muli kaming nagkita… simpleng batian lamang ang naganap, di ko maipaliwanag subalit binabalot ako ng kaba sat’wing makikita ko sya sa school.

Lumipas ang ilang mga buwan… hindi nagbago ng pakikitungo sa akin ni Ryan, may makailang ulit na ring may naganap sa amin. Tuwing may pagkakataon ay sa bahay sya natutulog, at muli’t-muli ay nagaganap ang hindi dapat… subalit dahil sa tawag ng laman, ng Pag-ibig? Nagyayari

Makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung mahal nya kaya ako… pero hindi ko ito maitanong sa kanya… Masaya kaming magkasama, sa school naman magalang sya at umaakto lamang ng tama bilang estudyante at ako naman para sa kanya ay kanyang guro. Pero kung kami lamang dalawa, buong kabahayan ko ang saksi sa bawat pagtatalik na animo’y wala ng bukas. At lubusan na ngang nahulog ang aking loob kay Ryan, dahil sa kangyang mga pinapakitang kabutihan at bukod pa doon ang hindi niya pagsasamantala sa kung ano ako, kung ano ang namamagitan sa amin.



December 5, 2008 5:30PM

Kakauwi ko lamang sa bahay galing sa school, nagbibihis ako ng aking pangbahay ng may kumatok sa pinto. Dali-dali akong bumaba matapos maisuot ang aking damit. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa aking harapan si Ryan… nakangiti…



“papapasukin mo ba ako, o tititigan mo lang ako?”

“pasok” ang aking nasabi mula sa pagkatulala… dahil di ko naman inasahan na pupunta sya ng araw na iyon

“ para ka naman nakakita ng multo”

“hindi naman, akala ko ba may pupuntahan ka ngayon?” nakapasok na sya’t aking pinaupo sa sofa…

“oo, dito sayo… ay ibibigay to…” sabay na inabot ang tatlong puting rosas na nakasilid sa isang blue plastic box

Hindi ako makahagilap ng sasabihin, dahil hindi ko naman inasahan ang ganitong pangyayari… at bakit? At para saan?

“ayaw mo ba?” ang kanyang tanong ng nakatinging lamang ako sa kanya…

“para saan naman to?” inabot ko ang bulaklak at mas lalo pa akong napatitig sa kanya dahil naghahap ako ng kasagutan kung bakit?

“mangliligaw ako” ang kanyang sagot na nakangiti.

“mangliligaw?”

“oo…  diba ako nag lalaki sabi mo… kaya naisip ko ako ang dapat mang ligaw”

“Ryan… wag mo nga akong biruin”

“hindi kaya kita binibiro… 7 months na tayong ganito… pero hindi ko naman alam kong ano tayo, kaya ako na ang mangliligaw… pwede ba?”

Lumapit ako kay Ryan at niyakap siya ng kay higpit… lumuha ako dahil hindi ko inasahan ang bagay na ito, ganito pala ang damdamin ng isang sinusuyo… ng pinahahalagahan… ng isang babae?

“I LOVE YOU, Sir Felmo” bulong nya sa aking habang kami ay magkayakap…

“kaasar ka…. Sir Felmo ka dyan…” Kumalas ako sa pagkakayakap at marahan siyang hinampas sa balikat…

“I LOVE YOU Fel…” ang kanyang muling sinabi… iyon ang tawagan namin kung kami lang Fel ang tawag nya sa akin… Rai naman ang tawag ko sa kanya…

At muli kaming nagyakap…

“I LOVE YOU Rai! Very much…”

At ang yakap ay nasundan ng halik… isang halik na na mas naging masidhi… punong-puno ng pagnanasa… ng pag-ibig…

Mismo sa sala… sa sofa… isang pagtatalik!

Marahan nyang itinaas ang suot kong t-shirt, habang ako naman ay abala sa pag-alis ng pagkakabotones ng kanyang polo shirt… hanggang muling tumambad sa akin ang kanyang murang katawan… ganap na ring nahubad ang aking damit… tinanggal ko sa pagkakasinturon ang kanyang pantalon, marahan kong ibinaba ang zipper nito, at dahan-dahang kong ibinaba ang kanyang pantalon, habang magkalapat pa rin ang aming mga labi..

Pinagapang ko ang aking halik sa kanyang katawan… ganap na kaming hubo’t hubad… pinaupo ko siya sa sofa… habang ako naman ay humahalik sa kanyang dib-dib… pababa sa kanyang puson… hanggang marating ko ang kanyang pagkalalaki… pero nilagpasan ko ito… ang bayag nya ang aking pinagukulan ng pansin… pinagsawa ko ang aking dila sa ilalim nito pababa… sa pagitan ng kanyang panglikod na lagusan at bayag… itinaas niya ang kanyang isang paa sa aking palikat… nakaluhod na ako noon sa kanyang harapan… marahang sinusoso ang kanyang dalawang animo’y maliliit na itlog sa loob ng nakalay-lay na balat… habang hawak nya ang aking ulo na para bang pinagdidiinan pa sa kanyang pagkalalaki

Umakyat ako ng bahagya sa kanyang pag-aari… nang ako ay nasa tok-tok nito ay marahan kong pinadaosdos ang aking bibig… hanggang mabalot ng aking bibig ang kabuohan nito… marahan akong nag taas-baba… pabilis ng pabilis… hanggang ungol at daing na lamang ang nalalabing musika sa apat na sulok ng sala…

Hinatak niya akong pataas … kasabay noon ay tumayo siya… ang kanyang bibig naman ang humahalik sa aking dib-dib… sa aking tagiliran… maging ang aking kili-kili ay di nakalagpas… hanggang siya ay nasa akin ng likod… ako’y kanyang yakap habang humahalik sya sa aking batok… sa likod ng aking tainga… naka-abang na ang kanyang sandata sa aking lagusan… nagpaubaya naman ako…

Nakataas sa sofa ang isa kong paa… nakayuko ako’t nakahawak sa sandalan ng sofa… nasa akin syang likuran… maingat na itinarak ang kanyang sandata sa aking lagusan… naroon pa rin ang hapdi… subalit nangingibabaw ang sarap… hawak nya ang aking sandata… kasabay ng kanyang pagindayog… labas-masok… marahan… hanggang sa bumilis ng bumilis… at narating naming ang langit…

Kapwa kami hapo na naupo sa sofa… magkatabi… hubad… nakahilig ang aking ulo sa kanyang balikat…

“Salamat Rai…” ang aking na lamang nasambit… marahan niyang hinaplos ang aking buhok..



Nagbihis na rin kami makalipas ng ilang sandali… inayos ko ang aking sarili’t nagpalit ng damit panglakad dahil nag-aya  siyang lumabas upang manood ng sine at kumain sa labas…





December 5, 2008 11:30PM



Nasa may simbahan kami ng Greenbelt … ilang tao nalamang ang naroon, tahimik.  Doon naming piniling magpahinga matapos manood ng sine…

“diba tayo na” ang kanyang bulog sa akin

“bakit hindi pa ba?” ang aking ganting tanong…

Napangiti  lamang sya…

“may naisip lang kasi ako…”

“at ano naman un, dapat maganda yan… nasa simbahan tayo…”

“ano bang magandang pwede nating maging tawagan?”

“may ganun pa?”

“oo naman… pero dapat kakaiba” nakangiti siyang, tila pigil ang tawa…

“ano na namang kalukuhan ang naisip mo?”

“diba magpapasko naman bakit di kaya… bibingka… bibingka ang itawag ko sayo…” sabay ng mahinang tawa

“loko ka talaga pati ba naman dito… mamaya ka sa akin…”

“sige na… tapos ako naman ang puto bong-bong mo”

“at puto bong-bong talaga… sira…”



Niyaya ko na syang lumabas ng simbahan, dahil baka maka estorbo pa kami ng ibang tao… habang nasa taxi kami pauwi sa bahay ay pinagtatalunan pa rin naming ang bibingka’t puto bong-bong!





December 6, 2008 2:00AM



“Bongs tulog na tayo…”

“aakyat na Bings… kuha lang ako ng tubig!”







"Sex without love is not delicious" -Ryan-


ang nakaraan....





-Itutuloy-






Sabado, Hulyo 7, 2012

Gutom...

Nagugutom ako….


Hindi ko alam kung bakit?


Wala akong stock sa ref...

Mainit lumabas....

at dahil sa walang magawa….

Check na lang ng FB,

at ang tumambad sa akin....


Aba mas nagutom tuloy ako!

At nag-init narin…

Kaya gusto ko sanang maligo…

Pero gusto ko ng privacy…

Kasama sila….



Landi lang!



Pero ang maligong may kwentas at bracelet…

Pwede na rin kung sya lang din lang naman ang kasama…




Saan kaya meron nito?



Buti pa si Justine… meron na….



Lalo tuloy akong nagutom......

pero ano ito?


Ewwwwwwwwwwwww…

Buti nalang di ako laking Alaska…


BearBrand kaya ako…



Nawalan tuloy ako ng gana…



Pero gutom talaga ako…



Kaya bumaba ako ng flat at bibili ng kahit ano sa


Burger King…



Pero bago pa man makarating…



Ito ang sa akin ay inihain!




Hindi na muli akong magugutom!

Sabado, Hunyo 23, 2012

Isang Paalam...




June 22, 2012 10:00AM



Naalimpungatan ako mula sa tunog ng aking cellphone na nakalagay sa aking side table… ayaw ko pa sanang bumangon dahil sa puyat kagabi, tinatamad kong inabot ang aking cp upang i-off pero nakita ko ang pamilyar na pangalan ng tumatawag.

Dali-dali akong bumangon at naupo sa gilid ng kama,  atubiling sinagot ang tawag…

“Hallo!”

“Good morning!”

“Where are you?”

Pero imbes na sumagot ka sa aking tanong ay matagal na katahimikan ang iyong isinukli… tanging ang marahang paghinga mo sa kabilang linya ang aking naririnig sa aking cp.

“Is he there?” tanong mula sayo, matapos ang ilang sandali.

Ako naman ang naghagilap ng isasagot…

“no, he is not here now” ang aking nasagot

“can we talk?”

“sure!, where are you?”

“here down”

Dali-dali akong tumayo at dumungaw sa bintana ng aking flat upang tanawin ang isang coffee shop sa ibaba ng katapat na building... kung saan madalas kitang sunduin tuwing dumadalaw ka sa akin dati.

Naroon ka, nakaupo sa may dulong bahagi ng coffee shop sa lugar na lagi nating pinagpupuwestuhan tuwing nagyayaya kang uminom ng chai*…

Hindi ko maipaliwanag subalit nagalak ang aking puso…

“wait for me I’m going down”



Kinakabahan man ay dali-dali akong nagbihis, inayos ng bahagya ang aking sarili at tinungo ang pinto ng aking flat at dumiritso sa corridor, sa may elevator…  ilang ulit ko ng pinipinot ang down arrow pero ayaw umakyat ang lift, isang cleaner ang aking nakita sa corridor na sya kong napagtanungan kung sira ba ang elevator… ang sagot sa akin ay may naglilipat daw kung kaya na ka service ang lift sa kasalukuyan.

Akin na lamang tinungo ang hagdan pababa ng building… nasa ikatlong palapag ako… ilang baytang din ito pababa… ilang hakbang pabalik sa dating pag-ibig…





February 14, 2012 5:00PM: Al Ain Mall, Bowling area



Habang Masaya ang lahat, dahil sa araw ng mga puso ako nag-iisa inuubos ang mag-hapon sa paglalaro ng bowling… habang nakaka-strike ako unti-unting nawawala ang galit… ang puot ng aking puso… pero tulad ng ala-ala ng nakaraan muli at muli itong tatayo at muli ay kailangan mong patumbahin, subalit sadyang kahit anong gawin maari ka ring ma-canal at wala kang magagawa dahil hindi ka iiwan ng gunita… ng sakit… ng pait…

“your good!” akma ko na lamang ititira ang huling tyansa ko upang mapatumbang lahat ng pins ng sa aking likuran ay nag wika ka… napalingon ako at napangiti na lamang, dahil sino ba ang di gaganti ng ngiti sa tulad mo.

“Thank you…”

“I’ll been watching you play for about an hour now… it seems that your alone”

“ah… yes”

“in valentine’s day?”

“why not?”

“okey… sorry to disturb you”

“no it’s okey!”

“can we play a set… if you’re not tired yet”

“okey… game” at itinira ko ang huling pagkakataon… at lahat ng agam-agam ay naitumba ko…

Isang matunog na palakpak ang itinugon mo sa huling tira ko… nagpasalamat ako sayo… agad ka namang nagpakilala…

“by the way I’m Jhomma”

“Felmo” at ang ating unang pagdadaupang palad…



Mula sa paglalaro ng bowling… panunuod ng sine… hanggang sa isang hapunan kasama kita… hanggang sa isang mag-damag ng kaligayahan… isang magdamag ng galak… ng paglimot… ng tuwa… ng paghihiganti…



HINDI ko alam kung minahal kita noon… pero sa paglipas ng panahon tinanggap ka nang aking puso.

At sinong hindi magmamahal sa isang tulad mo? Na bagamat alam na mayroon akong ibang mahal na nang-iwan sa akin dahil sa kanyang sariling pamilya… at bagamat inamin kong sya’y mahal ko pa… hindi ka lumayo, at kahit sinabi kong umaasa pa rin ako sa kanyang pagbabalik… sabi mo kung babalik sya magpapalaya ka.

At minahal na nga kita… subalit nagbalik sya… inamin ko sayong mahal ko pa sya… nagpalaya ka, at sinabing hangad mo ang aking kaligayahan.





SUBALIT ngayon muli ay nandito ka…

Hindi ko nabilang kung ilang hakbang ang aking minadaling lagpasan upang muli kang malapitan. Niyaya mo akong maupo at saluhan ka sa paginom ng chai… pero mas ninais kong sa flat nalamang tayo mag-usap… nag-atubili ka sa pagpayag subalit ito ka ngayon sa aking kwarto, kausap… parang tulad lamang ng dati… tila walang naganap na paalam mula ng muling nagbalik ang dating pag-ibig… wala ni ano mang galit… wala ni ano mang paghihinanakit mula sayo.

Narito ka para lamang magpaalam… upang sabihing matapos ang bakasyon ay di ka na babalik ng Al Ain, at sa ibang lugar mo na napiling tapusin ang iyong pag-aaral… upang tuluyan kang malayo sa akin… upang tuluyan akong malimot.

Niyakap kita ng kayhigpit, tanda ng pagpapasalamat… na ginantihan mo naman ng isa rin mahigpit na yakap… at muli’t nagtama ang ating paningin… at mula doo’y naganap muli ang lahat…

Nagmula sa isang maalab na halik, mula sa iyong mapupulang labi… na pinagapang ko sa iyong leeg… isa-isa kong inalis ang pagkakabotones ng iyong polo ay tuluyan itong mahubad… ang aking labi ay pinagsasawa ko ngayon sa iyong matipunong dib-dib, pababa sa iyong puson… habang akin namang tinatanggal ang sinturon ng iyong pantalon… alisin ang pagkakabotones nito at ganap na maibaba ang zipper nito, tinulungan mo akong maibaba ito ng marahan pati ang puti mong brief at muli natampad sa aking paningin ang iyong pagkalalaki…

Pinaupo kita sa gilid ng kama, habang ako naman ay abalang halikan ang iyong mabibilog na hita… dahan dahan mong hinila pataas ang akin suot na t-shirt… at tuluyan itong naalis… sapo na ng aking bibig ang iyong bayag… nilaro-laro ng aking dila ang mumunting bilog na nagpapabigat dito… ang mahihina mong impit na daing at tila isang musika na nagpapahusay pang lalo sa aking pagindayog papaakyat sa iyong pag-aari… marahan akong ng taas-baba… habang hawak mo ang aking ulo upang ito ay maalalayan patungo sa paghahangad ng pagsambulat ng iyong pagnanasa… hinila mo ako pataas… ganap na tayong nakahiga sa kama… na naging atin lamang minsan…

Ikaw naman ang humahalik sa aking dib-dib habang ibinababa ang aking short at brief… at kapwa na nga tayo hubo’t-hubad… nag sasalo sa isang pagtatalik na puno ng pag-ibig bagamat wala na dapat ito sa ating damdamin…

Muli ay subo ko ang itong alaga… maging ikaw man ay sapu narin ng iyong bibig ang aking kargada… walang hanggang ligaya ang dulot ng muli nating pagniniig….

Nakakubabaw ka na sa aking likod… at mula rito ay marahan mong ipinasok ang iyong ari sa aking panglikod na lagusan… na roon pa rin ang sakit na dulot nito sat’wing ikaw ang papasok sa akin… marahan, maingat… hanggang ang hapdi ay mapalitan ng sarap… at kapwa natin pilit inabot ang magkabilang langit… ramdam ko mula sa aking kaluoban ang pagdaloy ng mainit na likido mula sayo… pinagdiinan mo pa ang pagkakatarak ng iyong alaga sa aking lagusan…

Marahan mong hinugot ang iyong sandata… pinatihaya mo ako hawak mo ang aking alaga na matigas pa rin bagamat nahahapo na ako mula sa iyong ginawa… muli mo itong isinubo… nilaro ng iyong dila… tila pinapahiran mo ng iyong laway… alam kong sasabog na rin ako ano mang sandal subalit huminto ka… nakatitig lamang ako sayo… ng bigla kang kumubabaw sa aking balakan itinutok mo ang iyong panglikod na lagusan sa akin alaga… wala akong nakitang pag-aalinlangan sa iyong mga mata… nais kita pigilan, dahil hindi naman ito natin dating ginagawa… ngumiti ka lamang… at dahan-dahan… naramdaman kong bumabaon ang aking alaga sa iyong lagusan.

Napangiwi ka ng bahagya… alam kong hindi ka sana’y, pero marahang taas-baba na ang iyong ginagawa habang paluhod kang nakaupo sa aking harapan… di ko paipaliwanag ang sarap na aking nararamdaman ng mga sandaling iyon… walang hanggang sarap… na sana’y din a magwakas… subalit kumawala rin ang naipon kong katas… at kapwa tayo hapong nahiga sa kama… matapos ang isang pagtatalik… nakayakap ako sayo… kapwa tayo walang imik…



Ilang sandali rin tayong nakatitig lamang sa isa’t-isa, hanggang ikaw ang unang bumasag sa ating katahimikan…

“I will never forget you!”

Wala parin akong imik… dahil hindi ko pa rin alam kung ano ang aking sasabihin…

Tumayo ka mula sa kama… at marahang isinuot ang iyong damit… nakatingin lamang ako sayo…



Binasag lamang ang ating katahimikan ng isang Adhan* mula sa isang malapit na Mosque… hudyad ng Salah*…

Matapos mong magbihis, lumapit ka sa akin… nakaupo na ako sa gilid ng kama…

Niyakap mo ako ng kayhigpit… at muling nag wika…

“Always remember that I love you and I will never forget you!”

Lumokso muli ang aking puso… subalit alam ko naman hindi pa ito ang tamang panahon para sa atin… kung kalian? Tanging panahon na lamang ang syang makakapagsabi…

“You don’t need to say anything… Felmo, I know… Gooodbye!”



Tumalikod ka papalapit sa pinto…

“Jhomma… thank you for everything!”

Humarap ka sa akin, at muli ay nasilayan ko sa iyong mga labi ang isang ngiti tulad ng dati… ng una tayong nagkakilala…



At tuluyan ka ng lumabas ng pinto… naibulong ko na lamang sa hangin ang kanina pa nais sabihin ng aking puso… na MAHAL KITA… Paalam!







Adhan: Call for prayer in muslim
Salah: Muslim prayer

Chai: tea with milk





           






Lunes, Hunyo 18, 2012

Father's Day!


Father’s Day!



June 17, 2012 9:00AM: Millennium Hotel, Oman



Dahil sa may apat na araw akong bakasyon mula noong June 14-17, 2012 at dahil na rin sa imbitasyon ng isang kaibigan ay nasa bansang Oman ako ngayon.



Habang nakamasid ako sa dalampasigan at naghihintay na magising ang mga kasama ko na marahil ay puyat dahil sa aming night-out, isang tawag ang aking natanggap…. Numero lamang ang rumihistro sa cp ko at hindi pamilyar sa akin ang country code nito…



“Hello…”  ang aking nasambit ng sagutin ang tawag.

“Felmo, anak daddy mo ito…” ang sagot sa kabilang linya.

Kinabahan ako ng sandaling iyon, hindi ko alam ang aking sasabihin… ang aking itay ang tumatawag sa akin na halos tatlong taon ko nang di nakakausap.

“Sandali po hindi ko kayo marinig… lalabas lang ako” ang aking nagging tugon… upang makapag-isip ng aking sasabihin… mula sa balkonahe ng hotel ako ay pumasok sa kwarto at lumabas sa garden, napaso ako sa tindi ng sikat ng araw… ako ay lumakad pa papalapit sa mga puno ng dates upang makisilong sa lilim na likha nito…

“Felmo”

“Dad, kamusta po? Kanino nyo nakuha ang number ko?”

“nakuha ko kay Archei (nakakabata kong kapatid)… nasa UAE ka pala?”

“Opo , 2 years na rin ako dito”

“Kumusta ka naman?”

Tila napako ako sa aking kinatatayuan… kinakamusta ako ng aking ama… ng aking amang halos di ko nakasama sa aking pagkabata, sa dahilang lumaki kaming ang kapiling lamang ay ang aming ina. Nasa Saudi sya habang kami ay lumalaki… kada-dalawang taon lamang kung sya ay umuwi, at isang buwan lamang ang kanyang inilalagi sa amin at aalis namang muli.

Ang tangi ko lamang, ala-ala sa kanya ay ang mga laruang robot at baril-barilang na di ko naman nilalaro at pailan-ilang larawan habang nakabakasyon sya sa Pilipinas… ilang birthday bang wala sya? Ilang pasko? Ilang bagong taon… Minsan nga naisip ko rin na sya marahil ang dahilan kung bakit ako nagkaganito… dahil marahil wala akong father figure na namamalas sa aming tahanan… dahil embis na basketball ay jack-stone ang nakagawian kong laruin… pati narin barbie habang inaalagan ko ang bunso naming kapatid.

At sya rin marahil ang dahilan kung bakit iniwan kami ni inay at sumama sa ibang lalaki… dahil wala syang panahon para sa amin ng pamilya nya… o dahil ganti lamang iyon ni inay sa kanyang pangbababae ng siya ay nasa Saipan pa.



“Felmo anak?”

“Dad sorry po… mahina lang ang signal dito kaya paputol-putol ang linya” ang akin pang alibi

“Kamusta ka na?” muli nyang tanong.

“mabuti naman po… kayo po kamusta na?”

“ito tumatanda na… hahahaha” bagamat tumatawa sya sa kabilang linya ay parang inmpit ito na animo’y pinipigil lamang ang luha… hindi ko namalayan na tumulo na rin ang luha sa aking mga mata

“Dad, miss ko na po kayo” ang tangi kong nasambit.

“anak, buti naman at sinagot mo ang tawag ko… ikaw na lang sa iyong apat na magkakapatid ang di ko nakakausap, buti naman at kinausap mo rin ako…” nabasag na ang kanyang tinig… at batid kong lumuluha sya sa kabilang linya… ako man ay di ko na mapigilan ang ma-iyak…



Hinagilap ko sa aking sarili ang sagot sa katanugang “Galit ba ako sa aking Itay?” pero wala akong nakitang puot… dahil sa kabila ng lahat ay minahal ko sya at ganap na naunawaan lalo nang ako naman ang nag-abroad at nakakilala ng mga simpleng taong nag susumikap at nagtitiis sa ibayong dagat maitaguyod lamang ang mga naiwang pamilya sa pilipinas…

Marahil ay kinapos sya ng panahon para sa amin ng pamilya nya… dahil hindi sapat ang panahon kanyang ginugol sa ibayong dagat upang maitaguyod nya ang aming pag-aaral… ang aming bukas…

…at kung mabibigyan lamang sya ng ibang pagkakataon, marahil ay gagawa sya ng paraan upang mabawi ang lahat nyang pagkukulang…



“Dad… pasensya na po…”

“Wala kang dapat alalahanin… ako nga ang dapat na humingi ng paumanhin sa inyo… at salamat na rin dahil hindi mo pinabayaan ang mga nakakabata mong kapatid…”

“Kamusta na po si Tita Flor (ikalawang asawa ni itay)?”

“Mabuti naman anak… dalawa na pala ang kapatid mo ditto… sabi nga pala ni Archie ay bakasyon mo sa August… sana madalaw ka dito…”

“Po…”

“kung pwede ka lang naman… ako na ang bahala sa plane ticket mo”

“Balak ko po kasing sa December na magbakasyon, kung papayagan po ako ng school… pero kung matuloy po ako sa August sabihan ko po kayo…”

“ok, anak… asahan ko”

“opo”

“Ingat ka palagi dyan anak!”

“salamat po…. Dad!”

Katahinikan…

“Anak?”

 “Happy Father’s day po!”

“Salamat anak!”



Halos 30minutes na ang nakakaraan mula ng huli kaming mag-usap na mag-ama… Masaya ako’t muli ko syang nakausap, na muli ay nagbukas ang kumunikasyon naming dalawa. Marahil nga’y mahirap tanggapin subalit batid kong mahal kami ng aming mga magulang… mahal ako ng aking ama!



Eto ako ngayon naka online magpapabook ng flight papuntang Kuwait sa darating na August!



“Hindi dahil sa hindi na nila MAHAL ang isa’t-isa ay din na rin nila MAHAL ang kanilang ANAK!" -mula ito sa isang english movie na nakalimutan ko na ang pamagat... sinasabi ng isang babae sa isang bata na bagamat naghiwalay ang kanyang mga magulang hindi mawawala ang pagmamahal nila sa kanyang anak... tinagalog ko na to-



Marahil hindi ako magiging ama… pero sapat na ang aking namalas sa tinagal ng aking buhay sa mundong ito upang maintindihan ang aking ama… at ibang pang mga ama!



Happy Father’s Day!